I decided to buy Bags for Tita mahilig kasi itong mamili ng bag at ginagawang collection. Bumili na din ako ng groceries namin ng anak ko para sa isang buwan.
May ilang damit na din akong binili para sa susuotin namin ni Braxx sa birthday ng lola niya. Di ko alam kung dapat ba akong kabahan dahil nagkita na silang mag ama o maging masaya dahil kahit papaano ay nagkita na din sila. Pero panu ang asawa't anak niya? Ayaw kong makasira ng pamilya pero ayaw ko ding walang ama ang anak ko. Ayos naman sakin na magkakilala sila kahit sa anak ko na lang siya bumawi para sa limang taon nilang di sila nagsama.
I don't intend to hide my son from Brion, ayaw ko lang talaga manggulo dahil ikakasal na siya noon at ayaw kong magkagulo ng dahil sakin. Are they still married until now?
Teka ano bang paki ko kung kasal pa din sila? Pinilig ko ang ulo ko at nagpatuloy sa pamimili ngunit napatigil din ako ng tumunog ang phone kong nasa bulsa ko.
Unknown mumber??
"Hello? " sabi ko ng tanggapin ang tawag.
" I need you in my office now! " halos mabitawan ko ang phone ko dahil sa boses na iyon.
Where did he get my number?!
"At bakit? Hindi mo na ako secretary kaya pwede ba B-brion tigilan mo ako! " punyetang dila to nautal pa!
"Stay where you are! I'm going to pick you up" sabi niya bago ako babaan ng tawag. Di naman siya bastos no?
Tinawagan ko na din si Brianna pero out of coverage area ito. Buset na babae yun saan naman kaya nagpunta yun? Inis na nilapag ko ang mga gamit sa paanan ko at nag antay na makalapit sakin si Brion na malalaking hakbang ang ginagawa para makalapit sakin.
"Done shopping? " kaagad na tanong niya nang makalapit.
Tumango lang ako at saka dinampot ang mga pinamili ko pero kaagad iyon binawi ng bruhong katabi ko.
"I'll be, lead the way " ani niya kaya nauna na akong naglakad papuntang counter. Medyo marami pang tao kaya natagalan kami ng onti.
"Ms. Pang ilang ulit mo na ba ginagawa yan? May trabaho din ako hindi lang pagmamall ang gagawin ko mgayong araw" naiinis ko ng turan sa Cashier na kanina pa inuulit ang trabaho dahil pamali mali ito.
"S-sorry po Ma'am " nakayuko niyang turan nahiya siguro dahil sinita well dapat naman talaga siyang mahiya sinasabay niya ang paglalandi sa trabaho pamali mali.
"It's okay Kae" hinawakan niya pa ang braso ko at pinisil iyon ng bahagya para bang pinapakalma ako.
Tinabig ko ang kamay niya. Ano siya feeling close? Inabot ko ang card ko para mabayaran na ang pinamili dahil naiinis na ako sa mga babae dito daig pa ang hinuhubaran si Brion sa pagtingin nila.
Nauna siyang naglakad papuntang sasakyan saka nilagay ang mga gamit sa compartment. Ano kaya nakain nito at bakit bumait?
"What are you waiting for? Get in! " tila naiinis niyang sabi.
Bakit naiinis ka? Wala naman akong sinabing sunduin niya ako! Sinamaan niya ulit akong ng tingin kaya naman napilitan na akong pumasok sa loob baka kaladkarin pa ako ng isang to.
Tahimik ang buong biyahe namin pero binasag din iyon ni Brion. At nagtanong tungkol sa anak ko. Namin.
"Are you pregnant before leaving the country? " aba marites tong isang to ah!
YOU ARE READING
The Billionaire's Son
RomanceFive years after being rejected by her crush Kaelie Fleur Tinsley work as Secretary under Sloan Chains of Hotel and Restaurants. Being one of a secretary is just a piece of cake for Kaelie but when she learns that she will be working for...