Maaga akong pumunta sa clinic ni Briana para sa check up ko bago umalis ng bansa. May mga nakasabayan akong nagpapacheck up din sa kanya at karamihan sa kanila ay kasama nila ang mga asawa.
It's okay baby you have mommy kahit wala si daddy sa first check up mo andito naman si Mommy.
"So far wala namang problema healthy din si baby, iwasan mo ang stress at kumain ng tama at inumin mo ang vitamins na binigay ko" paliwanag ni Briana matapos ang check up ko.
Binili ko kaagad ang mga nakaresita sakin bago tuluyang umuwi sa condo. Everything is ready nag aantay na lang ako ng sundo kong mabagal.
Maya maya ay dumating din si Cohen na siyang nagbuhat ng mga bagahe ko, nag aantay na daw ang mga kaibigan ko sa airport dun na sila dumeretso pagkagaling sa trabaho.
"Nagpaalam ka ba? " biglang tanong ni Cohen.
Umiling ako. "Naka leave naman ako okay lang naman ata mangibang bansa ako"
"Ilang araw ba leave mo? Parang ang dami mo atang dalang gamit ano isang taon kang naka leave daig mo pa ang naka maternity leave! " Inismiran ko lang siya at patuloy na inabala ang sarili sa mga dinadaanan namin.
"Wala naman sinabi si boss basta pag di pa daw maayos ang pakiramdam ko wag daw muna ako pumasok "
"Di maganda pakiramdam mo pero nakuha mo pang kumanta sa bar? Saan ang logic dun? " may bahid pa ng sarcasm na turan niya.
Eh kung batukan ko kaya to?
"Paki mo ba? Maka reklamo ka kala mo naman ikaw ang boss ko! "
"Nag sasabi lang bakit parang galit na galit ka ha? May dalaw ka ba init ng dugo mo sakin ah! " mas lalo ata akong mababanas pag nakipagtalo pa sa gagong to.
"Tangina mo. " mahinang sabi ko pero alam kong narinig niya yun dahil sa sama ng tingin niya sakin.
Hindi na ulit siya nagsalita kahit ng makarating na kami sa airport, tama nga siya nag antay na ang mga kaibigan ko sa departing area.
"Mangangamoy London ka na! " natawa pang sabi ni Haisley .
I just smiled at them. Hinanap ko sa kabilang banda kung nandito ba si Brion para ihatid ang kaibigan niyang si Cohen pero mukhang walang pakealam ata ang isang yun sa kaibigan niya.
Nang tinawag na ang schedule ng flight papuntang London ay mabilisan kaming nagpaalam sa mga kaibigan ko. For the last time I smiled at them kasama sa kanila si Reese na katabi ang kapatid nitong naka busangot.
Isang presidential suite ang kinuha ni Cohen masyado kasing pa importante ang isang to. Wala naman problema dahil siya naman ang nagbayad ng suite namin.
Goodbye Philippines, goodbye Brion....
"You can rest gigisingin na lang kita pag mag tatake off na ang plane " sabi ni Cohen sa tabi ko habang abala sa kanyang selpon. Sino naman kaya ang nilalandi ng bruhong to?!
"Sino nanaman yang katext mo? Kung makangiti ka abot hanggang tenga parang ulol" nakangiwi kong turan.
"Inggit ka lang ikakasal na kasi ang taong minahal mo ng higit isang dekada na! " ay hayop to napaka pasmado ng bibig.
"Sa una lang yan masaya, iiyak ka din sa huling hayop ka! " inis kong wika bago tumalikod sa kanya.
Pinilit kong matulog dahil parang pagod nanaman ang katawan ko, dala siguro sa pagbubuntis kaya parang ang bilis kong mapagod ngayon.
Bigla akong nagising ng maramdaman ko ang pagtapik sa balikat ko. Dahan dahan kong minulat ang mata ko saka sinamaan ng tingin ang nasa tabi ko. Ewan ko ba parang ang init ng dugo ko lagi kay Cohen ngayon.
Sobrang panget niya pa sa paningin ko. Tinaasan ko siya ng kilay ng akmang tatapikin niya nanaman ang balikat ko.
"Nasa airport na tayo ng London madam nahiya naman ako sayo ikaw na nga tong ginising ikaw pa ang badtrip" he said in a sarcastic way.
Tinaasan ko siya ng kilay.
"Sinabi ko bang gisingin mo ako? Ikaw tong presinta ng presinta kanina tapos ngayon Magrereklamo ka! "
"You're welcome Kaelie! " aniya na parang labag pa sa loob niya ang pagsabi nun.
Siya ulit ang nagbuhat ng mga gamit namin papunta sa service na pinadala nila Mommy. I immediately entered the car, hinayaan ko na sila Cohen na mag ayos ng mga gamit namin sa compartment sa likod.
Binuksan ko ang phone ko para tingnan ang mga message na galing sa mga kaibigan ko. I saw Reese message reminding me sa pagbisita niya sakin next week. Si Briana naman ay tips para sa first time magbuntis, and syempre hindi nagpahuli ang tatlo ko pang kaibigan. Haisley ay nagtanong kung maayos ba kaming nakarating sa London kaya agad ko siyang nireplayan, Si Sapphire naman ay nangamusta ng naging biyahe ko at kung nasan na daw kami. Si Brielle lang talaga ang may kakaibang mensahe.
Chantriabri
Hoy Buntis! Engagement party ngayon ng mahal mo!She even sent me a picture of Brion and Titiana na sobrang sweet ng dalawa nang aasar ba ang isang to ?
Kaeliefleurtinsley
Paki hanap ng pakialam ko naiwan ko ata sa pacific ocean.
Kaagad naman siyang nagreply.
Chantriabri
May paalis alis ka pa kasing nalalaman ayan mag sana all ka na lang sa kasal nila.
Mas lalo akong nabadtrip kaya kaagad kong pinatay ang phone ko at tinago iyon sa bag. Pakialam ko naman kung ikakasal na sila? Edi wow.
Mabilis kaming nakarating sa bahay. My parents were excited while waiting for us. Mas lalo ko tuloy silang namiss. It's been years bago ako ulit bumisita sa kanila.
"Baby! Oh goodness! I miss you so bad! " turan ni Mommy habang yakap yakap ako ng mahigpit.
"Mom stop! Naiipit mo ang tummy Ko! " sita ko. Mabilis naman siyang lumayo sakin at pinasadahan ng tingin ang tiyan ko na hindi pa naman malaki.
"Finally! Pinagbigyan mo din kami ng Daddy mo sa hiling namin na magkaroon ng apo! " natutuwang ani Mommy habang pinapalakpak pa ang mga kamay niya.
Niyakap ko din si Dad na naka masid lang samin ni Mommy. I miss my parents! Ilang taon ko na silang di nadadalaw nagkakapag usap naman kami kaso sa phone lang. Iba pa rin ang feeling pag nakasama mo talaga ang pamilya mo.
YOU ARE READING
The Billionaire's Son
RomanceFive years after being rejected by her crush Kaelie Fleur Tinsley work as Secretary under Sloan Chains of Hotel and Restaurants. Being one of a secretary is just a piece of cake for Kaelie but when she learns that she will be working for...