Chapter V:
Dahil nga nakaleave ako ng dalawang linggo nagka oras ako sa mga activities sa Charity namin, ako na ang nag ayos ng mga schedule at kung minsan ay binabasa ko na din ang mga emails ng mga benefactor namin na sumagot na sa invitation ko through email.
brion.zacsloan@yahoo.com
Thank you for inviting me, it's an honor to be one of your growing family.
Ay! Wow ang taray ng lolo niyo hindi ang email ng company ang ginamit kailangan personal email niya talaga?? Binalewala ko na lang yun at pinagpatuloy ang pagbabasa ng mga emails at minsang pag sagot sa mga ignquiry.
Pasado alas dose na ng makaramdam ako ng gutom kaya nag text ako sa tatlo na magkita kita na lang kami sa pinaka malapit na resto sa boutique ni Sapphire may trabaho din kasi si Brielle ngayon kaya ako lang mag isa dito sa office namin sa Condo.
Inayos ko muna ang mga gamit ko saka nag ayos na din ng sarili bago mapagpasyahang umalis na dahil kanina pa tunog ng tunog ang tiyan ko daig pa ang may alaga akong dragon sa tiyan.
Sumakay lang ako sa taxi at nagpahatid na sa resto nakapag pareserve na daw sila ng table namin inaantay na lang namin sight Brielle baka busy pa ang isang yun sa journals niya o kaya sa photoshoot ng mga model niya.
Dapat nga si Brielle ang nasa harap ng camera dahil maganda naman siya at makinis din ang balat, maputi at may height din pero mas gusto niya daw na behind the camera lagi simula pa daw kasi ng bata siya ay gustong gusto niya na maging Photographer.
I'm thankful because of my friends sila ang naging takbuhan ko nung mga panahon na parang walang naniniwala na kaya ko ang mga bagay bagay I've been spoiled since I'm just a kid kaya naman mahirap talaga ang biglaang desisyon ko na tumayo sa sarili kong paa.
But because of them I made it! At nakatulong pa kami sa mga bata na nasa lansangan it was Haisley 's idea talaga na magtayo kami ng Charity Program na para sa mga bata sa lansangan nakikita niya daw kasi ang sarili niya na isa sa mga bata.
"Ma'am andito na po tayo" ani ng driver kaya mabilis akong nagpasalamat at bumaba na sa sasakyan.
Hinanap ko agad ang table na sinasabi nila Haisley at nakita ko din naman iyon. Sino ba naman ang hindi makakakita nun sa haba ba naman ng mga kamay ni Haisley na kumakaway sakin impossible na di ko siya mapansin.
"Did you order na ba? Gutom na talaga ako since kanina sinuka ko lahat ng kinain ko nung alamusal" sabi ko ng maka upo ako sa bakanteng upuan.
"Bakit ka ba nagsuka akala ko ba you're okay na? " Haisley asked.
"Okay naman na ako pero di ko alam baka dahil na rin siguro sa sakit ko kaya nagsuka ako babawi na lang ako this time! " parehas silang natawa ng makitang mabilis kong naagaw kay Sapphire ng menu at dun inabala ang sarili.
Parang nagtubig ang bagang ko ng makita ko ang vegetable salad nila at ang halo halo na may ice cream sa itaas. Tinawag ko agad ang waiter saka sinabi sakanya ang order ko tinanong ko na din ang dalawa baka magtampo pa.
Di ako mapalagay habang inaantay ang order namin napansin ata yun ng dalawa dahil sa paraan ng pagtitig nila sakin, siguro mukha akong natatae na ewan. Di ko din maintindihan ang sarili ko maisip ko lang ang salitang salad at ice cream para akong ewan at nagiging high ako.
"Gusto ko din ng ice cream at vegetable salad please ang flavor ng ice cream ay cookies and cream ayaw ko ng may sauce ang salad " sabi ko sa waiter ng bumalik ito sa table namin.
Tumango lang ito saka bumalik sa pinanggalingan nito para sabihin ang order ko. Natatakam na ako gosh!!!
"Vegetable salad? Ang pagkakaalam ko diring diri ka sa pipino ah? " halos mapatalon na ako ng may biglang magsalita sa likod ko, kadadating lang pala ni Brielle.
Nagkibit balikat lang ako dahil di ko din alam kung bakit gusto ko ng vegetable salad ngayon.
" Ewan ko basta gusto ko ng salad ngayon" sabi ko habang nakahawak sa tiyan ko ng biglang tumunog yun.
Dinig ko pa ang pagsabi ni Brielle ng wierd bago siya tuluyang umupo sa tabi ko. Di ko na siya pinansin at inabala na lang ang sarili ko sa phone scrolling on my social medias.
I also posted stories on my instagram account. Enjoy na enjoy ako sa pag browse ng biglang dumaan sa feed ko ang post ni Mrs. Sloan congratulating his son dahil sa engagement nito.
Si Brion ikakasal na? Tangina wala na talaga kaming pag asa sa isa't isa. Tahimik akong nagbasa ng mga comment and everyone is happy and congratulating him on his engagement. Parang may kumurot sa puso ko ng makita ang sunod na post ni Mrs. Sloan na isang engagement ring at ang kamay ng isang babae, I guess she's the Lucky girl who will be married to my long time crush i guess.
Marahan kong binaba ang phone ko dahil nakaramdam ako ng pagkahilo medyo nababahuan din ako sa mga pagkain na nilalapag nila sa table namin. Ano ba to panes na ba ang mga to? Bakit ang baho ng amoy parang humahalukay sa tiyan ko na wala namang laman.
Napansin ata nila ang pagtatakip ko ng ilong at paglayo ko sa pagkain na nasa harap ko. Bakit ang tagal ng order ko? Kanina ko pa yun inorder pero wala pa din haggang ngayon?!
"Did you like tita's post Kae? " nilingon ko si Brielle na nakataas ang kilay sakin.
"Anong post? " takang tanong ko.
"About Brion's engagement duh?! "maarte niyang turap sarap sabunutan.
"Yeah, why? "
Inirapan niya lang ako at nagpatuloy sa pagkain. Anong gusto niyang gawin ko umiyak dahil ikakasal na si Brion like duh? College lang ako naging patay na patay sa kanya hindi na ngayon. Kapal ng mukha niyang i reject ako samantalang ang ganda ko naman!
Di ko alam bakit ang tanga ko nun at nag confess dun sa gago na yun tapos i rereject niya lang ako kapal ng mukha kala mo naman kung sinong gwapo!
Masama pa din ang loob ko kahit tapos na ako kumain lalo atang sumama loob ng makita kong diring diri sila sa ginawa ko sa ice cream at salad. Ano bang masama kong isasawaaw ko sa ice cream ang vegetable salad ang sarap kaya!
Bumalik ulit ako sa condo at pinagpatuloy sng mga naiwan kong work kanina hindi din naman nagtagal sa pagtapos nun kaya may oras pa ako para matulog medyo inaantok na kasi ako kanina pa ako nakababad sa harap ng computer kaya siguro sumasakit na ang mata ko. Maybe I should buy glasses para sa anti Radiation.
I went to my room and cover myself with my blanket I need some sleep tatlong araw na lang babalik nanaman ako sa trabaho ko. Damn! I almost forgot panu ko haharapin si Brion should I act like nothing happened? Lalo na ngayong ikakasal na sila?
Is he marrying her because of the deal with Mrs. Sloan? Parang ang babaw naman ng dahilan niya kung ganun pero ano bang paki ko sa kanya?!
With too many things running in my mind I fall asleep.
YOU ARE READING
The Billionaire's Son
RomanceFive years after being rejected by her crush Kaelie Fleur Tinsley work as Secretary under Sloan Chains of Hotel and Restaurants. Being one of a secretary is just a piece of cake for Kaelie but when she learns that she will be working for...