Ang daming niyang sinabi tungkol sa kanilang kasal at tahimik naman kaming nakikinig minsan nakikisali din si Titiana na hanggang ngayon ay naka hawak pa din ang kamay niya sa braso ni boss.
Tangina ng tagal naman matapos ng meeting na to nararamdaman ko na ang pagkahilo ng sobra dahil nagiging dalawa na ang tingin ko sa kanila. Unti unti ng nandidilim ang paningin ko kaya yumuko muna ako at pinikit ang mata saka dumilat ulit.
Pasimple akong siniko ni Briana at tinaasan ng kilay as if asking me kung okay lang ako. Tumango ako sa kanya at pinagpatuloy ang pagsusulat.
"Ahmm... Ms. Tinsley can you get me a glass of water please" mahinhin na turan ni Titiana na hindi naman bumagay sa malandi niyang mukha.
Excuse me?! Secretary ako at hindi waiter pakeo neto.
"I'll be" ani Boss saka tumayo pero nauna na akong nakatayo at lumapit sa water dispenser.
Ramdam ko ang mga titig nila sa likod sayang di ko maduduraan ang tubig ng piste na yun. Pinatay ko na ang water dispenser ng mapuno ang baso. Haharap na sana ako ng bigla na lang dumilim ang paningin ko at kasabay ng pagkawala ng ulirat ko.
"Kaelie!!!! " dinig kong sigaw nila bago ako tuluyang mahimatay.
***
Dahan dahan kong minulat ang mata ko saka tiningnan kung nasang lugar ako. Nasa loob ako ng usang puting silid nakita kong nag uusap sila Brielle sa sofa ng makita nila akong gising ay kaagad silang umupo sa tabi ng kama na hinihigaan ko.
"Kamusta na pakiramdam mo? Nahihilo ka pa ba? " tanong ni Brielle sakin.
"Ayos na ako teka nasan ba ako? "
"Nasa private room ka ni Brion pasalamat ka nasalo ka niya bago ka tuluyang bumagsak sa sahig" sagot ni Haisley na hinahagod ang buhok and it's so relaxing.
Sinalo niya pala ako? Kaya pala walang masakit sa katawan ko dahil hindi naman ako bumagsak sa sahig.
"Let's wait for Briana kung anong results ng test na ginawa niya sayo" ani Brielle .
Tumango lang ako at pinikit ulit ang mata. I feel so drained today para bang tumakbo ako ng napakalayo kaya pagod na pagod ang katawan ko.
"May gusto ka bang kainin Kae? " tanong ni Sapphire na kanina pa tahimik sa paanan ko.
Tumango ako at ngumiti sa kanya ng pagkatamis tamis.
"Gusto ko ng apple at alamang. Sobrang daming apple at alamang Sapphy " sabay sabay silang ngumiwi sa sinabi ko.
" The hell Kaelie kaya ka siguro nahihimatay dahil sa mga kinakain mo! " singhal sakin ni Brielle.
Di ko alam parang bigla na lang sumama ang loob ko sa kanila lalo na kay Brielle. Sinagot ko lang naman ang tanong ni Sapphy. Gustong gusto ko talaga ng Apple at alamang ngayon bakit kailangan niya akong sigawan?
Suminghot ako at pinunasan ang luhang tumulo. Napaamang naman sila dahil sa biglaang pag iyak ko. Sinamaan ko ng tingin sila lalo ni Brielle bago mag talukbong ng kumot.
"Anong nangyari sayong bruha ka bakit bigla ka na lang umiiyak diyan " pilit na hinihila ni Brielle ang kumot pero mas nilakasan ko ang pagkapit dun.
YOU ARE READING
The Billionaire's Son
RomanceFive years after being rejected by her crush Kaelie Fleur Tinsley work as Secretary under Sloan Chains of Hotel and Restaurants. Being one of a secretary is just a piece of cake for Kaelie but when she learns that she will be working for...