Chapter 16

69 3 0
                                    


Nagulat ako ng makita si Reese na naka upo din sa conference room. Kumaway pa ito ng makita akong pumasok. Palihim ko siyang inirapan kaya napahagikhik ito.

Nagsimula kaagad ang meeting ng makaupo ako.

"One of the known hotels owner in the Philippines will be investing in our company" imporma ng mga nag prepresent.

"Have you gave them the contract in case they want to review it before having meeting " saad ko


Tumango naman ang nagprepresent bago nagpatuloy sa pag explain ng bagong design ng product na ipapadala namin sa market for samples.

"Are you free? Let's have our lunch together " ani Reese ng matapos ang meeting.



"Okay basta libre mo"

"Sa yaman mong yan magpapalibre ka pa sakin?! "

"Excuse me?! I'm not rich! May pera ako pero di ako mayaman! At isa pa wag kang mag aya ng lunch kung hindi libre! "

Inirapan ko siya bago pumasok sa elevator, kaagad naman siyang sumunod sakin saka ko pinundot ang ground floor.

Sa sasakyan niya na kami sumukay papuntang restaurant siya na din ang pumili kung saan kami kakain. Isang high end restaurant ang pinasukan namin kaya napabaling ako sa katabi kong abala sa pagtingin sa menu.


"Hoy! Seryoso ka bang dito tayo kakain? Baka mamulubi ka pagkatapos natin kumain"


Napalabi siya bago binaba ang menu na kanina niya pa binabasa. Sobrang mahal naman kasi ng pagkain dito, oo may pera ako pero di ko sasayangin ang pera ko sa gantong kamahal na pagkain kung pwede naman ako sa simpleng pagkain lang basta may laman ang tiyan.


"I won't be poor after eating here Kae.... At isa pa may tinitingnan din ako kaya dito ko gustong kumain"


Tinitingnan?

"Sino nanaman yang business mo? Akala ko ba head over heels ka dun sa kuya mo? " dati pa naman ay halata na sa kanya na patay na patay siya sa Kuya niya.


"He left already Kae. It's been 1 year na and we don't have any news about him" may bahid ng lungkot sng boses nito


Kahit siguro ako kung may kuya kong ganun ka sweet at crush ko din malamang sa malamang malulungkot din ako. Nung na reject pa nga lang ako grabe na ako magdrama yung makasama mo pa kaya sa isang bahay ang taong gusto mo doble sakit nun.


"Umalis siya? "

She nodded.

"Saan naman siya pupunta? At diba siya din ng nag mamanage ng kompanya niyo? "

"I'm managing it since the day he left. But someone inform me that he always have his lunch at this fancy restaurant "


Ah! Kaya pala handa siyang gumastos makita lang ang lalaking yun. Hopeless romantic na din ata tong si Reese siya ata magmamana ng katangahan ko sa pag ibig.


Once our order was served ay kaagad namin nilantakan iyon. Masarap naman ang pagkain nila kaya hindi lugi si Reese sa pagbabayad.


"Oh my god! "


Napatingin ako sa kaharap ko dahil bigla na lang nitong binitawan ang kutsara at tinidor na hawak niya. At natulala sa kung saan. Sinundan ko ang tingin niya at nakita ko ang lalaki na kakapasok lang na may kasamang maganda at sopistikadang babae.


Ouch!


Arat shot puno!


"Girlfriend huh?! " nakita ko pa ang namamasang mata ni Reese bago siya yumuko at pinagpatuloy ang pagkain.


Nawalan tuloy ako ng gana dahil sa umiiyak ang nasa harap ko.



"Okay ka lang ba Reese? Kung gusto sa bahay ka uminom mamaya para naman diyan broken heart mo"




Sinamaan niya ako ng tingin. Aba ako na nga tong nag mamagandang loob siya pa tong galit.



"I'm not broken! I just missed my kuya, he was always there when I needed someone to lean on kaya hirap pa din akong mag adjust kahit isang taon na siyang wala samin" turan niya habang nakatingin sa kabilang table kung nasaan ang kuya niya at ng babae nitong kasama.





"Tanga kaibigan mo kami Reese kung may problema pwede mo din kaming lapitan, hindi lang si Ridge ang handang makinig sayo Reese kami ding mga kaibigan mo ay handang pakinggan lahat ng hinaing mo sa buhay. "




"Nasanay lang ata ako kay kuya laging nag oopen up ng problems"




"Teka bakit ba siya umalis sa inyo? "




"He found his real parents a year ago and dun na siya sumama"




Holy shit! So hindi talaga sila magkapatid?!





"Hindi pala talaga kayo magkapatid! "




Tumango siya




"So pwede naman pala kayo at hindi kayo incest dahil di naman kayo Magkadugo" kaagad naman umasim ang mukha niya dahil sa sinabi ko.




"Seriously Kae? Look at them oh! They're very sweet snd they looks good with each other! "





"Sus they looks good ka pang nalalaman pero sa loob loob mo pinapatay mo na ang babae! " ani ko na mas kinairita niya.





"Bilisan mo na nga diyan dun ka na sa bahay mag emote nag aantay pa ang anak ko"






Tinapos niya lang ang pagkain niya at dumiretso kami sa bahay. Dito daw muna siya mag stay habang nasa London pa siya mas nalilibang kasi sng bruha dahil may kakulitan siya dito





"Momma!!!! " kaagad na tumakbo papunta sakin ang anak ko at yumakap. "I miss you Momma"





"I miss you too baby, how's your day baby? "







Kumalas ito sa pagkakayakap sakin saka nag kwento kung anong nangyari sa buong araw niya. Sana wag ka munang lumalaki anak.




"Bakit ka naman napa away? Diba sabi ko sayo bad yun? "





Nag iwas siya ng tingin bago yumuko.
Maya maya lang ay narinig ko ang mahinang hikbi mula sa anak ko.






"S-sorry Momma sinasabihan kasi nila akong wala daw akong Papa dahil di niya tayo mahal kaya hanggang ngayon hindi pa nagpapakita si Papa kasi may ibang mahal na daw siya kaya nakipag away po ako"





First time kong marinig na nakipag away siya simula ng mag aral na ang anak ko lagi kasing magagandang comment ang naririnig ko mula sa kanyang mga guro.






"Momma hindi ba talaga tayo love ni Papa kaya hindi siya nauwi satin? "
Basang basa pa din ang pisnge niya ng mga luha.







"Of course not baby mahal na mahal ka ni Papa, do you want to meet Papa na ba? " gusto kong ipagdamot ang anak ko pero kung ganto lang din naman ang nangyayari na napapa away siya dahil wala siyang Papa mas mabuti sigurong ipakilala na siya sa ama niya.






Pero panu kunh di siya tanggapin ng ama niya at ng asawa nito baka mas lalong masaktan ang anak ko kung ganun. I want to be selfish gusto kong ipagdamot sa kanya ang anak ko pero di ko kayang makita ang anak ko na umiiyak.






"Can I meet him na po ba? Hindi po ba siya busy? " tumango ako sa kanya.




"Can you wait a little more baby? Momma will contact Papa so that you can meet him okay? "




"Okay Momma !!!! I love you Momma " masayang sabi niya bago paulanan ng halik ang buong mukha ko.





"I love you more baby "

The Billionaire's SonWhere stories live. Discover now