"Naku! Brielle may galit pa din ata tong bestfriend mo sayo oh! Si Brianna na ang bagong bestfriend ni Kaelie! " gago talaga ang Cohen na to.
Tinaasan ko ng kilay si Brielle ng napagawi ang tingin niya sakin. Kaagad niya namang iniwas ang tingin at inilipat iyon sa asawa niya "Kuno".
"Pasensya na Ms. Tinsley, biglaan din kasi ang pagpapakasal namin " ani Knoxx.
"You don't need to say sorry actually , and I don't really mind dahil abala din naman ako nun sa company ng parents ko at sa pagpapalaki sa anak ko" sabay sabay silang tumango na para bang sobrang naintindihan nila ang pinagdaanan ko.
"Sabagay mahirap talaga maging single Parent" si Sven.
"Hindi naman ako ganun nahirapan dahil tinutulungan din naman ako ng mga kaibigan ko at ng parents ko so motherhood has been easy for me"
Without them di ko alam kung panu ko itatayo sarili ko nun. I've been so down dahil sa pagpapakasal ni Brion at sa pagdadalang tao ko. Di ko alam kung ano ang dapat kong gawin buti na lang laging nakasubaybay sila Mom and Dad sakin kaya naging madali ang lahat.
"What company Ms. Tinsley baka maging investors din namin kayo! " si Rowan. Ang pagkakaalam ko ay sa Engineer siya pero may pinagkaka alabalahan daw ito ngayon kaya nagpapabalik balik sa ibang bansa.
"Textile Companies we supplies fabric throughout Asia " ani ko.
"Edi pwede pala kayong maging business partner ni Brion dahil pwede kayo maging supplier nila ng mga gagamitin sa mga hotel like bed sheets, curtain and etc! " di ko alam kong normal na ba talaga na parang laging nakangisi tong si Sven o ano.
"I don't know my parents are the one handling our company "
" Bakit ka nga pala nag secretary kung may kompanya naman kayo? " tanong ulit ni Sven
Di ba siya napapagod magtanong?
"Dahil gusto ko maging secretary and they agreed kaya secretary ako ngayon ni Brion"
"First name basis na pala kayo? " Knoxx said and smirked at me.
"Hoy! Tama na nga yan dami niyong tanong kay Kaelie pag pahingahin niyo naman! " tumawa si Reese sa kanila na pansin niya siguro na sobrang bombarded na ako sa mga tanong.
"Uminom na lang tayo! " sabi ni Blaire at itinaas ang basong may lamang alak.
Sabay sabay silang nagtaasan ng baso kaya napatingin sila sakin ng nakita nila akong di tinataas ang basong nasa harapan ko. Tinaasan ko sila ng kilay.
"I don't drink " maiksing pahayag ko para naman alam nilang wala talaga akong balak makipag inuman sa kanila.
Bahagyang yumuko si Brion sa may bandang tenga ko at bumulong " You want me to get you a drink? Juice or Coffee? "
Umiling ako "wag na kaya ko naman ako na lang ang kukuha"
"Let me go with you hmm..? " bulong niya pa din sa bandang tenga ko.
Medyo nakikiliti ako dahil sa hininga niya na tumatama sa leeg ko. Bahagya ako umurong palayo ng onti sa kanya. Kumunot naman ang noo niya ng mapansing umusog ako.
"Kukuha lang ako ng maiinom" paalam ko sa kanila.
"Ako na kukuha Kae! Diyan ka na lang " presinta ni Blaire na nakataas pa ang kamay.
YOU ARE READING
The Billionaire's Son
RomanceFive years after being rejected by her crush Kaelie Fleur Tinsley work as Secretary under Sloan Chains of Hotel and Restaurants. Being one of a secretary is just a piece of cake for Kaelie but when she learns that she will be working for...