Nagising ako ng parang may humahalukay sa tiyan ko kaya mabilis kong tinungo ang banyo sa kwarto at dun sinuka lahat ng kinain ko kanina. Ano bang nangyayari sakin ? Nakahawak ako sa gilid ng bowl para dun kumuha ng lakas baka bigla nalang akong matumba at ma shoot sa bowl ang mukha ko.
Hinang hina ako pagkatapos kong isuka ang lahat parang pati laman loob ko naisuka ko na din yumuko lang ako dun sa bowl dahil parang nandidilim ang paningin ko.
I don't care kung nasa bowl ako nakaunan ang mahalaga makatulog ako dito dahil nanghihina na talaga buong katawan ko parang may vacuum na humigop sa lahat ng lakas ko pagkatapos kong magsuka.
Ilang minuto pa lang akong nakaka idlip ng bigla ulit bumaliktad sikmura ko kaya pati ang suot kong damit ay natapunan ng suka. Yuck! So disgusting Kaelie!
Halos tubig na lang ang lumalabas sa bibig ko pero parang gusto pa din ng sikmura ko ang sumuka kaya naka upo pa din ako sa bowl habang naka kalat ang buhok ko sa harap ko kaya kahit hindi ako tumingin sa salamin I know I look like Shit.
"Kae! Anong nangyari? Ayos ka lang ba?? " sunod sunod na tanong ni Brielle habang dinadaluhan ako para maka upo ng maayos.
"I'm tired Bri, gusto kong matulog pero nagsusuka ako" I said and pouted in front of her masyado talagang masama ang pakiramdam ko.
Inalalayan niya akong makatayo saka inasikaso, she wipe my face using wet towel at tinalian niya din ang buhok para di yun humalo sa suka at pawis ko. I just sat there and let here do things masyadong nanghihina ang katawan ko para gumalaw.
Lumabas muna ito bago bumalik at pinalitaan ang suot kong damit she let me wear comfortable clothes, I smiled at her actions Bri is really thoughtful kaya kahit minsan Sobrang sungit niya sakin di ko na lang pinansin dahil alam kong may sapak lang talaga ang isang to at sobrang maalaga niya pag may sakit ako.
"Let me help you go to bed" aniya kaya tumango lang ako at sumunod sa gusto niya. She tucked me to bed bago lumabas sa kwarto.
Mabilis akong makatulog dahil sa pagod na nararamdaman ko simula kanina nung nagduwal ako. Everything seems fine maliban lang sa mga nararamdaman ko parang lagi akong may sakit I would always vomit sa tuwing gigising ako sa umaga at minsan nababahuan ako sa mga pagkain na niluluto nila kaya masusuka nanaman ako.
Two days had pass at lagi pa din akong nasusuka tuwing umaga at mabilis mahilo kung may maamoy man akong ayaw ko. They were suggesting something but I don't think that they are right I mean pwede din naman na tama sila pero isang beses lang yun nangyari at may possibilities na hindi din tama ang hula nila sa kalagayan ko.
"You want something ?" tanong ni Sapphire nasa isang cafè kami ngayon. I smiled at her saka tinuro ang mga pagkaing gusto ko.
"Is that all? " tanong niya ulit kaya tumango lang ako at inantay ang order naming pagkain.
Hindi din naman nagtagal at dumating na ito halos maglaway ako ng isa isahang nilatag sa harap namin ang pagkain. Nang makaalis ang waiter ay agad kong nilantakan ang pagkaing nasa harap ko without minding other people.
They all look at me amused sobrang dami ko naman kasing kinakain lately masyado na akong nagluluwag sa Diet plan ko baka mapansin ko na lang grabe na ang nilaki ko dahil sa hindi ko pag sunod sa diet ko. Napalabi ako sa iniisip ko saka nilayo sakin ang pagkain.
But I want more!!!!!!
"You done? " Haisley asked. I just nodded at her dahil labag naman talaga sa loob ko ang hindi pagtapos ng pagkain na yun.
"You won't finish your food parang kanina lang excited kang kumain ah? " she seems confused with me
"Baka tumaba ako lately sobrang dami ko na kumain di ko na sinusunod ang diet plan ko baka mamaya mapansin ko na lang di na kasya ang mga damit ko" Sabi ko sa kanila pero sa pagkain pa din nakafocus ang mata ko.
I badly want to eat those food they are mouth watering!!!!
"Ubusin mo na yan wag kang maarte diyan alam mo namang panay suka ka ngayon kaya kahit sobrang dami yang lamunin mo ilalabas mo lang din yan mamaya " mataray na sabi ni Brielle saka ibinalik sa harap ko ang pagkain.
Tama nga naman siya halos lahat ng kinakain ko ay sinusuka ko lang din naman kaya ayos lang sakin ang kumain ng madami. Muli kong binalikan ang pagkain at inubos na din iyon paminsan minsan ko pang nahuhuli ang mga titig nila sakin pero agad ding umiiwas pagnahuhuli ko silang nakatingin sakin.
"Pinapapunta pala tayo ni Manager mamaya 7:00 sharp dapat nandun na tayo " imporma ni Brielle sa aming apat parang siya tong leader leader namin sa banda kaya sa kanya sinasabi ni Manager kung may Gig ba kami o wala.
Tumango lang kami sa kanya .
"Pero kung di mo pa naman kaya Kae pwede naman nating i Sched ulit bukas alam naman ni Manager na may sakit ka " umiling ako kaagad masyado ng boring sa condo ayaw ko ng mag stay dun buong araw na akong natulog kanina.
"I'm fine Bri nakapagpahinga naman ako kanina kaya okay na ang pakiramdam ko" ani ko.
Umuwi akong mag isa sa condo dahil dumiretso sila sa kanya kanya nilang trabaho, I want to clean our condo habang nag aantay sa kanila we all agreed na susunduin nila ako para sabay sabay na kaming pumunta sa Bar tipid na din yun sa gas.
Ilang araw na pala akong tingga dito sa condo at walang ginagawa maliban sa pag ayos ng sched para sa program. Wala din kasing binibigay na email si Boss para sa mga gagawin ko kahit nasa leave ako baka naniwalang may sakit nga ako.
After cleaning the whole condo kinuha ko naman ang gitara ko at tumambay muna sa sala at dun tumugtog ng mga kantang bigla na lang pumasok sa utak ko. I love playing music since I was a kid nag enroll pa ako sa isang music class pero kalaunan ay umalis din dahil sa hindi maganda ang management ng teacher dun.
They would always set me aside and prioritize those children they want. Kaya kumuha na lang sina Mom and Dad ng sarili kong music teacher kaya mas lalo akong natuto sa iba't ibang musical instruments.
And because of music nakilala ko Brielle naging magkalaban kami sa isang competition when we were in high school at nung final na ay pinag partner naman kami and we both click kaya ayun naging bestfriend ko ang isang yun.
Madalas din akong pumunta sa bahay nila Brielle lalo na't pag ako lang sa bahay, sa bawat punta ko ay lagi kong nadadatnan ang mga pinsan niya at isa na dun Brion na mukhang pinaglihi sa sama ng loob. He would always shout at us dahil sa ingay ng pagkanta at pagtugtog namin but we don't mind him na mas lalong kinainis niya.
I just smiled while going back to those memories na sinira ni Brion nung umamin ako sa kanya na may gusto ako and that Asshole told me I'm too ugly for him like duh?! Ang panget niya din kaya! Bwisit siya.
YOU ARE READING
The Billionaire's Son
RomansaFive years after being rejected by her crush Kaelie Fleur Tinsley work as Secretary under Sloan Chains of Hotel and Restaurants. Being one of a secretary is just a piece of cake for Kaelie but when she learns that she will be working for...