CHAPTER 30: When Our Hearts Speak

8 1 0
                                    


Nakasunod lang ako kay Nikka habang naglalakad siya papuntang rooftop. Nang makarating na kami sa rooftop agad naman siyang humarap sa akin at napatanong, "Akala ko ba hinding-hindi ka magkakagusto kay Xavier? Anong nangyari?" I hurriedly bit my lip and smiled a bit. "I can't.. I don't know how to explain... It just it happened" Biglang lumapit sa akin si Nikka and she hugged me. "I'm so happy for you babae" sabi niya habang nakayakap parin sa akin ng mahigpit. "Anong kadramahan to Niks?" tanong ko sa kaniya na pilit lumayo sa kaniyang mga yakap. I suddenly heard her sob kaya agad akong nagsalita, "Niks, are you okay? anong problema?"



Binitawan niya ako mula sa pagkayap at ngumiti sa akin habang patuloy na umaagos ang mga luha sa kaniyang mga mata. "Masaya lang ako para sa iyo mahal kong kaibigan" mahina nitong sabi sa akin. Napatawa lang ako sa kaniya. "Baliw ka talaga kahit kailan" I said to her habang ginulo ang buhok niya. "By the way, I heard about sa inheritance mo sa paaralan niyo, totoo ba yun?" tanong ko sa kaniya na nagpatigil sa kaniyang ngiti. Inayos niya ang kaniyang buhok at napasandal sa railings ng rooftop. "Kahit kailan napakachismoso talaga ni Xavier" giit nito sabay tingin sa mga tanawin na makikita sa rooftop.



"Bakit hindi mo sinabi?" Napatingin siya sa akin direkta sa aking mga mata. "Ayaw ko lang na dagdagan ang mga iniisip mo ngayon" sabi niya. Lumapit ako sa kaniya at hinawakan siya sa mukha. "You should go back there at ayusin mo ang problema mo" pagdidiin ko sa kaniya. She remove my hands on her face at nagbuntong hininga. "Well, matagal naman ng init na init si auntie sa school siguro it's okay na ibigay ko nalang sa kaniya ang dapat na nasa akin" mahina ko siyang binatukan dahil sa sinabi niya. Kahit kailan talaga itong babaeng ito.



"Aray ko naman Abbi!" pangrereklamo nito habang hinihimas ang kaniyang batok. "Baka naman magising ko ang utak mo sa batok ko" agad kong sagot sa kaniya. She let out a sigh and said, "Ang akin lang I don't want any arguments para lang sa mana. I don't want to waste my time para pag-awayan iyon at ayoko din magkasiraan kami ni auntie dahil doon" pag-eexplain niya sa side niya. Well, may punto naman itong so Nikka.


"Pero pinaghirapan iyong itaguyod ng parents mo and they want that all their efforts ay papunta sa iyo at sa future mo" sabi ko kay Nikka. Humarap si Nikka sa akin at pilit na ngumiti. "Si Lolo naman ang nagpatayo ng paaralan na iyon and to be fair binigyan niya din ng shares si auntie. Tsaka kung hindi mapupunta sa akin ang mana, I can work on my own para magkaroon ako ng sarili kong business o di kaya makapagpatayo ako ng sarili kong paaralan" giit nito sabay laro ng kaniyang mga kamay. I reached for her shoulders and gently tap it. "You should figure it out Nikka. Bumalik ka muna sa city and figure it out" sabi ko sa kaniya. Napatingin ito sa akin kaya ngumiti ako sa kaniya. "Nandito naman si Xavier and he can watch over me habang nandon kapa sa city. It's an important matter Nikka. Nandito din kami ni Xavier para bantayan muna si Steve until he can finally get out" I added. She slowly nodded at sakto namang nagring ang phone niya and it was from her mom. Sinagot niya ito and after some minutes of conversation she said, "I will go to the city Mom and figure out everything about the school"




She ended the call kaya bumaba na kami sa rooftop. Pagkadating namin sa hallway papunta sa silid ni Xavier ay nakasalubong namin sina Lola at Lolo. May mga dala silang basket na may laman na pagkain at prutas. Tinulungan namin sila pero ayaw nila ibigay ang basket dahil sa sila nalang daw ang magdadala. Hinayaan lang namin sila at pumasok na kami sa loob. Sumalubong naman kaagad si Xavier at tinulungan sila sa basket. Agad naman nila ibinigay ito kay Xavier.




Masaya kaming nagkukwentuhan sa loob at ng sumapit na ang paglubog ng araw ay nag-aya na sina Lolo at Lola na umuwi ng bahay. Nag-insist naman si Xavier na ihatid sila kasi gabi na at mabuti naman at sumang-ayon sila kaya umalis muna si Xavier at inihatid sina Lola at Lolo. Syempre, nagpaalam muna kami sa kanila at bago paman sila makaalis, sinabihan ko sila na dito muna ako matutulog sa hospital. Pinakain ni Nikka si Steve at tinulungan ko naman si Nikka na hugasan ang mga pinagkainan namin. Ilang minuto ang lumipas ay agad naman dumating si Xavier. May dala itong chicken at softdrinks at ng makita ito ni Nikka, sobra itong natuwa. Inilapag ni Xavier ang pagkain sa mesa at agad itong lumapit sa akin.





Autumn of MayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon