Chapter 33

581 25 0
                                    

~Noah~
Nakita ko sa mukha niya ang medyo pagkagulat.
Nang sabihin ko ritong gusto ko nang umpisahan ang isang linggo namin pagsasama kinabukasan na mismo.
Hindi rin naman na siya tumutol pa.
Pero agad akong nataranta at nag-alala nang magpaalam na ito at sinabing babalik na lamang kinabukasan.
Biglang dinagsa ng pangamba ang dibdib ko.
Paano kung magbago ang isip niya?
Paano kung hindi na ulit siya magpakita?
"Asahan mong andito na'ko ng 7am. Sige. Aalis na ako..." Ang may tipid na ngiting anito. Tatalikod na sana ito sa'kin para tunguin ang pinto ng agad kong hinawakan ang braso niya para pigilan siya.
Napatingin siya sa kamay kong nakahawak sa kanyang braso kaya para akong napasong binitawan iyon.
"I-i'm so sorry.." nahihiya akong nag-iwas ng tingin sa kanya..
"G-gusto ko sanang maagang-maaga tayong aalis bukas.." Ang sabi kong napapakamot na lamang sa batok.
Tang*na parang laging dinadaga ang dibdib ko.
Hindi naman ako ganito sa kanya dati...
Pero, iba na kase ngayon, marami nang nagbago sa kanya..
Hindi ako pweding magpadalos-dalos sa kakahawak sa kanya.
Hindi niya ako matandaan at para sa kanya ay hindi niya ako kilala..
Baka sa kakahawak ko e mabigla siya't pilipitin ang leeg ko.
Natataranta ang isip kong mag-hagilap ng maidadahilan para lamang hindi ito makaalis sa condo ko...
" Huwag kang mag-alala sa mga gamit mo. A-ako na bahala do'n bukas.. At sa matutulugan naman huwag ka ring mag-alala tatlo ang kwarto dito sa condo ko.." Ang agad na paliwanag ko..
Baka kase isipin niya na gusto kong sa kwarto ko siya matulog..
Well, she's right. Gusto ko talaga.
Pero baka iba ang isipin niya at pag-isipan ako ng masama't umatras pa.
"Pero naliligo ako bago matulog. Kailangan ko ng damit tonight." Deretso ang tingin niya sa'kin.
"Hmm...you can use my t-shirt and boxer short. You always want to wear my clothes before." Hindi ko maiwasang sumigla ang tinig ko.
Nang maalala ko ang mga sandaling iyon samin ni Lui.
Nang minsang mabasa ito ng ulan at wala itong pamalit na damit.
I let her used my shirt and boxer short...
Sobrang maluwag pa nga ang boxer ko noon sa kanya .. She was just 14 yr old.
Pero nang mga sandaling iyon kita ko ang masayang-masaya nitong mukha habang suot ang mga iyon.
May mga sandali pa ngang tila sinasadya niyang magpakabasa or marumihan ang damit niya para magamit lamang ang mga damit ko..
Thats when I started to buy her clothes.
She was just 14 back then, malapit kami sa isat-isa.
Natutulog siya sa rest house ko...
Ano na lamang ang sasabihin ni Mang Ramil at aling Bebang kapag nakita nila itong laging suot ang mga damit ko?
Baka iba pa ang isipin nila.
Naalala ko nga na parang nagtampo pa siya sa'kin noon dahil sinabi kong hindi na nito pweding suotin ang mga damit ko.
Hindi na niya ako pinagkakausap nun kaya alam kong nagtampo siya talaga..
Na minasama niya ang sinabi ko kaya naman napilitan akong sabihin sa kanya ang dahilan ko...
"Magiging asawa mo rin naman ako a, kaya okay lang 'yon.."Ang hirit pa niya sa akin.
" Kapag mag-asawa na tayo kahit magsawa kang suotin ang mga damit ko.." Ang tanda ko pang pagpapakalma ko sa pagtatampo niya noon..
At kalaunan nga'y nakumbinsi ko rin siya...
"Hindi ako magsasawang isuot mga damit mo, ang bango-bango mo kaya." Ang pamimilya pa nito sa akin noon.
Miss na miss ko na ng sobra ang Lui na nakasama. Ang Lui na labis ang pagkagusto sa'kin...
Nakita kong natigilan siya.
Sinamantala ko ang pananahimik niya..
"I'll get clothes for you, maliligo ka na ba ngayon? Siya nga pala nakakain ka na ba? Magpapa-deliver na lang ako ng pagkain.."
Sinamantala ko ang pananahimik niya.
Hindi ko na inantay ang sagot niya..
Agad na akong nagtungo sa kwarto ko at kumuha ng boxer at t-shirt niyang maisusuot.
Tumawag sa kilalang hotel na malapit lamang sa condo ko at nagpa-deliver ng pagkain...
Agad ko rin tinawagan ang sekretarya ko para asikasuhin ang mga gamit ni Lui para bukas.
Nangako naman itong darating ang mga iyon bukas na bukas ng umaga..
"Samahan mo ng isang box na dunkin donuts." ang bilin ko pa saka kona pinatay ang tawag...
Kimi siyang sumunod sa'kin nang ihatid ko siya sa kwartong kanyang tutuluyan ngayong gabi.
Nang lumabas ito ng kwarto'y nakaligo na nga siya at ako namay inihahanda na ang pagkain sa mesa...
Bukas ang tv sa sala at nakita kong huminto siya saglit para tumungin sa tv..
Napalunok ako ng sunod -sunod nang makita ang mahahaba at napakahubog niyang mga binti..
Yeah.. She became taller..
Taller than I expected..
Sa edad niyang 19 ay masasabi kong matangkad nga siyang babae...
Parang modelo rin ang tindig niya...
Nang pakiramdam ko ay titingin na ito sa dereksyon ko ay agad akong nagbawi ng tingin..
Nagpatuloy ako sa paghahain..
Napatingin lamang akong muli sa kanya nang maramdaman ko ang presensya niya malapit sa'kin.
"Lets eat.." Ang masigla kong aya sa kanya at pinaghila na siya ng upuan...
"Ang dami mo namang in-order na pagkain.. Mauubos ba natin yan?" Ang palatak pa niya pagkakita sa mga pagkaing nakahanda sa mesa..
"Kaya nga kailangan kumain ka ng marami para kahit paano makalahati natin yan." ang nakangiti kong biro sa kanya.
Napakagat labi ako nang makita ang kinang ng mga mata nito habang nakatingin sa mga pagkain sa mesa..
Alam kong mahilig ito sa pagkain at medyo matakaw nga siya.
At natutuwa akong kahit don man lang ay hindi ito nagbago...
Mahilig pa rin kaya siya sa dunkin donuts?
O, nagiging mapili na rin ito sa pagkain dahil ayaw nitong tumaba tulad ng karamihang kababaihan?
Ako na ang naglagay ng kanin at ulam sa pinggan niya..
Sinaway pa nga niya ako nang tila naparami ang lagay ko e...
Susubo na sana ako nang sawayin niya akong muli.. Pinagsaklop niya ang mga palad na parang magdarasal..
She closed her eyes.. So I closed my eyes too.. then, she muttered a prayer...
When she said amen, ay sumagot din ako ng Amen..
"Attack!!!" Ang masaya niyang sabi habang hawak ang kutsara at tinidor...
She looks so very happy!
Kumikinang ang mga mata niya!
Pero alam kong kung ikukumpara ang nararamdaman ko ngayon sa nararamdaman niya, alam kong mas higit ang sayang nadarama ko.
Lihim ko ngang nahiling na sana hindi na matapos ang gabing ito!
Pagkatapos namin kumain ay naglagi muna kami sa sala..
"Vanilla or chocolate?" ang medyo malakas na boses kong tanong rito..
Bahagya ko pa siyang sinilip sa sala..
Printe siyang nakaupo at nakasandal sa mahabang sofa...Nakaunat ang mga paa niya at ang likod niya'y nakasandal sa arm rest ng sofa..
Naglabas ako ng ice cream mula sa freezer..
Buti na lang ay hindi naubos ng mga gago kanina.
Naawa ata ang mga gago at nagtira talaga sila..
"Both.." ang sagot nitong sa tv pa rin nakatingin..
Napangiti ako..
Inaasahan ko na naman na yon ang magiging sagot niya.
Pero gusto ko lamang itong kausapin. Kaya ko siya tinanong.. Gusto ko lang marinig ang boses niya.
Napansin ko kasing medyo natutunaw na ang awkwardness sa pagitan namin dalawa..
Na bawat palitan namin ng usap ngayon ay parang nagiging natural na lamang...
Iniabot ko ang bowl ng ice cream dito.
Masigla at malawak naman ang ngiti nitong tinanggap iyon..
"Thank you.. husband-" biglang kumalabog ang dibdib ko.
Natigilan din siya.. Agad na iniwas ang mga mata niya sa sa'kin..
"Thank you.." ang kimi nitong ulit na sabi sakin..
Lihim na napatiim ang bagang ko..
She used to call me, husband ko.
Alam kong 'yon sana ang itatawag nito sakin kanina.
Ngunit natigilan siya..
Pareho kaming nanahimik at tinuon na lamang ang mga mata sa tv..
Napapangiti ako habang napanaka-naka siyang sinusulyapan...
She really enjoying her ice cream habang nasa tv ang mga mata niya..
But then, I unconsciously swallowed...
Parang nanuyo ang lalamunan ko kahit pa lumalantak rin ako ng ice cream..
Parang hinipan din ng init ang buo kong katawan..
Napalunok ako ng sunod-sunod nang makita kong dinilaan nito ang kutsara sa harap at likod nun na parang sarap na sarap!
Pinilig ko ang aking ulo.
Tang*na! Inaanay na ata utak ko!
Iba kase ang nai-imagine ko bigla!
Ang utak kong birde ay napalakbay bigla sa alaala namin dalawa sa dalampasigan kung saan naroon kami sa batohan at gumagawa ng himala....
Napatingin siya sa'kin..
Huli na para mag-iwas pa ako ng tingin..
Nakita na niya akong nakatitig sa kanya habang tila sarap na sarap siya sa pagdila ng kutsarang hawak niya...
Nag-init bigla ang buo kong mukha..
"S-something wrong?" ang takang tanong nito sakin.. Nasa labi pa rin niya ang dulo ng kutsara..
Agad ang ginawa kong pag-iling..
Napaiwas rin ako ng tingin..
"Namumula ang buong mukha at tainga mo.. Kapag ganyan ka alam kong --" bigla na naman itong natigilan..
"I-inaantok na ako.." ang pag-iiba nito ng paksa...
Muli napatiim bagang ako...
Bakit kailangan pa niyang magpanggap na di ako naaalala?
"Mauna na ako sa'yo." kimi nitong paalam sa akin..
Humugot ako ng malalim na hininga..
"Okay..." ang tanging naisagot ko na lamang sa kanya...
Nanatili lamang ako sa sala.
Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan niyang magpanggap na hindi ako naaalala...
At wala rin akong lakas ng loob na konprontahin siya...
Natatakot at nag-aalala ako.. Baka saan umabot ang konprontasyon namin at umatras pa ito at hindi na sa akin sumama...
Huminga ako ng malalim...
Pinili kong magpaiwan muna sa sala ng ilang sandali..
Alam ko naman kasing hindi rin ako makakatulog ng maayos...
Iisipin ko lamang siya nang iisipin..
Tumayo ako at nagtungo sa fridge..
Kumuha ako ng bote ng alak..
Binuksan iyon saka bumalik sa sofa...
Napapahilot ako sa sintido ko..
Anong gagawin ko? Kaya ko ba siyang konprontahin?
Hindi... Baka umatras siya at di na tumuloy..
Damn it!
Napabuga ako ng hangin...
May isang oras na rin akong nasa sala. Ubos ko na rin ang bote ng alak na di man lang nakatulong para ambunan ako ng nakakaidlip na pakiramdam..
Dinampot ko ang remote at pinatay ang tv...
Mabigat ang katawan kong tumayo na..
Susubukan kong matulog, maaga pa kami bukas..
Napahinto ako at natigilan nang pagpihit ko ay makita ko si Lui sa aking harapan..
Mapasyaw lamang ang liwanag mula sa sala..
Malamlam na ilaw na nagmumula sa lampshade lamang ang tumatanglaw na liwanag sa amin . Ngunit kitang-kita ko pa rin ang mainit na titig ng mga mata niya sakin..
Napalunok ako...
Pero ganon na lamang gulat ko nang mabilis itong lumapit sa akin at abutin ang batok ko..
Hinila niya ako sa batok payuko sa kanya..
Sinakop ng nag-aalab nitong labi ang nakaawang na labi ko...
Awtomatikong pumulupot ang matitipuno kong bisig sa katawan niya kasabay ng pag-ganti ko ng mainit at mapusok na halik..
Naglaban ang mga labi namin na tila pawang gutom at uhaw sa isat-isa....
Napaungol siya sa bibig ko nang buhatin ko siya at ipulupot sa baywang ko ang mga binti niya...
At iparamdam sa kanya ang nagwawala at nag-uumigting ko ng sandata..
Napahigpit ang hawak niya sa braso ko nang dumikit at dumiin ang katigasan ko sa sentro niya..
"You'll be mine tonight, my wife..." ang bulong ko at kinagat ng magaan ang tainga niya..
A/N : unedited... Bukas yong pinakahihintay nyo.. Lol

Onschatbare LiefdeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon