Chapter 21

71 3 0
                                    


Kinabukasan ay nagplano akong iwan muna si Braxxton kay Cohen di naman daw siya busy ngayon. Kung kay Haisley ko naman ipapaalaga si Braxxton ay medyo abala siya ngayon sa bansa niya kahit kasi nandito siya ay lagi siyang tinatawagan ng mga tauhan niya sa Amsterdam. Kung kay Sapphire naman may gumagawa din itong gown para sa fashion week ni Brielle.


Hawak hawak ko sa kamay si Braxxton habang papunta kami sa reception area halos lahat ng tao ay nakatingin samin kaya nagtatago sa likod ko ang anak ko.

"Good morning ma'am how may I help you? "

"Good morning too, I'm looking for Mr. Finn" sabi ko sa kanya .

"May I ask what is your name Ma'am? "

"Kaelie Fleur Tinsley " tumango ito at may timawagan sa telepono bago kami ihatid sa 50th floor ng building na to. Huminto lang kami ng tumapat na kami sa isang room na may nakalagay na Mr. Cohen Aiax Finn Office. Parang ang lakas ng pangalan pero ang bantot ng may ari.


Kumatok ako ng tatlong beses saka kami pumasok, nakita ko ang gulat sa mukha ni Cohen na nakaupo sa lamesa habang binabasa ang isang report.

"Dada!!!!! " mabilis na tumakbo si Braxxton papunta kay Cohen at nagpakarga.

"Hey handsome! " nakipag beso muna ako sa kanya bago sabihin ang pakay.

" Pwede ko bang iwan muna si Braxxton dito? " nakangiti kong tanong.

"Y-yeah sure! I'm not that busy so I can take care of him while you're doing your stuff "

"That's good! Don't worry I'll be back immediately " nakangiti kong saad.

Tumango lang siya sakin, he smiled like he wants to poop. Weird.


"anong gusto mong pasalaubong anak? "

" I want pizza Momma with so many cheese on top! "

"Okay! Pizza with cheese for my baby! " natatawang kong ani.

Nakarinig ako ng tikhim mula sa gilid kaya napalingon ako sa pinanggalingan nun.

Ay shutaca! Andito pala ang mga kaibigan ni Cohen?! Tapos hindi man lang sinabi ng gagong to ?! Sinamaan ko siya ng tingin bago inilipat ang tingin sa anak kong nakatunghay sa mga lalaki.

"Ahm... Guys this is Braxx and Braxx they are your Uncle" si Cohen.


"Hey kiddo! " si Sven na kumaway pa sa anak ko.

"You look familiar kid" yung asawa ni Brielle na titig na titig sa aming tatlo.

"malamang magiging kamukha ko yan gago neto " Cohen laughs

"Tangina mo ang gwapo ng bata para maging kamukha mo. " ani Rowan sabay bato ng folder kay Cohen.

Sabay sabay naman siyang nakatanggap ng batok galing sa barkada.

"Aray! Ano ba?! "

"Tarantado ka alam mong may bata mura ka ng mura. " si Brion na nakatingin sa anak ko.


"Is she your son Ms Tinsley? " tanong ni Sven na binara agad ni Rowan.


"Malamang Momma nga ang tawag sa kanya eh! Di masama maging bobo pre pero wag naman araw araw ka ng bobo! " Si Rowan


The Billionaire's SonWhere stories live. Discover now