I look up the sky and the sun rays are hitting my face. I inhaled the refreshing breeze of the wind, ang napakapreskong hangin ng isla. I arranged my hair that is blown by the wind and gently pull my baggage. My hometown. Napangiti ako habang naglalakad sa maliit na wharf ng isla. I felt my phone vibrate kaya kinuha ko ito sa aking bulsa. I received a message from Nikka. Nakalimutan ko palang sabihan si Nikka na uuwi ako sa isla. I tap some letters on my phone and send it to Nikka. After a minute, my phone rings kaya sinagot ko ito.
"GAYLE, BAKIT HINDI MO SINABI SA AKIN NA UUWI KA?" Inilayo ko ang phone sa tenga ko. Kahit kalian talaga ang ingay-ingay nito. "Sorry na Niks. Namiss ko lang kaagad sina Lola at Lolo kaya urgent ang pag-uwi ko" I said to her. I heard her talking about something over the line. Nagbeep ang phone ko reminding me na malapit na itong malowbat. "Niks, I gotta go. Wala ng baterya ang phone ko. I'll call you when I arrive at home". I cut off the call at sakto namang naubos ang baterya ng phone ko. Nagpatuloy ako sa paglalakad. This place is where I started to learn everything. From the way I learned how to walk, to talk, run and to learn the basics of life. I don't have any plans in coming here this month but this is where I started to take my first walk and I want that this is the place where I will take my last walk.
I inhaled bravely and let out a comforting sigh. Pumara ako ng tricycle at nagpahatid sa bahay. Ang bahay nina lola at lolo ay isang oras ang layo mula sa daungan. Habang nakasakay ako sa tricycle, napansin ko ang malaking pagbabago sa isla. Marami ng bukirin ang naging bahay at pinatayuan ng mga building at negosyo. Marami na din ang mga tao at sasakyan sa isla. Naaalala ko noon na wala pa kaming kuryente at mahirap pa maghanap ng tricycle na masasakyan. Napakabilis talaga ng panahon.
Tumigil ang tricycle na sinasakyan ko at sumalubong sa akin ang bahay namin. Isang taon na simula noong bumisita ako dito. Kinuha ni manong driver ang mga bagahe ko at ibinigay sa akin. Binigyan ko ng pera si manong at nagpaalam siyang umalis kaya nagpasalamat ako sa kaniya. I walk closely to the gate. Nakita ko kaagad si Lola na naglalabada. Napangiti ako. Kahit matanda na si lola, napakasipag niya at hinding-hindi siya uupo lang sa bahay. Binuksan ko ang gate at agad naman itong napansin ni Lola. Ngumiti ako sa kaniya at nanlaki ang mga mata niya ng makita niya akong nakatayo sa gate.
"Abbi. Bakit ka naparito?" mahinang lumakad papalapit sa akin si Lola. Hindi ko alam pero bigla nalang akong napaiyak. Niyakap ko ng mahigpit si Lola at humahagulgol ng malakas. Naramdaman ko ang mainit na yakap ni Lola sa akin. "Bakit hija? May masama bang nangyari sa iyo? Bakit ka umiiyak?" Niyakap ko lang siya ng mahigpit. Akala ko magiging okay lang ako kapag uuwi ako dito sa bahay at makakasama ko sina lola at lolo sa mga huling sandali ng buhay ko. Pero mali ako, mas lalo akong nasasaktan. Mas lalo akong nagsisisi na umuwi ako dito. Lalong bumibigat ang dibdib ko at nasasaktan ako na magsinungaling sa mga taong malapit sa akin, kay Nikka at kina lola at lolo tungkol sa nararamdaman ko.
"Hehehe namiss lang kita lola" pilit na masaya kong sagot sa kaniya. I stop hugging her at pinunasan ko ang mga luha sa pisngi ko. "Nasaan si Lolo?" tanong ko kay Lola.
"Hay naku, ayon sa likuran kumukuha ng panggatong. Teka lang tawagin ko" Hiwakan ko si Lola sa braso bago pa siya makalakad. "Ako na tatawag kay Lolo, Lola. At tsaka bakit ka naglalabada, diba pinadalhan kita ng washing machine dito? With dryer na iyon Lola para naman hindi kayo masyadong nahihirapan" sabi ko sa kaniya.
"Heto naman, lalo akong tatanda niyan kapag magdedependi nalang sa makina" sabat nito habang sinasampay ang mga damit na bago niya lang nilabhan. "Tulungan na kita diyan La" akma ko na sanang pulutin ang balde ng pinigilan niya ako. "Tawagin mo nalang ang Lolo mo sa likuran at kakain tayo" Binitawan ko ang balde at naglakad papuntang likuran. Mayroon kasing maliit na kakahuyan sa likod ng bahay kaya dito kami nangunguha ng panggatong.
Pagkadating ko sa likuran ng bahay, nakita ko agad si Lolo na namumulot ng sanga. I smiled at him at akma na sanang lalakad ng huminto siya sa pamumulot at minamasahi ang kaniyang likuran at mga tuhod. Ramdam na ramdam ko na napapagod na si Lolo. Naglakad ako papalapit sa kaniya at pinulot ang mga sanga.
BINABASA MO ANG
Autumn of May
RomansaIn a month of full of surprises, May, Gayle discover a great lesson in life, love, family and friendship. In her last moments, she learned the significance of relationships and self-love. Xavier, an arrogant and self-centered businessman meet Gayle...