CHAPTER 24: His Special Day

5 0 0
                                    

Nikka entered the room at napansin ko na medyu namumula pa ang kaniyang mga mata. "Niks, are you crying?" tanong ko kaagad sa kaniya. She shut the door behind her and fake a smile. "Hindi, napuwing lang ako sa labas" she denied. Ngumiti lang ako sa kaniya and I tap the bed beside me indicating na gusto ko siyang umupo sa tabi ko. Agad naman siyang lumakad papalapit sa akin at umupo sa tabi ko. "Abbi, Steve told me earlier na Xavier likes you. Alam mo na ba ang tungkol dito?" I slowly nodded. "Oo, sa totoo lang, Xavier confess his feelings earlier" Nikka reached her hands to my hair and carefully play with it. "And then? Did you respond to him?" tanong ni Nikka sa akin. I shake my head as a response.

"Sabi ko sa kaniya na hindi ko siya gusto" sabi ko kay Nikka at tumingin direkta sa kaniyang mga mata. She smiled a bit and said, "Iyon ba ang sinasabi ng utak mo o ng puso mo?" seryosong tanong ni Nikka sa akin. Agad naman akong tumawa sa sabi ni Nikka. "Anong ibig mong sabihin? Alam mo ba Niks, I will never like Xavier, we're more like enemies and impossibleng magkakasundo kaming dalawa" sagot ko sa kaniya. Nikka rolled her eyes and said, "Dati nga, Xavier hated you so much pero tingnan mo ngayon, he developed feelings for you"

I stood up at kumuha ng apple sa mesa at bumalik naman sa pagkaupo. Kumagat ako sa apple at napaisip. Yes, Xavier and I started to know each other lately pero knowing the fact that we argue most of the time, sobrang himala na nagkagusto ang g*go sa akin. He's too immature and troublesome. "Nah, kahit anong isipin ko Niks, I can't imagine being with him at ang priority ko ngayon ay ang sarili ko at sina Lola at Lolo" sabi ko habang patuloy na ningunguya ang apple na kinain ko.

"Sabagay" tipid na sabi ni Nikka sa akin. Bumukas ang pintuan ng silid at may pumasok na nurse sa loob. Ngumiti ito sa amin at may ibinigay na papel. "It is your discharged form ma'am and pwede na po kayong umuwi" tinanggal ng nurse ang dextrose sa kamay ko at nagpasalamat kami ni Nikka sa nurse at agad naman siyang lumabas sa silid. Nikka fixed our things at tinawagan niya si Kris upang ihatid kami. Paglabas namin sa silid, wala na doon si Steve at Xavier. Nikka said nakatanggap raw siya ng text galing kay Steve na babalik daw muna sila sa Cafe.

Kris greeted us at the exit area. Hawak hawak niya ang susi ng kaniyang sasakyan at nakalab coat pa ito. Binuksan niya ang pintuan ng sasakyan at tinulungan akong makasakay dito. "Baka naabala namin ang trabaho mo Kris" sabi ko sa kaniya dahil sa working hours ngayon at nandito siya, offering us a ride home. "It's fine, malapit lang naman ang bahay niyo and I don't have any patients to observe right now" pagkatapos naming masettle down, agad na pinaandar ni Kris ang sasakyan. Ilang minuto ang lumipas, narating namin ang bahay, naunang lumabas ng sasakyan si Nikka at sumunod naman ako.

Nagpasalamat kami kay Kris at agad naman siyang nag drive paalis ng bahay at hindi na namin nayaya na pumasok muna sa bahay. Pagdating namin ni Nikka sa pintuan, agad na sumalubong sa amin si Lola at Lolo na ala-lang alala sa akin. "Kumusta ang kalagayan mo apo? Nilalagnat ka pa ba?" tumingin muna ako Kay Nikka bago sumagot Kay Lola. Nikka just signaled me na sagutin lang si Lola kaya nagsalita ako. "Okay lang naman po ako la, kailangan ko lang raw ng pahinga" mahina kong sabi sa kaniya.

"Salamat naman sa Diyos at maayos ka. Kumain ka ng prutas" sabi naman ni Lolo sa akin sabay kuha ng prutas sa mesa. Tinanggap ko naman ito at agad kaming umakyat sa itaas upang magpahinga. Nikka's phone keep ringing kaya sinabihan ko siya na sagutin muna ito. Humiga ako sa kama and closes my eyes dahil sobra akong napagod. I didn't realized na nakatulog na pala ako.



































------












I woke up with the sound of the heavy rain. Bumangon ako and I saw Nikka lying beside me. Mahina akong lumakad papunta ng closet ko at kumuha ng jacket at socks nang mapansin ng mga mata ko sa bintana ang dalawang lalaking nag usap sa front yard ng bahay ni Xavier. Lumapit ako sa bintana at tinanaw ang dalawang lalaki. As I move closer, the image of the guys became clearer. Yung isang nakatayo ay si Xavier and he is soaking wet dahil sa lakas ng ulan at ang isang lalaki ay medyo matanda na at may hawak hawak siyang itim na payong. They are talking seriously.

Autumn of MayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon