Nagpaalam mo na akong kukuha ng maiinom sa loob since hindi naman ako maka inom ng alak. Mag isa akong bumalik sa mansyon para kumuha ng maiinom sisilipin ko na din si Braxxton.
Kumuha ako ng isang pitchel ng orange juice sa ref saka nagsalin sa isang baso.
"How are you? "
Halos mabitawan ko ang basong hawak ko ng may biglang nagsalita sa likod ko. Shit! Di ko man lang naramdaman ang paglapit niya!
Nahalata niya ata ang pagkagulat ko kaya nag sorry siya agad.
"A-ayos lang! " I cleared my throat dahil parang may nakabara dito.
"So back to my question, How are you it's been five years since the last time I see you "
Oo at limang taon na din ang anak mo gagu!
"I'm fine b-boss, I mean Brion" shit nabulol pa talaga ako!
"You miss calling me Boss huh? " nakangisi niyang turan kaya inirapan ko siya.
Feeling amp. Di ko lang talaga alam ang itatawag ko sa kanya.
"Ahm... Hindi kasi ako sanay na Brion ang tawag sayo"
He nodded.
"When are you planning to be my secretary again? " tinagilid niya pa ang kanyang ulo na para bang pinag aaralan ako.
"Huh? " naka droga ba to? Limang taon na akong resigned sa kanila ah?
"You're my secretary Ms. Tinsley, kahit limang taon na ang nakalipas alam kong di mo nakakalimutan na sekretarya pa din kita " sabi niya.
"Huh? Panu? "
" What do you mean panu? " kunot noong tanong niya.
"I mean bago ako umalis ng bansa nag iwan ako ng resignation letter at pina abot ko yun kay Brianna dahil sa sobrang pagmamadali di na ako nakapag sabi sayo " nakayuko ako dahil medyo guilty din sa biglaang pag alis ko bilang secretary niya.
He frowned at me " I don't receive any resignation with your name"
Ha? Panu nangyari yun? Ako pa nga mismo nag abot nun kay Brianna bago kami umalis ng bansa kasama si Cohen.
"And Blaire suggested that he will be my secretary until you returned, so now you're here you'll be my secretary again"
"Ano kasi.... Ah... Kinuha ako ni Cohen bilang secretary niya... At ah.... " di niya ako pinatapos sa pagsasalita bago nagsungit sakin.
"I don't care if he fucking hired you to be his secretary. You are mine to begin with " he said before turning his back and leaving me in the kitchen dumbfounded.
You are mine to begin with.
You are mine to begin with.
You are minr to begin with.Potangiiiinaaaa!!!! Kinikilig nananaman ako dahil sayong Brion ka! May pa Mine mine pa ang gago parang walang asawa amp. Ano balak mo akong gawing kabet?!
Inis kong inubos ang isang basong tubig hinugasan ko na din ang baso bago umakyat para tingnan ang anak ko. Nakita kong mahimbing na itong natutulog at amoy bagong ligo mukhang pinunasan siya ni Tita kanina... Tinabihan ko na lang si Braxxton inaantok na din kasi ako nakakapagod ang biyahe.
Naalimpungatan ako ng may biglang tumabi sakin sa higaan dala na siguro sa phobia ko sa nangyari samin ni Brion kaya mabilis kong tinadyakan ang nasa tabi ko.
Dinig ko ang bagsak sa sahig ng kung sino sa gilid ko. Ang lakas nun ah!
"Ouch!!!! WHAT THE HELL KAELIE FLEUR TINSLEY!!!!! You almost break my bone because of your fucking kick! " natauhan ako dahil sa sigaw ni Haisley. Taena di ko naman alam siya yun.
Ang ginagalang sa Amsterdam sinisipa ko lang dito sa Pinas hahahaha kalma ako lang to. Tinulungan ko siyang tumayo dahil mukhang nahihirapan talaga siya.
"Ayos ka lang ba? May nabali bang buto sayo? " tanong ko na inirapan niya lang medyo mapungay na ang mata niya dahil sa kalasingan.
Tumayo ito at naglakad papuntang terrace. Kaagad akong sumunod dahil baka mahulog pa ito lalo na't lasing mas nagiging lampa kasi tong si Haisley pag lasing.
Tahimik lang kaming nakatayo habang nanonood sa mga tao sa baba na nag iinuman pa din kasama na dun si Brion lakas talaga nito lumaklak.
"Title really sucks" mahinang sambit ni Haisley sa tabi ko.
"I gave up everything to prove that I'll be a good leader to my people without realising I lost my everything " bahagya pa siyang tumawa kasabay ng pagtulo ng luha niya.
I sighed. "Ayos ka lang ba? "
Kaagad siyang umiling "I'm not okay Kae, pero pinipilit kong maging ayos dahil madaming taong umaasa sakin madaming taong handa akong pabagsakin pag nakita nila ang kahinaan ko. I'm tired I want to rest pero di ko magawa I want to be free again dahil masyado na akong nasasakal sa palasyo but I can't leave knowing na namatay ang magulang ko dahil palihim nila akong pinoprotektahan. T-they..... D-died because of me!!! "
Di ko na din mapigilan ang sarili ko napaiyak na din ako dahil sa mga problema ni Haisley na sinasarili niya. Pag kami may problema lagi skyang nandiyan para samahan kami pero nung siya naman ang nangailangan wala kami. It's unfair akala namin siya ang pinaka may malakas na loob samin dahil hindi naman siya nagsasabi ng mga problema lagi lang siyang nakangiti samin.
"Shhhh.... Tahan na di mo kasalanan ang pagkamatay nila Tito at Tita. Tahan na Haisley "
Sinubsob niya lang ang mukha niya sa dibdib ko saka umiyak ng umiyak.
"No! It's my fault gusto ko lagi lumayo sa palasyo dahil ayaw kong umupo sa trono dahil ayaw ko ng title na yun without realizing that my parents made sure that my throne is safe for me! " mas lalo siyang umiyak sa dibdib ko.
"Kung alam ko lang sana ang mga nangyayari sana hindi na lang ako umalis ng palasyo sana sinamahan ko sila sa lahat ng laban na hinaharap nila. I'm selfish and ungrateful daughter I don't even deserve the title as Princess of Amsterdam! "
"You deserve to be a Princess Haisley wag mong sayangin ang pagpapahalaga nila tito para masiguro lang sayo mapupunta ang trono" sabi ko.
"But I lost everything because of that throne because of the title they gave me. I lost my parents and I lost Sven too! " sigaw niya bago sumuka sa dibdib ko. Tangina.
"Fuck! That was ewwwy" nanghihina niyang sambit bago mawalan ng malay. Di ko alam kung sino ang malas ako ba o Haisley, di nakuntento sinukahan na nga ako tinulugan pa!
"Bruha ka kung di lang kita kaibigan kanina pa kita hinulog dito sa terrace !" mahina kong sabi saka inalalayan ang lasing kong kaibigan papunta sa kma. tangina ang baho talaga ng suka niya.
YOU ARE READING
The Billionaire's Son
RomanceFive years after being rejected by her crush Kaelie Fleur Tinsley work as Secretary under Sloan Chains of Hotel and Restaurants. Being one of a secretary is just a piece of cake for Kaelie but when she learns that she will be working for...