Nagising ako ng maingay na tumunog ang phone ko sa side table. Mapupungay ang mata ko na hinanap ang phone ko. Hindi ako halos maka bangon dahil sa naka patong ang kamay at binti ni Brion sakin.Dahan dahan kong inalis ang kamay at binti niya at sinagot ang tumatawag sa phone ko.
"Hello? "
"What? Anong nangyari? Nasaan ang anak ko? Saang Hospital?" sunod sunod kong tanong sa kabilang linya
Nang malaman ang Hospital ay mabilis na inayos ko ang sarili at nagmamadaling lumabas ng kwarto. Dinig ko ang yabag ng pagsunod sakin ni Brion nagising ata siya kanina dahil sa tawag.
"What happened?" nag aalala niyang tanong.
Sasakyan niya ang gamit namin papunta sa Hospital siya na din ang nagmaneho dahil masyado na akong nag papanic baka maaksidente pa kami.
"Si B-braxx nasa hospital daw!" umiiyak kong sabi sa kanya.
Inabot niya ang kamay ko at marahan iyong pinisil. Mas binilisan niya ang pagmamaneho para makarating kaagad kami sa hospital kung nasan si Braxx.
"Excuse me nasan ang room ni Braxxton Tinsley?" kaagad kong tanong sa Nurse.
"Room 207 maam "
Nagpasalamat ako sa kanya at halos takbuhin ko na ang room 207. Nasa likod ko lang si Brion at pilit akong pinapakalma. Naabutan ko ang mga kaibigan ko at ang mga kaibigan ni Brion pati na sila Tita sa labas ng room ni Braxxton.
"Nasaan ang anak ko? Nasaan si Braxx?" umiiyak kong tanong sa kanila.
Kaagad akong niyakap nila Tita at marahan na hinahaplos ang likod ko.
"He's inside hija, ginagawa na ng mga doctor ang trabaho nila para magamot si Braxx" ani Tita.
"Ano pong nangyari bakit nasa hospital si Braxx, tinawagan lang ako ng school para sabihin na sinugod daw sa hospital ang anak ko"
"May aksidente daw kanina sa school sa may playground nila at nasaktuhan na nandun si Braxx kaya kasama siya sa mga nasugatan"
"Nagulog si Braxx mula sa swing sa playground at tumama ang ulo niya sa bato kaya madaming dugo ang nawala sa kanya " lalo akong napaiyak sa nalaman.
Ang bata pa ng anak ko para mangyari to sa kanya.
"Shh.. it's okay everything will be fine. Kakayanin to Braxx" pag aalo sakin ni Brion.
Pinaupo muna nila ako sa upuan at binigyan ng tubig na maiinom. Kaagad kong ininom ang tubig at tahimik na nagdasal para sa kalagayan ni Braxx.
"Tahan na magiging okay din ang lahat" sabi ni Brion at niyakap ako ng mahigpit.
Mas sumiksik ako sa kanya at muli nanamang umiyak. Hindi pa nga nalalaman ni Braxx kung sino ang Daddy tapos mangyayari to.
Sabay sabay kaming napatayo ng bumukas ang pinto at lumabas ang doctor.
"Kamusta na po ang anak ko? Is he okay?" kaagad kong tanong sa doctor.
"He's not okay kailangan niyang masalinan ng dugo dahil sa madaming dugo ang nawala sa kanya dahil sa aksidente" imporma ng doctor.
"Ako doc kunan niyo na ako ng dugo! Bilisan niyo na kailangan niyong iligtas ang anak ko!" Umiiyak kong sabi at napaluhod pa sa harapan ng doctor.
"Type AB negative ang anak niyo misis, anong type ba ng dugo niyo?"
Napatigil ako sa tanong ng doctor. Hindi kami magka type ng dugo ni Braxxton.
"T-type A positive ako doc" mahina kong usal.
YOU ARE READING
The Billionaire's Son
RomanceFive years after being rejected by her crush Kaelie Fleur Tinsley work as Secretary under Sloan Chains of Hotel and Restaurants. Being one of a secretary is just a piece of cake for Kaelie but when she learns that she will be working for...