CHAPTER 26: Wavering Feelings

4 1 0
                                    



Lumabas ako ng silid ng tumunog ang aking phone. Galing ito sa aming chair director sa school and nangungulit na siya na bumalik na ako sa trabaho. Abbi is currently at the kitchen at ng napansin niya akong naglalakad ay tinawag niya ako, "Aalis ka Niks?" umiling lang ako at binigyan siya ng signal na sasagutin ko lang ang tawag sa phone ko. She just smiled and continue doing her thing on the kitchen. Pagbukas ko ng pintuan, sumalubong kaagad sa akin ang mga balde baldeng mga bulaklak. Halos mapanganga ako nang makita ko ito.

"ABBI HALIKA DITO" sigaw ko kay Abbi at si Abbi naman ay tumatakbo papunta sa direksiyon ko. Nanlaki din ang kaniyang mga mata ng makita ang mga bulaklak sa pintuan. "Kasino galing to?" sabi niya sabay tanaw sa mga nagkukumpulang mga bulaklak sa pintuan. "OMG! ANG GARA ABBI!" excited kong sabi sabay sisid sa mga bulaklak ng letter card kung saan nanggaling. May nakita naman akong maliit na nakatiklop na card at agad itong kinuha at binuksan.

To my most beautiful flower, Abbi

Love,
Xavier

Biglang kong sinuntok ng mahina siya Abbi ng mabasa ko ito. Pucha, I think ako ang kinikilig dito. "It's from Xavier babyyyyy" sabi ko sabay pangungulit kay Abbi. She tried to fixed her expression but she can't hide the joy in her eyes. "Tumigil ka nga" tipid niyang sagot sabay tingin sa mga nagagandang bulaklak sa pintuan. "Kahit kailan napakachildish niya talaga" sabi ni Abbi sabay acting na parang nadidismaya pero alam alam ko na kinikilig din to ang kaibigan ko. "Asus, aminin mo kinilig ka din dito. Sabi ko na nga ba eh, thanks to my advice to him" sabi ko na proud na proud sa sarili ko at sa ginawang surprise ng baby boy ni Abbi.

"Anong pinagsasabi mo diyan, tulungan mo nga akong eh move to, nakaharang sa daan" sabi niya sabay buhat ng ibang boque ng flowers. Tinulungan ko siyang magbuhat pero pasulyap sulyap ako sa magaling kong kaibigan na hindi raw kinilig pero patago namang nakangiti. My phone buzz and nakatanggap ako ng text kay Xavier. "Did she like it?" he asked. Inilapag ko muna ang boque at sumagot sa kaniyang text. "Probably? She's smiling" sagot ko sa kaniya at tinago ko ang cellphone at tinulungan na siyang magbuhat. Pagkatapos naming magbuhat, nagpaalam ako kay Abbi na bibili muna sa market ng mga daily necessities ko. I asked her kung gusto ba niyang sumama but she refused so lalakad akong mag-isa.



Pumara ako ng tricycle at sumakay na dito. Pagkadating ko ng market, bumili na ako ng mga gusto kong bilhin and suddenly bigla na naman nagring ang aking phone kaya kinuha ko ito sa bulsa and akma ko na sa nang sagutin ng biglang may lalaking humablot ng phone ko. Pagkatapos niyang hablutin ang phone ko ay agad naman siyang tumakbo ng mabilis. Nanlaki ang mga mata ko at agad na nag panic ng marealize na ninakaw yung phone ko. "OMYGOSH ANG PHONE KO" sigaw ko sabay turo sa lalaking tumatakbo palayo sa direksiyon ko. Biglang tumingin sa akin ang mga tao dahil sa pagsigaw ko and in a flash may lalaking mabilis na tumakbo at hinabol ang magnanakaw. Binitawan ng lalaki ang mga pinamili niya sa gitna ng daan at naiwan ito doon na nakaharang sa daanan. Agad ko namang kinuha ang mga pinamili niya at binantayan ito. May lumapit na babae sa akin at nagsabi, "Tumawag na ako ng police ate, dadating na sila in a minute" nagpasalamat naman ako dito at hindi niya ako iniwan doon. She just stand beside me while comforting me na everything will be fine.



After some minutes, narinig na namin ang tunog ng police car na papunta sa lokasyon namin. Then, a familiar guy wearing a white shirt ang tumatakbo palapit sa akin. He stop running ng malapit na siya sa amin at hinahabol ang kaniyang hininga dahil sa mabilis niyang pagtakbo. He slowly reached his hand to me at ibinigay ang phone ko.  "Here's your phone" he said in between of his heavy breathing. Mahina ko itong iniabot and said, "Maraming salamat, Steve"



Pinark ng mga pulis ang kanilang sasakyan at nagtanong kung sino ang biktima. Bigla namang sumagot ang babaeng tumulong sa akin na tumawag ng pulis at tinuro ako. I didn't give my attention to the police at nakafix lang ang aking titig kay Steve na patuloy na hinahabol ang kaniyang hininga. Maya't maya, Steve loses his balance kaya agad kong binitawan ang aking pinamili at tumakbo para saluhin siya. And at the moment na nahawakan ko ang kaniyang likuran, I feel something wet on his back kaya agad ko itong tiningnan. Nanlaki ang mga mata ko ng may nakitang dugo dito.



Autumn of MayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon