Pumasok ang Dad ni Xavier sa condo niya kaya binati ko kaagad siya at ang kaniyang asawa. "Magandang umaga po Sir Philip" sinabihan niya akong umupo kaya agad akong umupo. "Did Xavier take the ship and travel to the island, Steve?" tanong niya sa akin.
I slowly nod, "Opo, tinawagan ko si Manong Jose sa isla at sabi niya po safe pong nakarating si Xavier sa isla". Tumawa si Sir Philip at ang kaniyang asawa na si Ma'am Stella. "I hope nagkakasundo tayo sa deal natin Steve. If you bother to help Xavier in the island behind my back, tatangalin kita sa trabaho at alam mo na. The medication of your father will stop also" sabi ni Sir Philip. Tumango lang ako at nagpaalam sa kanila ng lumabas na sila ng condo.
Umupo ako sa sofa. Naaawa na talaga ako kay Xavier, kung hindi lang buhay ni Tatay ang nakasalalay dito eh kahapon ko pa siya pinapasok sa condo. Kinuha din nina Sir at Madam ang aking cellphone at ano mang pwede kong gamitin pangcontact kay Xavier. Gusto kasi nila na matuto si Xavier sa mga bagay bagay dahil nga naman napakaspoiled na nito at arrogante.
"Huwag kang mag-alala Steve, matapang at matalino si Xavier. Malalampasan niya ito" ani ni Nanny Lisa. Naaawa lang talaga ako kay Xav. Ako na nga lang ang kaisa-isang kaibigan niya pero tinalikuran ko pa siya. Pero alam ko naman na naiintindihan ni Xavier ang punto ko kung bakit ko pinili na sumunod sa utos ng kaniyang ama.
"Sana nga po Nanny Lisa. Maiintindihan niya sana ako kung bakit pinili ko ito" malungkot kong sabi kay Nanny Lisa. Lumapit sa akin si Nanny Lisa at hinimas ang aking likuran. "Parang kapatid na ang turing sa iyo ni Xavier kaya maiintindihan ka niya Steve" dahil sa sinabi ni Nanny Lisa medyo gumaan ang pakiramdam ko at konsensiya.
Matagal na akong naninilbihan sa pamilya nila ni Xav. Highschool student palang ako ng kinupkop ako ng Dad ni Xav at pinaaral. Dahil sa kapos kami sa pera, lagi akong pinaglalaruan ng mga kaklasi ko sa school at binubully, eh sa private school kasi ako pinaaral ng Dad ni Xav. Pero kahit ganun, tinanggap ako ni Xav. Tinuring niya akong kaibigan at kapatid. Kaya lahat ng tungkol kay Xav ay alam na alam ko dahil sa sabay kaming tumanda dalawa at lagi niya akong sinasabihan ng problema.
Naaalala ko pa nga noon na sinigawan niya ang doctor sa hospital dahil sa hindi manlang kami binigyan ng atensiyon sa paggagamot. Tinulungan din ako ni Xav na humanap ng blood donor at possible kidney donor para kay Tatay. Biglang tumunog ang telepono sa condo kaya agad ko itong sinagot.
"THANK GOD SOMEONE ANSWERED THE PHONE, WHO IS THIS, STEVE?" Bigla akong kinabahan ng marinig ang boses ni Xavier sa telepono. Tama, matalino pala ang g*gong ito at noong napansin niyang hindi ko sinasagot ang mga tawag niya ay dito siya tumawag sa telepono.
"Si Steve ito, Xav" mahina kong sabi sa kaniya. I heard him shout over the line. Hindi ko alam kong ano ang shout na iyon, sa galit ba o sa tuwa. "DO YOU KNOW WHAT F*CKING HAPPENED TO ME HERE IN THE ISLAND STEVE?" He said. Huminga ako ng malalim dahil talaga nakokonsensiya na talaga ako.
"WELL, BEFORE ANYTHING ELSE, CAN YOU SEND ME MONEY HERE? WALA AKONG DAMIT AT PAGKAIN DITO" He said. Hindi muna ako umimik dahil sinabihan ako ng Dad ni Xav na hindi siya kausapin o tulungan kapag humihingi siya ng tulong.
"Pasensiya kana Xav, utos kasi ng Daddy mo na hindi kita tulungan eh" sabi ko sa kaniya. Sumigaw siya sa inis at nakarinig ako ng malaking ingay sa kabilang linya.
"WTF? DO YOU KNOW I'M F*CKING WET HERE STEVE AND IT IS SUPER COLD AND I DON'T HAVE ANY SPARE CLOTHES HERE? THE HOUSE IS EMPTY, NO BLANKET, NO PILLOW, NO FOOD, NO EVERYTHING. IF I DIE IN HYPOTHERMIA, I'LL VISIT YOU IN YOUR SLEEP" sabi niya sa akin na may pagbabanta.
Nagdadalawang isip talaga ako kung tutulungan ko ba si Steve o hindi. Baka kasi malaman ng Dad ni Steve at ipapatigil niya ang panggagamot sa Tatay ko pero kawawa naman si Steve kung magkakasakit siya doon sa isla. "Xave, pasensiya kana talaga" Agad kong ibinaba ang telepono. Naglakad ako papunta sa pintuan at pabalik sa telepono. Hindi ko talaga alam ang gagawin parang ako ang naiipit dito. Naaawa ako kay Xav sa kalagayan niya ngayon pero paano ang Tatay ko? AISHHHH bahala na. AISHH ano ang gagawin ko.
Tumunog ulit ang telepono kaya sinagot ko ito, "KAPAG HINDI MO AKO PINADALHAN NG PAGKAIN AT DAMIT DITO STEVE, WE'RE REALLY OVER!" sigaw niya sa akin. Kinagat ko ang mga labi ko at nag-isip. Walang pera ngayon si Xav, kapag siya ang pinili ko, walang magbabayad sa hospital ni Tatay. Kapag hinayaan ko si Xav, alam kong isang salita lang siya. Kapag bumitaw siya ng ganoong salita, gagawin at gagawin niya talaga iyon.
"Sige, hahanap ako ng paraan Xav. Basta huwag mo akong masayadong tawagan baka malaman ng parents mo. Hahanap ako ng paraan" sabi ko sa kaniya ng pabulong. Ibinaba ko ang telepono at agad nag-isip ng paraan kung paano.
Nabigla ako ng lumapit sa akin si Nanny Lisa at ngumiti ng malapad. "May alam akong paraan Steve" bulong niya sa akin habang nakatingin sa CCTV na kasalukuyang nagmomonitor sa amin sa loob ng condo ni Xavier.
BINABASA MO ANG
Autumn of May
RomanceIn a month of full of surprises, May, Gayle discover a great lesson in life, love, family and friendship. In her last moments, she learned the significance of relationships and self-love. Xavier, an arrogant and self-centered businessman meet Gayle...