"Hoy! Kanina pa kita tinatanong kung pupunta ka ba sa meeting? Kanina pa nag aantay ang mga investors sa conference room" napatingin ako kay Cohen na kanina pa pala nagsasalita hindi ko alam kung ano ang mga pinagsasabi niya lumipad kasi utak ko.
Tumikhim ako. " Yeah I'll attend the meeting " tumayo na ako at inayos ang damit kong nakusot onti.
Nahagip pa ng paningin ko ang picture namin ng anak ko. Five years na pala ang lumipas at wala na rin akong naging balita sa tatay niya masyado akong naging abala sa pag mamanage ng kompanya namin at sa pagpapalaki kay Braxxton buti na lang kasama ko sila Mommy and Daddy sila ang nagbabantay kay Braxxton pag nasa opisina ako.
Limang taon ko na ding nadeactivate ang lahat ng account ko ayaw ko naman na kasing makibalita sa nangyari sa buhay ni Brion lalo na't kasal na ito at baka may sariling pamilya na din. Laking pasasalamat ko dahil hindi pa naman naghahanap si Braxxton ng kanyang ama siguro kuntento na siya kay Cohen na siyang tumayo bilang ama ng anak ko.
Minsan napapaisip akong naabala ko ang relasyon nila Brianna at Cohen dahil sa pagtulong ni Cohen sakin na tumayo bilang ama ng anak ko pero wala daw yun sa kanila dahil pamangkin naman ni Brianna ang anak ko at kaibigan ko naman sila pareho.
Two years ng pamamalagi ko sa London ay bumalik na din si Haisley sa Amsterdam may nangyari kasi sa magulang niya na kinamatay ng mga ito at siya ng umako sa lahat ng resposibilidad na naiwan. Samantalang kilalang Fashion Designer naman na si Sapphy sa Pilipinas minsan ay dumadalaw siya sakin at kay Haisley pag hindi madaming trabaho. Si Brielle naman ay isa na ding model dati siya nakuhang model at ng makita nila na malaki ng tsansa na lumago ang career ni Brielle sa modelling ay pinasok nila ito. Minsan kinukuha niyang designer si Sapphire kaya madalas silang magkita sa Pilipinas.
Wala naman silang nabanggit tungkol sa ama ng anak ko kahit na minsan ay nangangamusta sila samin. Di ko alam kung inaavoid ba nila ang topic na yun o sadyang wala lang silang alam pero impossible dahil parehas lang naman sila na nasa isang bansa.
Magkasabay na kaming pumunta sa conference room ni Cohen. Nagsitayuan naman ang mga tao dun ng makitang pumasok na kaming dalawa. Cohen is one of the chairman of the board while I'm the CEO of our company. Pero sila Mommy minsan ang namamahala dahil ayaw ko naman talaga mamahala sa isang kompanya. I prefer to be a secretary than to be a CEO.
"Let's start the meeting. " ani ko at binuksan ang proposal na nasa harap ko.
Isang Garment Company ang pinamamahalaan ko. Isa sa mga target buyer namin ay ang mga kompanya ng mga hotel and restaurants sa amin sila kumukuha ng mga tela na gagamitin nila sa kanilang hotel. The sale were good simula ng pagtulungan namin ni Cohen ang pamamahala sa kompanya.
Matapos ang meeting ay kaagad akong nagpaalam kay Cohen na uuwi muna sa bahay dahil nangako ako sa anak ko na susunduin ko siya pagkatapos ng klase.
"How's your day baby? "tanong ko sa anak ko ng makalapit siya sakin.
Braxxton smiled at me and showed his arm that has mark in it. "Teacher gave me this Mamma! " he exclaimed happily.
Isa sa pinasasalamat ko ay ang pagmana ni Braxxton sa katalinuhan ng kanyang ama. Limang taon gulang palang siya ay lagi na itong nangunguna sa klase nila.
"Ang galing naman ng anak ko! What price do you want Baby? "
"I want to visit tita Haisley Momma!!! " mukhang nahilig na siya sa palasyo ni Haisley ah! Minsan nga ng dumalaw kami kay Haisley ay umiyak pa ito ng pauwi na kami.
"We will visit her then" sabi ko saka pina andar ang sasakyan namin.
Inuwi ko muna siya sa bahay bago ako bumalik sa trabaho panatag naman ako dahil kasama niya sina Mommy. Sinabi ko na din kay Haisley ang balak naming pagbisita sa kanya. As expected she's excited again ang ayaw ko lang talaga sa pagbisita sa kanya masyadong pormal lahat ng tao kaya naiilang ako.
"Did Brielle invite you? " bungad sakin ni Cohen ng makapasok na ako sa opisina di ko alam anong ginagawa ng isang to dito.
"Saan? "
"Sa upcoming runaway niya she's known model now and very in demand kaya paniguradong dadagsa ang runaway na sasalihan niya next month "
"Wala naman akong na received na invitation so hindi ako pupunta at isa pa wala din naman akong balak pumunta"
Wala pa naman sinasabi si Brielle kaya di ko pa natatanggihan kung sakali man, ayaw ko pang bumalik sa Pilipinas hindi pa ako handa. Ayaw kong ipagdamot ang anak ko pero natatakot din ako na baka kunin njya na lang ang anak ko sakin.
"Bitter ka pa rin hanggang ngayon? "
I just showed him my middle finger. Buset to di na lang magtrabaho para may pakinabang naman siya.
"Magtrabaho ka na nga dun! Nabwibwiset na ako sa mukha mong kay Panget! " umasim naman kaagad ang mukha niya ng marinig ang sinabi ko.
"Ako marinig ko lang pangalan mo sira na buong araw ko! " sikmat niya sakin bago padabog na tumayo sa upuan at lumabas ng opisina.
Maattitude ka gorl??
Pinagpatuloy ko na ulit ang mga naiwang trabaho ko kanina at dahil balak ni Braxxton na magbakasyon kina Haisley kailangan kong tapusin ang mga trabaho ko for next week para di ako matambakan ng mga gawain.
"Ma'am there will be a meeting exactly 3 pm at the conference room " napatingin ako sa secretary kong nakatayo sa pintuan.
"Okay, I'll be there"
Pinagpatuloy ko na lang ang pag - aayos ng mga napirmahan ko ng papeles saka nag check ng mga emails. So Brielle did invite me nga para sa runaway niya.
Kaeliefleurtinsley
Thanks for the invitation! I'll try if I could make it to your runaway! Goodluck. I love you.
After sending my message I went directly to the meeting makikita ko nanaman ang nakakairitang mukha ni cohen the great!
YOU ARE READING
The Billionaire's Son
RomanceFive years after being rejected by her crush Kaelie Fleur Tinsley work as Secretary under Sloan Chains of Hotel and Restaurants. Being one of a secretary is just a piece of cake for Kaelie but when she learns that she will be working for...