CHAPTER 36: Meeting Steve's Dad

5 0 0
                                    




Nikka and I is preparing our clothes dahil luluwas kami papunta ng city dahil sa imbitasyon ni Steve. This is the day that we all prepared for, to finally meet Steve's Dad. It is one of Steve's bucket list and gusto namin na matuloy ito. Napansin ko si Nikka na nakatingin lang sa kaniyang maleta kaya nilapitan ko siya at tinanong, "What's wrong Niks?" mahina siyang tumingala at tumingin sa aking mga mata. "Kinakabahan ako" she said. I gently tap her shoulders. I totally understand her. Sino ba naman ang hindi kabahan if 'meeting the parent/s' ang pag-uusapan. "Okay lang yan Niks, just be yourself" sambit ko sa kaniya. She give me a smile at tinapos ang pag-iimpake.

Pumasok sa loob si Lola na may dalang mga supot. "Heto, mga sariwang prutas at dalhin niyo ito" sabi niya sabay abot ng mga prutas na galing pa sa farm. Tinanggap ko naman ito at ngumiti kay Lola, "Maraming salamat dito La, magugustuhan ito ng Tatay ni Steve" ngumiti lang si Lola pabalik sa amin. Nakuwento namin kay Lola at Lola ang kalagayan ng Dad ni Steve sa city, sobra silang naawa kay Steve sapagkat sa batang edad nito ay may malaking responsibilidad na siyang ginagampanan. I am too occupied thinking kung anong magiging reaksiyon nina Lola at Lolo sa araw na sasabihin ko sa kanila ang totoo. Nikka slightly shake my shoulder kaya nagising ang diwa ko. "Are you okay now? Baka may nakalimutan kang dalhin" I slowly turn my head to her at nagsalita, "Wala na Niks. I'm all set"

Bumaba kami sa dining room at kumain muna. Pumara ng tricycle si Lolo at tinulungan kaming kargahin ang mga dala naming gamit. Bago paman ako makasakay sa tricycle ay lumapit ako kina Lola at Lolo at niyakap sila ng mahigpit. "Ikaw naman parang napakalayo ng pupuntahan mo eh magkikita pa naman tayo ulit" sambit ni Lolo sa akin. After hearing that, may naramdaman akong kirot sa aking dibdib. Natatakot ako, natatakot ako na baka ito na ang huling beses na mayayakap ko sila ng ganito. "Uuwi naman kayo pagkatapos ng ilang araw" dagdag pa ni Lola habang bumibitaw sa aking yakap. Ngumiti ako sa kanila, pilit kong itinatago ang kalungkutan sa aking mukha at hindi ipinapahayag ang bigat sa aking dibdib. "Oo, uuwi kami pagkatapos namin makita ang Tatay ni Steve. Uuwi ako dito" sabi ko sa kanilang dalawa. "Oh siya, mag-ingat kayo apo, Nikka, bantayan niyo ang isa't isa doon ha" pahabol na sabi ni Lola sa amin. "Huwag po kayong mag-alala Lola" sabi naman ni Nikka sabay andar ng tricycle palayo mula sa aming munting bahay.

Lumingon ako sa direksiyon nina Lolo at Lola at nakita ko silang masayang kumakaway sa amin. Naramdaman ko ang paghawak ni Nikka sa aking mga kamay kaya hinigpitan ko ang hawak pabalik. Nakarating kami sa wharf at agad naman sumalubong sa amin ang mga bag lifter upang tulungan kami sa aming maleta. Maliit lang ang mga dala namin, pero ayaw ni Nikka na magbubuhat ako ng mabigat kaya't humingi kami ng tulong. Pumasok kami sa loob ng ship at umupo. Nakikinig lang kami ni Nikka sa tugtog habang tinatahak ng ship ang mapanghamong karagatan. Matapos ang dalawang oras ay narating na namin ang city. Nagulat ako ng may nakaparada na sasakyan na nag-aantay sa amin. Lumabas mula dito ang Mom ni Nikka na agad na tumakbo at niyakap ako ng mahigpit. Napatingin ako kay Nikka dahil hindi ko alam kung bakit kailangan pa kaming sunduin ni Tita at kung bakit ang higpit niyang makayakap sa akin.

Kumalas siya sa kaniyang pagkayakap at hinawakan ang mukha ko. "I'm sorry Abbi, but I already told my Mom about your condition" nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Nikka. "Whyy" hindi ko naipagpatuloy ang pagsasalita ng magsalita si Tita. "You should not hide things like that to us Abbi Gayle, we're family and we don't want you to suffer all of that alone" sambit nito. Ngumiti lang ako kay Tita, "Thank you for that, Tita" tipid kong sambit kasi hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa Mom ni Nikka. "Let's go home, it's getting cold already" pinagbuksan niya kami ng pintuan ng sasakyan kaya pumasok kami sa loob. Tahimik lang kami na nagbibiyahi ng biglang magsalita si Tita. "So, what's your plan? Did your grandparents know about it?" I slightly smiled. "Hindi pa tita, humahanap ako ng tamang oras upang sabihin sa kanila ang kondisyon ko ngayon" tumango lang si Tita sa sagot ko. Alam kong naiintindihan niya ako. Alam niyang hindi ko kayang makitang masasaktan ang grandparents ko.

Autumn of MayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon