Chapter 46

464 22 0
                                    

~Noah~


Wala sa sariling nakatingin lamang ako sa kawalan.

Samot saring ingay ang naririnig ko sa paligid ko pero wala akong maintindihan.

Wala roon ang isip ko kun'di na kay Lui.

Kung ano anong pangit na imahe na ang sumasaksak sa utak ko, at 'yon ang tila mas lalong nagpapabaliw sa 'kin.

Agad akong pinuntahan ng mga kaibigan ko sa hotel na pag-aari namin kung saan kami nag daos ng aming kasal pagkarinig nila ng balita.

Baka nga karamihan sa kanila ay di pa nakakapikit ang mata ay napabalik bigla sa hotel nang malaman ang nangyari.

Si Jason, Marvin at Klient ay nasa reception pa nga at umiinom kasama ng ilan pang mga bisita.

Nabulabog lamang ang mga ito nang sabihin ng isa sa mga tauhang kinuha ko ang pag-alis ni Lui.

"Hindi mo kailangan mag-alala, Noah. Babalik si Lui," bigla ang paglingong ginawa ko kay Arielle Marie.

Nakita kong natigilan siya at napalunok...

Maybe I looked so terrible at the moment.

Yes, I am. Sigurado akong parang baliw na ngayon ang itsura ko.

Malapit lapit na nga siguro ay bibigay na ang utak ko. Baka mas malala pa kay Kiel ang labas ko nito.

"Lui..." Nanlulumo akong napasabunot sa aking buhok.

Ewan ko pero marinig ko pa lamang ang pangalan niya ay para na akong masisiraan ng bait.

"P-paano kung hindi siya makabalik, paano kung..." parang naninikip ang dibdib ko at bigla ay nahirapan akong huminga.

Isipin ko pa lamang na baka masaktan itong muli...

Those lashes at her back. Sinabi na sa akin ni Alesha kung saan niya iyon nakuha. Paano kung this time, hindi na siya makaligtas?

"P-paano kung may mangyaring masama sa kaniya? Baka hindi ko kayanin at--"

"Lui is one of the most skilled and smart agents, can't you see? Pilay ang A's kapag wala ang isa. Lalo na si Lui," She paused.
Deretso ang tingin niya sa akin.

"Isa siya sa pinakamagaling at pinaka malakas. Tinalo niya si Alesha, gano'n rin si Rocky na kahit kailan ay di pa napapatumba ng kahit na sino." Napatiim bagang ako nang marinig ang pangalan ng lalaking iyon.

Ayon sa nakarating sa akin ay nagkagusto ito kay Lui. Buti na lamang at hindi siya nagustuhan ng mahal ko.

"Walang nakapagpatumba sa dalawang leader na iyon. But Lui, did. Mabilis siya at malakas ang pakiramdam. Mga katangian ng isang magaling na agent." Hindi ko alam kung kailangan ko ba iyong ipagpasalamat kay Arielle Marie. Dahil kahit paano may kumislot sa dibdib kong dapat akong magtiwala sa kakayahan ng mahal ko.

"May sa pusa nga ata ang babaeng 'yon at kayang kaya niyang makipagpatintiro kay kamatayan. Naniniwala akong babalik siyang ligtas, Noah."
She chuckled. Na para bang nakaalala ng isang nakakatawang bagay.

Inalerto ni Arielle Marie ang mga tao niya.

Nangako rin itong babalitaan ako kaagad sa oras na makakalap ng impormasyon kung nasaan nga ang kinaroonang location ng A's.

Iniuwi ko sa bahay ko ang mga magulang ni Lui. Tulad ng bilin niya at nang napag usapan namin ni Alesha.

Ako muna ang proprotekta sa mga magulang nila.

Kahit pa nga nagpupumilit si Violet na kunin sila sa akin.

Kinausap ko ang mga magulang ni Lui at sinabi ko ang bilin ng kanilang anak.

Onschatbare LiefdeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon