CHAPTER 11: The Start-Up

7 2 0
                                    

Nagising ako sa tunog ng mga ibon. Unti-unti kong inimulat ang aking mga mata. I am staring at a wooden ceiling at ang lumang ilaw sa munti kong kwarto. Bumangon ako sa higaan nang may kumatok dito ng mahina. I slowly search for my slippers at isinuot ito. Binuksan ko naman kaagad ang pintuan at bumugad kaagad sa akin si Lola.

"Magandang umaga apo, bumaba kana at kumain na tayo" sabi ni Lola sa akin sabay ngiti. Tumango ako at ngumiti pabalik sa kaniya. "Ay nga pala, gisingin mo ang binata sa kabilang silid at yayain mong kumain" sabi ni Lola at agad naman naglakad ng mahina papunta sa hagdaanan. She signaled me to knock on Xavier's room at gisingin ito. I nod slightly and starts to walk towards his door.

Kumatok ako sa kaniyang pintuan pero wala akong natanggap na response kaya mahina kong pinihit ang door knob. Luckily, hindi niya ito nilock kaya binuksan ko ito ng mahina. Pagpasok ko ng silid, nakita ko siya agad na mahimbing na natutulog sa kaniyang kama. Napakagulo ng buhok niya at gusot gusot na ang suot niyang white T-shirt. Ang kaniyang kanang paa ay kalahating nahulog na sa kama at ang kaniyang kaliwang paa ay may suot pang tsinelas.

"Afhsaj jaidaiijda h brrr" Napahinto ako nang marinig siyang magsalita habang natutulog. Napakagat ako ng labi dahil hindi ko mapigilang matawa sa kaniya. I notice some crumbled papers on the floor kaya yumuko ako at kinuha ang isa sa mga nagkalat na papel. Binuksan ko ito ng mahina upang hindi siya makarinig ng anumang ingay galing sa akin. I smiled after seeing what he wrote on the paper.

Soap is slippery. When washing dishes be careful.

Kinuha ko ang isa pang papel at agad din naman itong binuksan.

Proper hand position while washing dishes.

Natawa ako dahil kailangan pa niyang eh note ang mga ganung bagay eh napakasimple lang naman ng mga gawaing bahay na iyon. Mayroon pa talaga siyang mga drawing ng kamay katabi ng mga isinulat niya. Seryoso ba siya? Hindi ba talaga siya marunong maghugas ng pinggan? Napansin ko ang mga papel sa mesa kaya lumapit ako doon at tiningnan kung ano ang pinaggagawa ni Xavier.

Dry the plates first before putting into a cupboard.

Put the leftover in the trash can.

Marami pang mga drawings kaya kinuha ko ito lahat at iniisa isa. Magaling pala siyang magdrawing at tsaka napakadetailed ng mga larawan. As I finished reading his notes, I noticed a folded paper underneath all his notes. Inabot ko ito at binuksan. I saw a figure of a woman. Wala pa itong mga mata at bibig kaya hindi ko alam kung sino ang babaeng ginuhit niya. I suddenly felt a hand on my shoulder kaya napatalon ako sa gulat.

"What are you doing?" he asked while standing at my back. I stare at him and stared back at the papers I am holding. "Ah, nothing?" I slowly put the papers down on the table but he reached his hand to the papers kaya umiwas ako. "Give that back to me" he commanded. Halata namang napakaseryoso niya kaya napangiti lang ako sa masama kong balak.

"You want this notes kid?" I sarcastically said to him. His expression became furious kaya napatawa ako sa kaniya. Anong namang big deal dito? "Give me that!" he asked while following me around. Nagpalakad lakad kasi ako sa buong silid while still looking at his notes. "Oh no, it's okay to look at your drawings kid" I said habang inaasar pa siya.

"Give me that, why I'm still nice" sabi niya ulit pero para lang akong bingi na hindi naririnig kahit anuman ang kaniyang sinasabi. I walk to the other side of the room and unfortunately he cornered me. He spread his arms para hindi ako makadaan but I saw an exit. Tumalon ako sa kama at tumakbo papunta sa other side ng kwarto pero nahawakan niya ang aking t-shirt at hinila niya ako pabalik sa kaniyang direksiyon. Dahil sa napakalakas niya, napahega ako sa kama at nabitawan ang mga papel na hawak ko sa eri. He also caught off guard kaya nahila ko siya sa kama. We are both lying oppositely to each other pero magkatapat ang aming ulo. We are facing to each other but our bodies are lying oppositely.

Autumn of MayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon