Chapter 48

600 21 1
                                        

~Audrey Lui~




Mag-aapat na buwan na mula ng mailibing ang labi ni ate Alesha.
Si Mommy at Daddy naman ay pansamantala munang tumira sa amin.
Nalaman na rin nila ang tungkol kay Ate Alesha.
Syempre 'di ko maaatim na ipagkait sa kanila ang katotohanan.
Ipinagtapat namin ni Noah ang totoo. At ang pagkakasangkot ni Violet.
Hindi naman sila nagalit o nagtampo dahil sa paglilihim namin ni Noah. Bagkus sinisisi pa nila ang sarili kung bakit labis silang nagtiwala sa adopted sister namin.
Hindi sila makapaniwala na nagawa nitong makipagsabwatan sa totoong ama nito upang kami ay ma-kidnap noon ni Ate Alesha. Nakakapanghinayang lamang dahil hindi man lamang siya nayakap nila Mom and Dad.
Ngunit sino ba ang mag-aakala na siya ay nasasangkot sa lahat?
Kung hindi nga ako napabilang sa A's ay baka wala pa rin akong kaalam-alam magpahanggang ngayon.
Ang mahirap at masakit lamang, ay ang makitang labis na nasasaktan ang mga magulang ko. Na sinisisi nila ang kanilang sarili sa nangyari sa amin.
Na nasasaksihan ko ang labis nilang kalungkutan sa pagkawala ni Ate.
Maging ako man ay hirap pa rin tanggapin ang lahat. Ngunit naisip ko, magiging masaya kaya si Ate kung habang buhay kaming magluksa at damdamin ang pagkawala niya?
Alam kong buong buhay niya ay wala siyang inisip kun'di ang kaligtasan namin nila Mom and Dad.
Masaya siya, kapag masaya kami. Kinausap ko si Daddy at Mommy about this, kung ano ang pagkakakilala ko kay Ate Alesha.
Until we decided to move on, kahit sobrang hirap. Ngunit hindi pa rin namin kinaliligtaan dalawin ang kaniyang puntod.
Halos Linggo linggo ko itong dinadalaw.
Malaki rin ang naitulong ng pagbubuntis ko para muling ngumiti ang buhay namin.
Hindi rin kasi nila maiwasan na manabik sa paparating nilang apo. Nakatulong din ang madalas na pagdalaw sa amin ng mga magulang ni Noah.
Mas lalong naging solido ang pagsasama ng aming mga pamilya.
May mga bantay pa rin kami sa labas ng mansyon.
Himdi rin ako hinahayaan ni Noah na lumabas nang mag-isa.
"Manang Jerika, nakahanda po ba ang lahat ng gulay?" ang magalang kong tanong pagbungad ko sa may kusina.
Nakita ko si Manang Jerika na nagpupunas na ng lavabo.
"Noku e, oo hija. Naihanda ko na ang mga gulay na kailangan mo," nakangiting sagot nito.
Nagpasalamat ako inumpisahan ko na rin ang pagluluto ng hapunan.
Maaga pa naman pero gusto kong handa na ang lahat bago pa man dumating ang aking asawa.
Ang mga magulang ko at magulang ni Noah ay nasa garden naman at nagku-kuwentuhan.
Gusto nga nila sanang tumulong sa pagluluto ngunit agad akong tumanggi.
Syempre gusto ko, ako lang ang aako no'n para damang dama ko ang pagsisilbi ko sa aking asawa.
Kinailangan ko lamang ang tulong ni Manang Jerika sa paghahanda ng mga gulay.
Magluluto ako ng kare-kare, shopsoy at beef steaks.
Ilang oras din ang ginugol ko sa pagluluto.
Masaya akong pagsilbihan ang asawa ko. Sobrang saya rin ang nararamdaman ko sa tuwing pupurihin nito ang aking luto.
Sa tuwing nakikita ko ito kung paano nag-e-enjoy sa pagkain. Ang sarap niyang pagmasdan sa tuwing nakikita ko kung gaano ito kaganang kumain.
Pawisan ang noo ko habang nasa harap ng kalan. Malaki ang aking tiyan, minsan ay hindi na rin ako komportable sa pagkikilos.
Pero gusto kong pagsalibihan ang asawa ko, hanggat kaya ko.
Patapos na rin ako nang may matitipunong brasong yumakap sa akin mula sa aking likuran.
Masuyo niyang hinaplos ang maumbok ko nang tiyan habang pinupugpog ng halik ang aking leeg.
Napahagikhik ako. Magaan niyang kinagat ang tainga ko na siyang kinakiliti ko.
"hmm... Bakit ikaw na naman ang gumagawa niyan, lahat? Baka mapagod na naman ng husto,ang wife ko." Ang lambing ng boses niya. Kapag ganito siya, parang tumatalon ang puso ko sa tuwa.
Nilingon ko ang mukha niyang pinirmi niya sa balikat ko.
"Hindi lang po ako ang gumawa nito lahat, nagpatulong rin ako kay Aling Jerika," magaan kong pinisil ang kaniyang ilong.
Mabilis naman niyang hinuli ang labi ko.
Ilang saglit na naghinang ang mga labi namin. Ako na rin ang kusang humiwalay sa kaniya.
Napanguso siya sa ginawa ko. "Husband ko, mabuti pa, magpalit ka na muna ng dami. Patapos na ako at kakain na tayo." Ang pagtataboy ko. Pero hindi siya nakinig nakayakap lamang siya sa akin habang nakapatong ang kaniyang baba sa aking balikat. Sumusunod siya sa bawat galaw ko paminsan minsan ay nararamdaman ko ang paghaplos niya sa aking tiyan.
"Tinataboy na naman ako ni Mommy e, gusto ko lang naman maglambing." Ang aniyang animo'y nagsusumbong sa kaniyang anak.
Sa bawat pagdaraan ng mga araw kitang kita ko kay Noah ang labis na saya at pagkasabik sa paglabas ng aming panganay.
Napapailing na lamang ako sa kaniya.
Maya-maya pa'y pinatay ko na rin ang stoves,
"Sige na, magpalit ka na ro'n, hindi ka pa ba nagugutom?" ang nakangiti kong pagtataboy sa kaniya.
Nangingislap na naman ang mga mata niya habang titig na titig sa akin.
"Di mo ba ako sasamahan?" ang lambing niya. Nangingiti akong napailing sa kaniya.
"Hayaan mong si Manang Jerika na diyan ang maghain," ang suyo nito sa akin at hinawaka na ang kamay ko pasunod sa kaniya.
Wala akong nagawa kun'di ang maging sunod-suran sa kaniya.
Ganoon naman lagi e, mahirap talaga sa akin ang tanggihan siya. Isa pa gustong-gusto ko rin ang nangyayari sa amin.
At lalo pang nakaramdam ng pagkaadik ang aking sistema. Ngayon sa pagbubuntis ko.
Tila hinahanap-hanap kasi ng katawan ko ang init ng katawan ni Noah.
GustongGustong-gusto ko rin ang lalaking lalaking amoy niya.
Lumipat ang mga kamay niya sa magkabilang baywang ko. Nasa likod ko siya. Nauuna akong naglakad sa kaniya.
Ramdam ko ang pag-alalay niya sa akin mula sa likuran ko.
"Baby, hindi mo pa pinagod si Mommy today?" ang anitong alam kong ang aming anak sa loob ng tiyan ko ang kinakausap.
Napangiti akong muli. Madalas kasi niyang kausapin ang anak namin sa aking sinapupunan.
"Hindi naman po, Daddy. Ikaw lang naman ang madalas na pumapagod kay Mommy," ang biro kong sagot sa kaniya.
"Pagod na ba talaga ang misis ko? Saglit na saglit lang naman e, bibilisan ko." Ang bulong nito at muling magaan na kinagat ang dulo ng tainga ko.
Pagkasara pa lamang ng pinto namin ay agad na niyang sinibasib ng halik ang mga labi ko.
Ngunit buong ingat naman na gumalaw ang kaniyang mga kamay. Lagi naman niyang sinisigurong hindi maiipit o masasaktan ang tiyan ko.
Maluwag naman ang duster na suot ko. Marahan niya akong inihiga sa kama.
Titig na titig siya sa kabuuan ko at nangingislap ang mga mata niya. Habang unti-unti naman nitong hinuhubad ang mga saplot sa katawan.
***
Pagkatapos maglinis ng katawan ay pumasok na ako sa walk in closet.
Nakasunod lang din si Noah sa akin.
"Husband ko, tinawagan ako ni Arielle Marie, tinatanong niya kung gusto kong mag-ampon ng mga aso," ang naalala kong ikuwento sa kaniya sa pag-uusap namin kanina ni Arielle Marie.
Nilingon niya ako habang humuhugot ng damit sa closet.
Ako nama'y inaayos ang pagkakasuot ko ng bagong duster.
"Ikaw gusto mo ba?"
"Gusto ko, nakita ko sa vedio ang cu-cute nila !" ang masaya kong kuwento.
"Si Manang Jerika nga e, may napiling dalawa!" dagdag ko. Plano ko kasing mag-alaga ng mga aso.
Pagkatapos niyang magbihis ay umakbay agad siya sa akin.
Binalikan ako sa pisngi. "Everything for you, wife ko. Ibibigay ko lahat ng makakapagpasaya sa'yo." Ang masuyo niyang sabi sa akin.
Parang hinaplos ng init ang dibdib ko. Kahit kailan talaga at kahit anong oras kayang-kaya nitong gawing dagat ang dibdib ko.
At gisingin ano mang oras ang mga kulisap sa loob ng tiyan ko.
Nagmagkatingin kaming dalawa ay mabilis kong dinampian ng halik ang mga labi niya.
NANG sumunod na araw nga, kasama namin si Manang Jerika ay sinadya namin ng pet house nila Arielle Marie. Maraming ibat-ibang klase ng hayop ang naroon ngunit napansin kong mas nalalamang ang mga Pusa.
And then, tila nasagot ang pagtataka nang mabanggit nga nitong mahilig talaga siya sa mga pusa. Hilig daw ni Arielle ang mag- rescue ng mga hayop na napabayaan o walang kumakalinga.
"Heto puwedi kayong mamili," ang turo niya sa mga asong karamihan ay panay ang kawag ng buntot nang makita kaming papalapit.
Halatang sanay na ang mga ito sa tao. Parang friendly na ang mga ito.
May ilang asong tila walang pakialam at may kumahol din pero saglit lang.
"Iyan si Dynamite, lagi nag-uumpisa ng landian pero kapag pinatulan, pupunta sa isang sulok, playing safe." Ang natatawang ani Arielle Marie.
"Ito naman si Jereka," ang turo nito sa isang asong medyo payat at pahaba.
"Akin na lang yan!" ang agap ni Manang Jerika. "Bukod sa kapangalan ko e, mukhang askal. Maganda pang bugaw sa mga gansang pumipisti ng aming palayan!" ang dagdag pa niya. Nakita ko ang pigil na ngiti ng asawa ko at ni Uno. Nakamasid lamang ang dalawa sa amin. Aampon nga rin daw si Manang Jerika ng isa para iuwing Laguna.
"Hindi ho siya askal Manang, payatin dahil may lahi kasing Ibizan, pala tahol nga po iyan at talagang bagay na bagay sa farm dahil gusto nito ng malalawak na lugar para pagtakbuhan." pagbibigay impormasyon pa ni Arielle Marie.
"Puno ng galis 'yan nang matagpuan namin, but look at her now," ang nakangiting singit ni Uno.
" Heto Lui magkakapatid ang mga ito," baling naman sa akin muli ni Arielle Marie. Tinuro nito ang magkakatabing aso na halos magkakapareho ang laki at.magkakamukha. "Heto, si Ron, Glow, Ritche, Krest si Diama at Vib magkakapatid ang mga iyan. Iisang lahi." ang dagdag pa niya.
Sa huli, mas pinili ko at napagpasyahang kunin ang tatlong tuta pa. Masyadong maliliit pa at nadede pa nga ng gatas sa botelya.
Gusto ko kasing sa akin na lamang ang mga ito lumaki. Wala pa ding mga pangalan mga ito kaya pinangalanan ko silang. Brownie, Rambo at Dolce!
Tuwang tuwa akong umuwi ng bahay. Araw-araw ay personal kong inaalagan ang tatlong tuta.
Pinapadede sa botelya na para bang nagpa-practice na nga ako kung paano mag-alaga ng sanggol.
Ngunit alam ko naman na malaki pa rin ang pagkakaiba sa pag aalaga ng sangol at tuta.
***
Mabilis na lumipas ang tatlong buwan sa susunod na buwan ay manganganak na ako.
Hirap na akong magkikilos. Mabigat na qng tiyan ko. Maski nga pagsusuot at pagtanggal ko ng aking underwear ay si Noah na ang gumagawa.
Nang Linggong iyon ay niyaya ko munang dumaan sa simenteryo si Noah bago kami tumuloy sa isang baby shower na hinanda sa akin ng mga kababaihan.
Napakunot ako sa aking noo nang mapansin ko ang dalawang maliliit na pasong may halamang bulaklak. May nakakabit na card pa sa isang bulaklak. Marahan at hirap akong lumuhod. Inalalayan naman ako ni Noah.
Parang tumayo ang balahibo ko sa batok nang makita ang nakasulat roon.
"I will always here, to protect you always," ang nakasulat doon. Bakit gano'n?
"What was that?" ang takang tanong ni Noah nang tila nahalatang natigilan ako. Agad ko iyong tiniklop at ibinalik kung saan nakalagay.
Nagkibit ako ng balikat. "Nothing... May naisip lang ako bigla," ang simple at tila baliwalang sagot ko.
Sa huli naisip kong baka isa kila Queen at Spade ang napadalaw roon.
Nagsindi ako ng kandila sa tabi ng inalay kong bulalak, taimtim na nagdasal.
Kinausap kong muli si Ate. Paulit-ulit na humihingi ako ng tawad.
Hindi na rin kami nagtagal doon at tumuloy na kami sa bahay nila Kiel at Althea. Doon kasi gaganapin ang hinanda nilang babyshower para sa akin.
Masaya nila kaming sinalubong ng mga pagbati. Excited na nga rin ang mga ito para sa amin ni Noah.
Lalo na ang mga kalalakihan. Ang mga kaibigan ni Noah. Kitang kita ko ang kanilang suporta at saya para sa kanilang kaibigan.
Nakita ko ang nakatambak na mga regalo sa isang tabi. Nakalagay ang mga iyon sa ibabaw ng isag mesa. I guess, lahat ng mga iyon ay gamit para sa paparating naming anak.
"Sedrix kanina mo pa hawak yang regalo mo," ang biro ni Klient kay Sedrix. Napatingin ito sa akin. May hawak siyang paper bag na kulay pula na matingkad. Agaw pansin nga iyon. Nagkibit balikat lamang siya.
"Congratulations, " ang mababang boses na aniya. "Salamat," simple kong sabi. Simple rin ang ngiting binigay ko. Wala siyang naging reaction. Blanko pa rin ang mukha. Nilapag nito ang dalang regalo sa ibabaw ng mesa.
Napakamisteryoso talaga niyang tao.
Madalas sinasabi nilang magaling akong bumasa ng tao ngunit tila laging blanko ang mukha ng taong ito.
Malaki ang kaniyang katawan. May buhok ang magkabilang panga ngunit naka-trim naman. Mayroon rin siyang bigote.
Malinis pa rin siyang tignan kahit may kahabaan ang buhok. Ngunit naroon pa rin ang awra niyang kahit sa panaginip ay ayaw mong makita.
He has this cold and dangerous aura. 'Yong tipong ayaw mong maging kaaway dahil magsisisi ka?
"I have to go, naghihintay ang asawa ko." Natigilan ako sa narinig. Nag asawa na pala ito?
Alam ko single siya. "Kailan mo ba ipapakilala yang misis mo sa'min kinasal ka man lang ng di namin alam," ani Xian sa kaniya. Ngumisi lamang siya at di na sumagot.
Deretso na niyang tinungo ang pinto. Ni hindi na ito nagpaalam sa bawat isa. Tinaas lamang nito ang isang kamay na tila hudyat na aalis na ito at nagpapaalam na ito sa amin.
"Sige, ingat ka . Next time dalhin mo misis mo. " Ang pahabol pa ng iba sa kaniya.

A/N: Unedited pa po ha. One chapter na lamang at tapos na ????❤❤❤❤

Onschatbare LiefdeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon