Chapter 29

60 2 0
                                    


Hindi na ako nagpahatid kay Brion, nagpumilit pa siya pero hindi ko na talaga siya sinama at hindi na ako pumayag na ihatid niya pa kami.

"Braxx!!"  sumalubong agad si Haisley samin.

Masaya namang yumakap sa kanya ang anak ko. Nung isang araw niya pa gustong makita ang mga tita niya pero dahil busy ako ay hindi ko siya maihatid kila Haisley.

"Hoy wag mong lamugin ang anak ko " suway ko sa kanya dahil pinang gigilan nanaman niya ang pisngi ni Braxx.

"You're so kill joy minsan na nga lang kami magkita ni Braxx e" nakalabi niyang turan.

Hindi ko siya pinansin at inilayo ang anak ko. Parehas na lumabi si Braxx at Haisley. Aba parang mas gusto niya pa sumama kay Haisley kesa sakin ah.

Inantay namin na makarating sina Brielle at Sapphire. Magkasunod kaming  dumating  ni Reese na mukhang wala pa din sa wisyo simula ng umuwi kami.

"Kamusta naman ang baby boy namin" nakangiting tanong ni Reese.

"Kamukhang kamukha mo talaga ang Daddy mo" dagdag niya pa kaya mabilis ko siyang binatukan.

Ang siraulo talaga ng isang to.

"Shut up Reese " inis kong sabi sa kanya pero tumawa lang siya sakin.

"Kilala niyo po ang daddy ko Tita Reese?" tanong ni Braxx.

Mabilis na tumango si Reese.

"Oo naman! Yung Daddy mo ay mayaman at sikat na business man sa buong pilipinas at sa ibang bansa"

"Medyo masungit ang Daddy mo Braxx pero mabait siya pag nasa harap ng Momma mo"  dagdag niya pa

"And He's a jerk to! Like a walking red flag but your Momma loves red flag!" Pakiki sali ni Haisley sa kanila.

Seryoso ba? Yan ang topic nila?

"Enough with your topic let's order our food " sabi ko at binigyan sila ng menu.

Nagsimula na kaming mag order habang inaantay ang dalawa kaya mabilis naming nilingon ang pintuan ng restaurant ng bumukas ito.

"Tito Brion!!" masayang tawag ng anak ko sa bagong pasok.

What the hell is he doing here? Masamang tingin ang binigay ko sa kanya pero ngumisi lang ang gago at umupo para salubungin ang anak kong tumakbo papunta sa kanya.

"What are you doing here?" kaagad kong tanong.

"My cousin invited me, so here I am " nag kibit balikat pa siya.

Tiningna ko si Brielle na kaagad na nag iwas ng tingin sakin. Akala ko ba dinner namin tong magka kaibigan?

"Hayaan mo na, tingnan mo ang anak mo ang saya niya diba?  " bulong sakin ni Reese na  nagpa tigil sakin.

Masaya nga si Braxx habang buhat siya ni Brion. Hindi ko mapigilan na maisip ang sinabi ni Mommy na dapat kong unahin ang kapakanan ng anak ko.

"Whatever" turan ko at umupo na sa upuan ko.

Nagsi upuan na sila sa table at pinag order na din namin ang mga bagong dating.

"Why are you eating that Kae?" Nandidiring tanong ni Haisley.

"What? It's delicious !" tinaasan ko pa siya ng kilay bago isawisaw ang beef steak sa sabaw na order namin.

"Really? but it's gross " sabi ni Sapphire.

"I don't care basta masarap to" pinag patuloy ko na ang pagkain ko at hindi na nila pinansin ang sinasabi nila.

"Hindi ka ba sasakitan ng tiyan niyan Kae" kahit si Brion ay naki sali na din.

The Billionaire's SonWhere stories live. Discover now