CHAPTER 16: The Harsh Season Of Life

5 1 0
                                    


Palabas ako ng condo ni Xavier nang dumating si Ma'am Stella. Mahinhin siyang lumalakad sa hallway ng condo habang palingon-lingon sa paligid. Nang mapansin niya ako, hinila niya ako papunta sa loob ng condo ni Xavier. Tinanggal niya ang suot niyang sunglasses at humarap sa akin.

"Steve, for how many days I can't sleep well dahil nag-aalala ako kay Xavier. I really know na mayroon parin kayong contact sa isa't isa. I want to know how's Xavier doing" sabi ni Ma'am Stella sa akin na parang nagmamakaawa. "I'm sorry po ma'am, it's been days po simula nang hindi na siya tumawag sa akin. His last call was about sa pera at damit. Hindi ko alam, hindi ko na siya macontact and he never call again" nang marinig ni Ma'am Stella ito she fall into her knees.

Agad kong hinawakan ang mga balikat ni Ma'am Stella nang mapaupo ito sa sahig. "What if something bad happens to him Steve?" Alalang tanong nito sa akin. Tinulungan ko siyang umupo sa couch. Kumuha ako ng tubig sa kusina at ibinigay ito sa kaniya. She drink the water slowly at inilapag ito sa mesa. "I think Xavier is doing great, I believe in him. Matalino at madiskarte si Sir Xav, ma'am" Umupo ako sa tabi ni Ma'am Stella trying to convince him that Xavier is doing well.

Sa aking sarili, hindi ko rin sigurado kung ano na ang nangyayari kay Sir Xav, pero alam kong kayang-kaya niyang buhayin ang kaniyang sarili. He's smart and tough. He has its own ways and he never ever failed. "Steve what if you'll check Xavier in the island. I promise I will keep your father safe and well, and won't ever tell Philip about this. I am worried about Xavier, so... so worried. Alam kong naiintindihan mo ako Steve diba?" Nakatingin lang ako Kay ma'am Stella habang humihingi siya nang tulong sa akin. My father's life will be at stake kung lalabag ako sa utos ni sir Philip, but Xavier is important to me too.

"Kung iyan ang gusto niyo ma'am, I can live with Xavier in the island habang ginagawa niya ang kaniyang mission doon, pero I want assurance po na magiging okay lang si tatay dito" Ma'am Stella hold my hand firmly. Tumango siya habang may mga luhang lumalabas sa kaniyang mga mata. "I swear that I'll protect your father here Steve, so please protect my son there. You can visit your father here anytime you want naman. I'll cover all your expenses. So please Steve" sabi niya sa akin kaya tumango ako na nagpapasaya kay ma'am Stella.

"I'll arrange some things sa hospital ni tatay ma'am and I'll travel to the island as soon as I arrange everything sa hospital" Ma'am Stella nodded at kinuha niya ang phone sa kaniyang bag. May tinawagan siyang mga tao upang matulungan ako sa pag-ayos nang hospital. Naghire din siyang nang taga-bantay sa hospital and she handed me credit cards na sabi niya hindi daw monitor ni Sir Philip. She handed me another phone para sa komunikasyon namin and she buy another phone na ipapabigay niya kay Xavier.

Nagpaalam na ako Kay ma'am Stella at pumunta na ako ng hospital. Pagkadating ko nang hospital, sinalubong kaagad ako ng nurse ni tatay. Ngumiti siya nang makita niya ako sa hospital at tinulungan niya akong buhatin ang mga hospital supplies ni tatay. Nang makapasok na kami sa silid, nakita ko si Tatay na nakahiga sa kaniyang kama. May hawak siyang libro sa kaniyang kamay. Kinuha ko ang libro at inilagay sa mesa. I fix his blanket and caressed his hair.

"Aalis muna ako Tay, I'll visit you often" mahina kong sabi sa kaniya. Tinawag ko ang nurse at naghabilin sa kaniya nang mga dapat gawin. Sinabihan ko din siya na aalis ako pansamantala at kailangan ko ang tulong niya at maiging pagbabantay kay Tatay. Pagkatapos kong ayusin lahat nang kailangan kong ayusin sa hospital ay lumabas na ako sa silid. Nagbuntong hininga ako at napasandal ako sa pintuan ng kaniyang silid.

Pasensiya na Tay kung kailangan kong pumili. Kung sana marami tayong pera, hindi kana nahihirapan nang ganiyan. Hindi na nating kailangan umasa sa pera nang ibang tayo upang magpatuloy pa tayo sa ating buhay.

Autumn of MayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon