Hindi ako maka focus sa trabaho dahil sa nalalapit na family day ng anak ko. Hindi pa rin kasi ako nakaka hanap ng chance na sabihin iyon kay Brion. Gusto kong sabihin sa kanya na may anak kami at Braxx yun pero lagi akong naduduwag pag gagawin ko na.Napa buntong hininga ako ng malalim. I want to focus on my job first para matapos ko ang mga papeles na nasa harapan ko.
" Hoy Kae ayos ka lang ba?" tanong ng isa kong katrabaho na ikinagulat ko.
"Ha? Oo naman okay lang ako may iniisip lang " sabi ko .
Nasa café na pala ako di ko namalayan, naglalakad nanaman ako ng bangag. Umorder ako ng coffee para samin ni Boss. Nag paalam na ako sa katrabaho ko na tinitingnan ako na para bang ang weird ko ngayong araw.
Hindi ko na iyon pinansin at umakyat na ako sa opisina ni Boss. Hindi na ako kumatok dahil may hawak ang dalawa kong kamay buti na lang talaga at hindi naka sara ang pinto.
Bahagya kong sinipa ang ibabang parte ng pinto para bumukas iyon.
Halos matulos ako sa kinatatayuan ko ng makita ko si Brion na may hinahalikan sa upuan niya. Naka upo si Boss habang naka patong naman sa kanya ang babae.
The fuck? Ganun lang yun? May pa yakap yakap pa siya sakin kagabi tapos ngayon may katukaan siya at sa opisina pa talaga?!
Sa inis at gulat nabitawan ko ang hawak kong baso kaya lumikha iyon ng ingay ng mabasag ang tasa.
"Shit!" dinig kong mura ni Brion.
Tiningnan ko ang sarili ko. I look so pathetic. Nadumihan ang sandals at skirt ko dahil sa pagtalsik ng kape na dala ko kanina.
"S-sorry" may kung anong bumura sa lalamunan ko habang sinasabi iyon.
I feel like someone punch me dahil sa sakit ng nakita ko. Akmang tatayo na si Brion para lapitan ako pero pinigilan siya ng babaeng kalandian niya.
Nararamdaman ko ang pag init ng sulok ng mata ko kaya mabilis akong tumalikod para mabilis na tumakbo. I feel pathetic. Ang tanga ko para umasa na finally Brion notice me not as his Secretary but as a woman.
Ini lock ko ang pinto ng cubicle na pinasukan ko. I cried sa halo halong sakit na nararamdaman ko. I feel like I'm not a good mother for my son ni hindi ko nga maibigay sa kanya ang masayang pamilya. I feel so useless.
Kumuha ako ng tissue at nilinisan ang skirt ko na nadumihan dahil sa kape. Tinawagan ko pa si Sapphire para magpadala ng extra skirt. I can't continue working with the stain on my skirt.
"Ayos ka lang ba? Bakit parang umiyak ka?" nag aalalang tanong ni Sapphy.
I nodded "Ayos lang ako Sapphy, bigla ko kasing nabitawan ang kape kaya natapon sa skirt ko"
Tinitigan niya ako na para bang hindi maniniwala na ayos lang ako.
"Sigurado ka bang ayos ka lang ? Parang galing kang iyak medyo pugto pa ang mata mo" aniya.
"Oo nga ayos lang ako na frustrate lang ako dahil ang dami ko pang gagawin dumagdag pa ang kape na yun " paliwanag ko.
"O sige na uuna na ako dinner tayo mamaya, bawal tumanggi minsan lang tayo mag dinner "
"Oo na isasama ko na din si Braxx I'm sure namiss niya ang mga magaganda niyang Tita!"
"Naku nambola ka pa, ito binilhan na kita ng lunch alam ko naman di ka pa nakain " binigay niya sakin ang isang paper bag ng isang fast food chain.
Niyakap ko siya ng mahigpit, napaka bait talaga ng mga kaibigan ko.
"Thank you babawi ako sa inyo next time"
YOU ARE READING
The Billionaire's Son
RomanceFive years after being rejected by her crush Kaelie Fleur Tinsley work as Secretary under Sloan Chains of Hotel and Restaurants. Being one of a secretary is just a piece of cake for Kaelie but when she learns that she will be working for...