Chapter 2

128 3 0
                                    


Chapter II:

Mabilis kong pinasadaan ng tingin ang sarili ko sa harap ng salamin everything is perfect! The gowns make my skin glow and Brielle and Haisley did their job with my makeup.

“Tama na ang pagpuri sa sarili mo baka lumaki pa yang ulo mo” sinamaan ko lang ng tingin  si Brielle  bago ngumiti ng matamis sa harap ng salamin.

I look so beautiful tonight!

“Let’s go baka kanina pa nag start ang party” sabi ko saka kinuha ang Gucci bag na bigay sakin ni Briana

“Ganda ng bag ah! Mukhang bigatin” I just smiled at Haisley dati niya pa talaga gusto ang bag na to muntikan ko pa siyang makalbo dahil nakita kong hawak hawak niya to.

“Don’t you dare to touch it again I swear kakalbuhin na talaga kita” panakot ko dahil nakatingin pa din siya sa bag ko.

“Bakit parang sobrang importante ng bag na yan sayo eh si Bana lang naman ng bigay niyan? ” sabi ni Haisley na parang may mali na pinag dadamot ko sa kanya ang bag.

“Si Brion kasi nag abot niyan sa kanya kaya ayaw niyang may humahawak diyan na iba” Ani Brielle na parang nandidiri pa! Gago neto ah!

“Oh gosh! May gusto ka pa din sa kanya?! Remember na basted ka nun nung college days niyo?” ay Putangina pinaalala pa sakin.

“Please wag ngayon, sasabunutan ko talaga kayong tatlo! ” banta ko saka sinamaan sila ng tingin.

Nang makita kong nagpipigil sila ng tawa dun na ako naiinis kaya nauna na akong pumasok sa sasakyan. Bwiset ganda ng gabi ko ipapaalala ba naman sakin ang pambabasted ng gagong Brion na yun. Kawalan niya naman no?!

Bakit ba kasi ako umamin na may gusto ako sa kanya nung college ang tanga ko talaga dati! Isa pa si Brielle lang ang may alam nun sadyang madaldal lang talaga ang isang yun kaya nalaman pa ng dalawa. Tahimik silang pumasok umupo sa tabi ko si Brielle samantalang si Sapphire naman ang driver namin nasa harapan din si Haisley.

Naging tahimik ang biyahe pero binasag din iyon ni Haisley ng magtanong ito tungkol sa gig nila ngayong gabi. Gusto ko talagang sumama kaso may party kasi ang company paniguradong hahanapin namaman ako ni Boss pag di ako umattend. Mag resign na lang kaya ako? Pero sayang din ang sahod at yung bonus na bigay sakin ni boss pag madami siyang pinapagawa.

Madami pa silang pinag usapan tungkol sa schedule ng Charity Program kaya nakikisali na din ako para naman may ambag ako sa kanila lagi na lang sila ang nag aasikaso dun.

“Pag maagang natapos ang party susunod ako sa gig send niyo na lang ang exact location ” sabi ko pero sabay sabay din naman silang umiling.

“Sayang ang pag aayos namin sayo kung pupunta ka lang sa gig diyan ka na sa party ng Boss mo, malay mo ma inlove na talaga ang boss mo sayo pero wag kang umamin ulit sa kanya utang na loob Kaelie ” asar pa sakin ni Brielle gago talaga nito.

“Hoy dati lang yun nung tanga pa ako! ” asik ko sa kanya pero tinawanan lang nila parang di kaibigan ang mga to yawa!

“So ano ka ngayon? ” Nanghahamon na ani Sapphire na nakisali na din sa pang aasar sakin.

Tumikhim ako “A-ahm.. ”

“Tangang tanga na ngayon” pagtatapos ni Haisley sa sasabihin ko kaya mas lalo silang natawa sakin

“Parang di kayo kaibigan di ko na gagawin yun kahit mag lasing pa ako never akong lalapit kay Brion no?!”

“Stop blabbering lumabas ka na para di masayang ang pag aayos namin sayo make my cousin fall for you ok? ” sinamaan ko lang si Brielle ng tingin bago padabog na sinara ang pinto.

The Billionaire's SonWhere stories live. Discover now