Chapter 28

60 2 0
                                    


Nakarating agad kami sa school ni Braxx. Pinag antay ko na lang si Brion sa sasakyan dahil mabilis lang naman ang gagawin kong pagsundo sa anak ko.

"No, let me go with you" matigas niyang sabi.

Napabuntong hininga ako sa sobrang kulit ng isang to.

" Mabilis lang ako dito ka na mag antay" sabi ko at lumabas na sa sasakyan niya.

Alam ko naman na hindi papatalo si Brion kaya maya maya lang ay naramdaman ko na siya sa gilid ko.

"Hindi ka talaga papatalo no? " inismiran ko siya at nagpatuloy na sa pagpasok ng school.

"Good afternoon Ma'am/Sir sino po ang susunduin?" nakangiting tanong ni Manong guard.

"Si Braxxton Tinsley po Manong" sagot ko.

Hinanap ni Manong sa record ang pangalan ni Braxx at pinapirma ako.
Kaagad naman akong pumirma at pumasok na sa school para puntahan ang anak ko.

"So hindi gamit  ni Braxx ang surename ng tatay niya" he asked suddenly.

Huminto ako at hinarap ko siya " Hindi niya nga alam na may anak kami diba? "

"Bakit pag ikaw ba nagka anak at hindi alam ng lalaki, gagamitin niya pa rin ba ang apelyido ng gagong yun?" tanong ko sa kanya.

"Well I'll tell him, He have the right to know his child and if he doesn't accept him then he's an asshole " seryoso niyang sabi at tumatango pa.

Napa isip ako sa sinabi niya. Tama siya may karapatan siya sa anak namin.

"Alam niya na ba na may anak kayo? "  Biglang tanong niya.

Umiling ako habang nakatingin sa malayo. Gusto ko naman talaga sabihin sa kanya pero wala lang talaga ako lakas ng loob.

"You should tell him now Kaelie. Ayaw kong mangi alam sa desisyon mo dahil anak mo si Braxx pero nakikita ko sa mukha ni Braxx na gusto niya na talaga makasama ang ama niya"  bahagya niya akong tinapik sa balikat.

"You can do it Kaelie, matapang ka at independent na tao. Nakaya mo ngang palakihin ang anak mo na walang hinihinging tulong sa tatay niya,  ngayon pa kayang sasabihin mo lang sa kanya na may anak kayo" dagdag pa niya.

Humarap ako sa kanya at pinaka titigan siya ng mabuti.

"Alam mo? Minsan may sense din pala ang lumalabas sa bibig mo no?" panunuya kong sabi.

"What the hell Kaelie?" hindi maka paniwala niyang sabi.

"Hayy.. bilisan mo na nag aantay na si Braxx satin" hinila ko pa siya dahil ayaw niya talagang umalis sa kinakatayuan namin.

Kaagad namin nakita si Braxx na nakaupo sa may ilalim ng puno sa gitna ng school. Dito lagi nag aantay si Braxx pag susunduin ko na siya.

Nilapitan namin agad siya at malaking ngiti agad ang binigay niya samin. Humalik siya sa pisngi ko at mahigpit akong niyakap.

"How's your day baby?" tanong ko sa kanya at pinunasan ang mga pawis niya sa sa noo.

"Okay lang po Momma! Sabi ng teacher ko ang very good ko daw kasi po na perfect ko ang exam niya!" nagmamalaki nitong sabi.

"Wow ang galing naman ng anak ko! Anong gusto mong prize anak?"

"Hmm.. wala po Momma basta po isama niyo lang po ako sa work niyo. I want to play with tito Brion po"

"Pero may work ang tito Brion mo anak "

"It's okay Kae, natutuwa din naman ako pag nandun si Braxx" si Brion at ginulo pa ang buhok ni Braxx.

"O sige isasama kita sa work ni Momma pero promise me na hindi ka magkukulit dun okay?"

Mabilis naman itong tumango sakin at hinalikan nanaman ako sa pisngi. Wag ka agad lumaki anak malulungkot ako pag lumaki ka ng mabilis.

"Let's go may meeting pa ang Tito Brion mo anak " kinuha ko ang bag niya at ako na nagdala nun.

Binuhat naman ni Brion ang anak namin. Palihim ko silang kinuhanan ng picture. I will treasure this photo masaya ang anak ko sa picture na yun habang kausap niya si Brion.

Bumalik kami sa company at dumaan muna ako sa restaurant ng kompanya para bilhan ng pagkain ang anak ko. Bumili na rin ako ng merienda namin ni boss.

"Ito kumain ka muna anak" nilatag ko sa lamesa niya ang pagkain.

Bumili na din si Brion ng maliit lamesa para daw may sariling table din si Braxx pag nasa opisina niya. Binigay ko din ang merienda na binili ko para kay Brion.

"Thanks" maikling turan niya at ngumiti pa bago bumalik sa pagbabasa ng mga report.

Bumalik ako sa upuan ko at pinagpatuloy  sa trabaho pero maya maya lang ay naka ramdam ako ng antok. Maganda naman tulog ko kagabi ah bakit ako inaantok ngayon?

Uminom ako ng kape na binili ko kanina kasama ng merienda na binili ko. Medyo naibsan ang antok ko ng maka inom na ako ng kape.

Nag paalam si Brion na pupunta daw muna siya sa meeting nagsabi na lang ako na susunod ako mamaya pagkatapos kong ligpitin ang pinag kainan  ng anak ko.

"Where are you going Momma?" Braxx  suddenly asked

"I'm going to attend the meeting with your Tito Brion so stay here and play with your toys for now"  ani ko habang nililigpit ang pinagkainan niya.

Tumango lang siya at may kinuha sa bag niya. inilapag niya yun s lamesa at nagsimulang mag drawing sa kanyang notebook.

Tiningnan ko ulit ng huling beses si Braxx bago tuluyan ng lumabas ng opisina. May nakasalubong pa akong empleyado na nagtanong pa tungkol sa project na pinapirmahan nila kay Brion.

"Wala pang binibigay si Boss, I'll ask him later and I'll follow it up" turan ko bago pumasok sa conference room.

Nagsisimula na ang meeting nang makapasok ako. Kaagad akong umupo sa tabi ni boss na lagi ko namang pwesto. Tiningnan naman ako ni Brion at bahagya pa itong ngumiti.

Luh? Anong trip ng isang to.

"The construction will starts before this year ends. We contacted Mr. Knoxx Thatcher to be the head engineer with this upcoming project of our company" sabi ng nag pre present sa unahan.

"Knoxx Thatcher? siya yung asawa ni Brielle diba?" pabulong kong tanong kay Brion.

"Yeah, why do you ask?" masamang tingin ang binigay niya sakin habang tinatanong ako pabalik.

"Nagtanong lang high blood agad pumutok sana litid mo!"

"What the hell ? Nagtatanong lang din ako bakit parang pikon ka?" usisa niya.

"Sinong hindi mapipikon diyan sa mukha mo? Lagi na lang galit kahit maliit na bagay!" ani ko.

Di ko alam pero naiinis ako sa mukha niya ngayon. Para bang napaka pangit niya at naiirita ako pag tinitingnan siya lalo na pag naka kunot ang noo niya.

"I'm not mad Kae! Nagtatanong lang ako sayo and you look defensive though "

"Ahm.. Mr. Sloan are you still with us?" biglang tanong ng nag sasalita sa harap.

Parehas kaming napa tikhim ni Brion at umayos ng upo. Medyo nailang pa ako dahil lahat sila nakatingin sakin.

"Y-yeah please continue " turan ni Brion

"We're done with our presentation sir "

Pfft.... Hindi ko napigilan ang bahagyang pagtawa ko sa sinabi ng nasa harapan. Sinamaan naman ako ng nasa tabi.

"Okay meeting adjourned" sabi ni Brion at nagmamadaling umalis ng conference room.

Umiling naman ang ibang tao sa loob habang sinusundan ng tingin amg boss naming nagmamadaling umalis. Siraulo talaga.

The Billionaire's SonWhere stories live. Discover now