CHAPTER 8: Is It Too Late To Apologize?

5 1 0
                                    

I am currently standing at the front of his house's gate. Nakasindi ang ilaw niya sa living room pero wala akong sounds na naririnig galing sa loob. I think he's asleep already. Gusto ko lang sana humingi ng sorry kasi inaamin ko masyadong masakit ang nasabi ko sa kaniya kanina sa barangay hall. I never knew that he lost his mom at a young age at nagbato pa ako ng salita tungkol dun. Kahit napakarude niya at ang masasakit din na salita ang binabato niya sa amin. I really felt guilty.

Napatigil ako sa pag-iisip nang makarinig ako ng malakas na kalabog galing sa bahay niya. I hurriedly open the gate at tumakbo sa bahay niya. His front door is open kaya agad akong pumasok. I scan the whole place and saw him lying down in the kitchen floor. Tumakbo kaagad ako sa kaniya.

"Hey! Gumising ka" I tap his face pero hindi manlang siya dumilat. His clothes are all wet at ang putla putla ng mukha niya. "Hoy, gising!" sabi ko sa kaniya habang niyugyog siya ng malakas. I put my head on his chest and check his heartbeat.

Lub.dub.

Lub.dub.

Lub.dub.

I can feel his heartbeat as my head is resting at his chest. His heartbeat rhythm is normal. At this point, I felt jealous. He has a healthy heart. After checking his heartbeat, ginamit ko ang buong lakas ko upang buhatin siya palabas ng bahay niya. Nang makalabas na kami ng bahay, I called my grandparents at agad naman silang lumabas at tinulungan akong buhatin ang lalaki. We let him rest sa sofa at agad kumuha si Lola ng gamut at pamunas. "Lo, pahiramin muna natin siya ng damit niyo po" sabi ko kay Lolo. Tumango naman kaagad si Lolo at pumasok sa kaniyang silid.

"Abbi. tanggalin mo ang damit ng binata.." Agad akong napatingin kay Lola habang naghahanda siya ng mainit na tubig upang ipunas sa lalaki. "A-ano.. ho?" nag-aalinlangan kong tanong kay Lola. "Tanggalin mo ang suot niya. Basang-basa ang mga damit niya" sambit ni Lola. Agad akong napatingin sa lalaki at sa kaniyang damit. Hindi ko alam pero parang nastuck ang laway ko sa aking lalamunan. Lumunok ako habang mahinang umupo sa sofa. Mahina akong lumapit sa kaniya at hinawakan ang white t-shirt na suot niya.

"Heto ang mga damit, kasya na siguro ito sa kaniya" sabi ni Lolo habang iniabot ang mga malalaking damit ni Lolo sa akin. Nagdadalawang-isip akong hubaran ang hindi ko manlang kaano-anu o kakilala na lalaking ito. Binawi ko ang aking kamay at agad itong napansin ni Lola. Ngumiti si Lola at umupo sa aking tabi.

"Ako na gagawa Abbi" mahinahon na sabi ni Lola at agad na hinubaran ang lalaki. Nanlaki ang mga mata ko dahil hindi manlang siya nagsabi na agad agad niyang huhubaran kaya agad akong tumayo at tumalikod. I release a sigh. Phew.

"Kumuha ka ng unan at kumot sa silid namin ng Lolo mo" Agad akong tumakbo papunta sa silid ni Lolo at kumuha ng mga unan at makapal na kumot. Pagkalabas ko ng silid ay nakabihis na kaagad ang lalaki at tinulungan nalang humiga ng maayos.

"Heto na po ang unan at kumot. Ano po ang nangyari sa kaniya La?' tanong ko kay Lola habang tinatanggap niya ang unan at kumot. "Nawalan lang siya ng malay hija. Kapag gumising siya mamaya, pakainin mo siya at bigyan ng gamut. Nandito ang gamut sa mesa" tumango ako sa sinabi ni Lola.

"Opo lola. Maraming salamat po" ani ko.

"Pupunta muna kami ng Lolo mo sa simbahan. Dadalo lang kami ng pagpupulong saglit. Iwan ka muna namin dito at bantayan mo ang binata. At tsaka..." hindi napatuloy ni Lola ang kaniyang sinasabi nang tumunog ang kaniyang cellphone.

"Oh Nene, oo papunta na kami ni Alejandro sa simbahan" sabi ni Lola habang inaayos ang kaniyang lumang bag. "Huwag na kayong mag-away" sabat kaagad ni Lolo sa akin. "Patawarin niyo na ang isa't isa dahil masama ang may galit sa kapwa. Kahit hindi ikaw ang may kasalanan, humingi ka ng tawad. Naiintindihan mo Abbi?" sabi naman ni Lola.

Autumn of MayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon