CHAPTER 15: A Glimpse Of His Universe

6 1 0
                                    


I am sitting underneath the tree while the sunlight strikes my face. I just closed my eyes and breathe slowly. Kinuha ko ang phone ko sa bulsa at hinanap ang pangalan ni Nikka. I click her name and dialed her number. Ilang beses ko nang sinubukang eh dial ang kaniyang number pero hindi siya sumasagot. I look up to the sky and a leaf fall into my face. I blow the leaf and it fly to the air and land at my shoes. Bakit kaya hindi sumasagot si Nikka sa aking mga tawag? Ipinasok ko nalang sa aking bulsa ang cellphone ko at tumayo. I walk towards the gate when I notice some people in the streets talking.

Lumapit ako sa kanila at nakichismis. Nang makalapit na ako, I hear them talking about rally and De Latte. I move closer to them at nang mapansin nila ang presensiya ko ay huminto sila sa pag-uusap. Tumingin sila lahat sa akin kaya ngumiti ako at nagtanong, "Ah, ano-anong pinag-uusapan niyo eh haha"

"Naku Abbi, alam mo ba nagkakagulo ang mga magsasaka sa cafe kasi kinaltasan daw ng bagong boss ang kanilang mga sahod" sabi ni Tiya Leni sa akin habang nagsitanguan naman ang ibang mga kapitbahay namin.

"Napakahirap ng trabaho ng mga magsasaka dito sa atin Kaya mas karapat-dapat na taasan Yung mga sahod Nila hindi binabawasan" sabi ng kapatid ni Tiyo Jun habang hawak hawak ang kaniyang bunsong anak na si Lily. Dumagdag naman si ate Helen sa sinabi ng kapatid ni Tiyo Jun. "Kaya nga sumulong sa kapihan ang mga magsasaka, nagkagulo"

Kinaltasan ni Xavier ang mga sahod ng magsasaka?

Agad akong umalis mula sa mga nagchichismis. Kinuha ko ang aking coat at wallet sa bahay at sumakay ng tricycle. Bumaba ako sa harapan ng De Latte at nakita ang mga taong may mga hawak na placards sa labas ng building habang nagtatapon ng itlog at coffee beans. Nagkalat na ito sa dingding nga building at maging sa kalsada. May mga tao din na nagrereport galing sa local media ng isla. Lumakad ako papunta sa back door ng building. May mga tao ding nakapalibot sa back door kaya isiniksik ko ang aking sarili sa gitna ng mga tao.

Pagkadating ko malapit sa pintuan, agad akong humarap sa mga tao kaya napahinto sila sa pagsisigaw. Tumingin sila sa akin kaya napangiti ako. Masama ang tingin nila sa akin na parang tinitingnan ako na parang kalaban nila. Nag-isip kaagad ako ng plano para makapasok ako sa building ng hindi nila napapansin. "Hehe-he alam kong napapagod na kayo sa kakarally dito. G-gusto ko Lang sana mag-ano.." hindi ko naituloy ang aking sinasabi kasi nagdadalawang isip ako kung itutuloy ko ba ang plano. "Miss tabi, kung wala ka namang importanteng pakay dito" sigaw ng isang lalaki mula sa mga nagrarally. Sumang-ayon naman ang mga kasamahan nito.

Itinaas ko ang aking kamay para matahimik sila. "Magbibigay ako ng pagkain at maiinom niyo para may lakas kayong mag rally" diretso kong sabi habang nakangiti sa kanila ng pilit. Hay naku! Ihanda mo talaga ang pera mo Xavier, marami kanang utang sa akin! Lagot ka talaga!

Lumiwanag ang mga mukha ng mga tao na nagrarally. Kaya ngumiti lang ako ng ngumiti kahit labag sa aking kalooban ang ginagawa ko ngayon. Ikaw ba naman mag donate ng makakain ng isang daang mga tao? Mahina kong hinila ang pera sa wallet ko at mahina ko itong ibinigay sa nangunguna sa rally. Tinanggap niya ito pero nagulat siya ng hindi ko ito binitawan. Tumingin siya sa akin na parang naguguluhan sa ginagawa ko kaya ngumiti ako at binitawan ang pera.

Ang savings ko huhuhu

Agad silang naging busy kong ano ang bibilhin na pagkain. Lahat sila nakisali sa pagpupulong. Nang mapansin ko na sobrang busy sila sa pagdedecide kung anong pagkain ang bibilhin nila ay agad kong pinihit ang pintuan pero malas pa sa malas ay nakalock ito. Naku parang masayang Lang ang perang sinakripisyo ko dito. Sinubukan ko ulit buksan pero nakalock talaga.

Tumingin ako sa mga tao, busy pa din sila kaya napabalik ang atensiyon ko sa glass door ng building. Tinapik tapik ko ang pintuan baka sakaling may makarinig sa loob pero jusko napakalaki ng building at tsaka sound proof ito kaya sino ba namang tao ang makakarinig sa akin. May nakapansin sa ginagawa kong pagtapik tapik sa pintuan kaya napatanong ito sa akin, "Miss, anong ginagawa niyo po?" agad ko siyang hinarap at ngumiti ng malapad. Kinakabahan ako sa mga titig niya.

Autumn of MayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon