CHAPTER 35: Seeking For His Approval

6 0 0
                                    



Pagkatapos ng aming kasiyahan sa resort ay umuwi na kami sa bahay. Kasalukuyang natutulog si Abbi sa balikat ni Xavier kaya ako muna ang nagmamaneho ng sasakyan. Ang girlfriend ko naman ay natutulog din sa tabi ko, sa passenger's seat. Isang oras lang ang binyahi namin at nakabalik na kami sa bahay. Pinark ko ang sasakyan sa harap ng bahay at mahinang ginising si Nikka. Ginising ko din kaagad si Xavier at agad naman itong gumising at binuhat ang natutulog na si Abbi papasok ng bahay nila. Lumabas ako ng sasakyan upang pagbuksan ng pintuan si Nikka. Ngumiti ito sa akin at lumabas. "Thank you Steve" sabi niya. I reached for her hair at ginulo ito. "Steve! Kakatapos ko lang magsuklay" reklamo nito habang inaayos ang kaniyang buhok.







Pinahiga ni Xavier si Abbi sa sofa at agad naman siya sinalubong ng kaniyang Lolo at Lola. Bumati din kami sa kanila at pagkatapos masettle sina Abbi at Nikka ay umalis na kami sa bahay at umuwi na. Pagdating namin sa bahay ni Xavier, agad niyang inilapag ang mga dalang gamit sa sahig at humiga sa kama. "Steve" tawag niya sa akin kaya agad akong lumapit sa kaniya. "What is it bro?" tanong ko sa kaniya habang inilapag ang mga dala kong gamit sa tabi ng mga gamit niya. "Samahan mo ako sa city bukas. I want to talk to my Dad" sabi niya na tila halata ang pagod sa kaniyang mga boses. "Your stepmom would be happy to see you" sambit ko sa kaniya kaya bumangon siya at tumingin sa akin. "Abbi wants me to reconcile with my Dad. She wish for it" hinubad niya ang suot niyang watch at sapatos at inilapag niya ito sa mesa malapit sa kama.




"Concern lang si Abbi sa iyo Xavier" umupo ako sa couch at tinggal din ang mga accessories ko sa kamay. "So, what's your plan?" tanong ko sa kaniya. He crosses his arms at nag-isip. "Probably, I'll beg to him" he said. Napangiti ako sa sinabi niya. I never realized that Xavier would beg to his Dad kasi ever since his Mom died, he never even give attention to his Dad. Lagi silang nag-aaway and he always switches his attention whenever we talk about his Dad. "I never knew na aabot ka sa puntong iyan" sambit ko sa kaniya. "Nah, whatever" he replied shortly. Lumabas na ako ng silid ni Xavier at pumasok sa silid ko. It's been a long day for us, well, of course lahat kami nag-enjoy sa trip. Humiga ako at pinikit na ang aking mga mata and after some minutes, nakatulog na ako.




























-----




























Inimulat ko ang aking mga mata ng makarinig ako ng katok sa pintuan. It's already 5am in the morning. Bumangon ako at binuksan ang pintuan at tumambad sa akin ang bagong ligo na si Xavier. "Come on up, we need to cath the 7am ferry trip" he said kaya dali-dali akong kumuha ng aking towel at tumakbo sa cr upang mag shower. After that, nagbihis ako at kinuha ang phone ko at nag sent ng text message kay Nikka that Xavier and I will be at the city for some days. I pack for our things at lumabas na ng silid. Si Xavier ay kasalukuyang nakaupo sa couch habang nagtetext sa kaniyang phone, probably nagpapaalam din siya kay Abbi. When he notice my presence, tumayo siya at binuksan ang pintuan. Sumunod ako sa kaniya as we take the path to the highway. Sumakay kami ng sasakyan at tinahak namin ang daan papunta ng port.  Pagkadating namin ng port,  luckily,  nakaabot kami ng ferry at sumakay dito. 







We were just silent,  tinapos ni Xavier ang na putol niyang tulog sa bahay.  He comfortably lie down sa upuan at mahimbing na natutulog.  I check my phone at nakita ang message galing sa nursing home. Nagpapaalala ito ng mga bills na dapat kung bayaran sa hospital.  Narinig ko ang tunog ng ferry kaya lumapit ako kay Xavier at ginising siya.  Kinuha ko ang mga dala naming gamit at sabay kaming lumabas ng ferry.  Pumara ako ng taxi  at sumakay kami dito ni Xavier.  He is busy texting on his phone kaya binigyan ko ang driver ng direction kung saan kami bababa.







Autumn of MayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon