Chapter 32

68 2 0
                                    


Nagpaalam na uuwi na ang mga kaibigan ko dahil may mga trabaho pa sila nangako naman sila na dadalaw sila bukas. Pinasalamatan ko din sila sa pag punta nila sa hospital.

"Are you hungry?"tanong sakin ni Brion.

Tumango ako sa kanya "ikaw ba hindi ka pa ba gutom? Sabay na tayong kumain"

"Hey fvcker buy us some food!" utos niya kay Sven kaya biglang sumama ang mukha nito.

"Hoy! Hindi mo ako utusan!" reklamo nito.

"Ako na ang bibili, kayo na muna ang mag bantay kay Braxx" prisinta ko at tumayo na .

Mabilis namang nagtayuan ang mga siraulo sa may couch.

"Hindi na Kaelie kami na ang bibili basta bayaran kami mamaya ng magaling mong boyfriend" sabi ni Rowan.

"Oo nga medyo barat pa naman yan pag dating saming kaibigan niya" gatong pa ni Sven na sinang ayunan ng iba.

"Bumili na kayo dun ang dami niyo pang sinasabi" galit na turan ni Brion sa mga kaibigan niya.

"Aba nag uutos ka na nga lang galit pa ang gago" si Cohen naman ang nag reklamo.

Tanging si Knoxx lang ang wala dito dahil siya ang naghatid sa mga kaibigan ko.

Bumalik ako sa tabi ni Brion at hinawakan muli ang kamay ng anak namin. Hindi pa nagigising si Braxx baka daw ilang araw pa bago ito magising.

"I want to meet your parents baby" sabi niya habang naglalambing na yumakap sakin.

"Nasa london sila ngayon gusto nga nilang umuwi ng pilipinas pero hindi ko na sila pinapunta dahil ayos na si Braxx"

Naramdaman ko ang mainit niyang hininga sa bandang leeg ko. Medyo nakikiliti ako pero hinayaan ko lang siya sa ganung position.

"How about let's invite them on Braxx birthday?"

Napabuntong hininga ako "tapos na ang birthday niya"

"What? Kelan ba birthday niya?"

"July 28" maikling sagot ko.

Hindi na siya sumagot at nanatili na lang sa may leeg ko.

"Andito na ang pagkain niyo !" Inilapag ni Sven ang pagkain sa lamesa sa gilid

"Ayan kumain muna kayo bago maglandian respeto naman saming single" ani Rowan na masama ang mukhang nakatingin samin.

"Respeto sa kanilang dalawa sila lang naman ang single e, pero Kaelie hindi ka mabubusog diyan sa kaibigan namin kaya kumain ka na " sabi ni Cohen.

"Si Rowan lang ang single hindi ako" tanggi ni Sven kahit wala naman sila ni Haisley.

Kumunot ang noo ko sa kanya "Bakit nagbalikan na ba kayo ni Haisley?" takang tanong ko pero parang naging sarcastic ang dating.

Sumama ang mukha niya lalo dahil sa sinabi ko " Grabe ka naman Kaelie parang ayaw mo naman ako para sa kaibigan mo "

"I don't mean to be sarcastic gusto ko pang talaga malaman kung kayo na ulit ng kaibigan ko"

"Hindi, ayaw kong malagay ulit sa panganib ang pangalan at trono niya dahil sakin. People in Amsterdam expected her to have a royal partner kaya ayaw kong ipilit na ilagay sa panganib si Haisley "seryoso niyang sabi.

May serious side pala tong si Sven lagi kasing puro kalokohan ang sinasabi kaya akala ko maloko siya talaga.

"Hindi lang dapat isa ang lumalaban para mag work ang isang relationship. Si Haisley pinapatunayan niya na hindi niya kailangan ng royal partner para maging magaling na leader ng bansa nila"

Tahimik sila habang nakikinig sa sinasabi ko kahit si Brion ay parang interesado din sa sinasabi ko.

"In order for that relationship to work both parties must have the same goal to fight for their feelings to each other. And please know that masyadong naapektuhan si Haisley dahil sa nangyari sa inyo "

Naguguluhang tumingin sakin si Sven
"What do you mean?"

"She's not fine simula nung bumalik siya sa Amsterdam masyado siyang na pre pressure ng tao sa bansa nila. They are forcing her to marry for the betterment of their country "sagot ko sa kanya.

"Anong connect nun sa pagpapakasal niya?" kahit si Rowan ay naguguluhan na din.

Napabuntong hininga ako sa kanila "Para daw maging mas magandang leader si Haisley ay kailangan niya ng husband para may katulong siya sa pamumuno sa bansa"

"Their mindset sucks" turan ni Sven.

"That's how royal family think" kahit ako nalungkot din sa nangyayari kay Haisley.

"Huwag mong sabihin sa  kanya lahat ng sinabi ko sayo for sure magagalit yun" sabi ko at kaagad naman siyang tumango.

"Let's eat" inilatag ni Brion ang pagkain sa lamesa .

Inaya ko na din sa sumabay sila samin ni Brion. Tumutol pa si Brion pero bandang huli ay wala din naman siyang magawa ng sinamaan ko siya ng tingin.

“Tama na ang paglalagay ng pagkain sa plato ko” pigil ko kay Brion dahil panay ang pag lagay niya ng pagkain sa plato ko.

"You looks hungry kaya kumain ka pa busog na ako " sabi niya at patuloy na dinadagdagan ang pagkain ko.

"Respeto naman samin parang inaya niyo lang kami na sumabay para inggitin kami" nag da-dramang sabi ni Rowan.

"Shut up fvcker" masamang tingin ang binigay ni Brion sa kaibigan.

Kaagad ko naman siyang sinaway lagi na lang niya minumura ang kaibigan niya. Ang masama niyang ay biglang lumambot ng lumingon siya sakin.

"Girlfriend mo ba talaga to? Parang sobrang bait niya para sayo" nang aasar na sabi ni Sven

Gusto kong tampalin ang noo ko dahil sa kanila.

"Mukha lang yan mabait pero masama din ugali niyan" mabilis kong nilingon si Cohen dahil sa sinabi niya.

"Mas masama ugali mo gago!" inis kong sabi at binatukan ko pa siya ng malakas.

"Napaka amazona mo talaga ! Tingnan mo yan ba ang mabait? Bagay kamo sila ni Brion parehas masama ang ugali " inis niyang turan

Papatulan ko pa sana siya pero mabilis akong pinigilan ni Brion.

"Don't mind that fvcker" aniya.

Sila na ang nagligpit ng pinag kainan namin. Nagpaalam na din sila na uuwi na at babalik na lang bukas. Pinasalamatan ko sila at hinatid sa pintuan parang walang pake kasi ang kaibigan nila sa kanila.

"Salamat ulit at mag ingat kayo sa pag uwi" sabi ko sa kanila.

"Sige ingat din kayo dito" sabi ni Rowan

"Thank You sa sinabi mo kanina. Hindi man tayo ganun ka close pero salamat sa advice mo " nakangiti na sabi ni Sven.

"Wala yun gusto ko din maging masaya ang kaibigan ko" ngumiti ako sa kanya.

"Tama na yan baka maaga kang manghiram ng mukha sa aso pag nag usap pa kayo ng matagal" sabi ni Cohen at tinuro pa si Brion na masama nga ang tingin sa kaibigan.

Nang tuluyan na silang umalis ay sinarado ko na ang pinto at bumalik sa bed na nasa tabi ni Braxx. Dito kami matutulog ni Brion dahil walang   magbabantay sa anak namin.

"Matulog ka na ako na muna ang mag babantay kay Braxx" sabi ko sa kanya.

"No,  you should sleep now. I'll be the one who will watch our son" pag tutol niya sa sinabi ko.

"Hindi ka pa ba pagod?" tanong ko sa kanya.

"Kaya ko pa naman mag bantay" umupo pa siya sa kama

"Okay gisingin mo na lang ako pag ikaw na ang tutulog" sabi ko sa kanya.

Lumapit pa ako sa kanya at hinalikan siya sa labi. Kaagad siyang tumugon sa halik ko. Hinawakan niya ang panga ko para i angle ang mukha ko para mas lalo akong mahalikan niya ako ng maayos.

"That's all for now" nahihirapan niyang sabi.

"Goodnight I love you" inaantok kong sabi at tuluyan ng natulog.

The Billionaire's SonWhere stories live. Discover now