Chapter 23:Heartbreak
"ART! Wait up!"
Hindi ko pinansin ang pagtawag sa akin ni Shin at mabilis na naglakad ako patungong exit ng hospital.
Magsisinungaling ako kung sasabihin kong hindi ako nasaktan. Na okay lang 'tong sakit na 'to. Na wala lang ito sa akin. Na kahit mamamatay man ako pero hindi, eh...
Parang pinipiga ang puso ko. Parang nayayanig ang mundo ko. Sobrang sakit na to the point na mapapamura ka na lang sa mundo.
Magagalit ka sa KANYA. Na sa lahat ng taong nabubuhay sa mundo ay bakit ako pa? Bakit ako pa ang magkaroon ng sakit na 'to? Bakit ako pa ang makakaranas nito?
Ang unfair, 'no? Ang unfair ni God sa atin.
"Art..." basag na 'yong boses ni Shin nang sambitin niya ang pangalan ko.
"Shin, I want to be alone, please," mahinang sabi ko at hindi ko na siya narinig na sumusunod sa akin.
Naglakad lang ako sa gilid ng kalsada. Naiwan sa parking ng hospital ang sasakyan ko pero hinayaan ko na lang 'yon. Marunong mag-drive si Shin at alam kong gagamitin din niya ang kotse ko.
Iyong mga luha ko ay malaya nang naglandas sa pisngi ko. Ang hirap. Ang hirap huminga, para akong kakapusin. Ang sakit, ang sakit.
Nakakuyom na ang kamay ko na hawak-hawak ko pa rin ang dibdib ko.
Pero wala lang ang sakit na ito, kumpara sa sugat na nasa puso ko. Wala, 'di ba? Pero bakit sobrang sakit pa rin?
M-Marami akong pangarap. Marami. Gusto ko pang magpatayo kami ni Shin ng cafe or restaurant. G-Gusto ko pang maka-graduate sa college. Gusto ko pang maranasan ang lahat ng nais ko pang gawin.
Si daddy-lo, gusto ko pa siyang makasama. Si Lervin, alam kong hindi niya ako mahal. Pero gusto ko rin siyang makasama kahit imposible na.
Napahinto ako sa kalagitnaan nang paglalakad ko at napatingala ako.
"Bakit ang unfair mo sa akin?" pagkakausap ko sa langit.
"P-Pinagkaitan mo na ako ng magulang, h-hindi ko nakasama ng matagal sina mommy at daddy. H-Hindi ko naramdaman ang pagmamahal nila, a-ang pag-aalaga sa akin. Pero bakit binigay niyo 'to sa akin?! Sa dami-rami pa ng tao sa mundo ay bakit ako pa?!" Hindi ko na napigilan at napasigaw na ako.
May mga tao sa ang dumaraan lang at napapalingon sa akin pero wala akong pakialam doon.
Hinayaan ko sila sa kung ano man ang sasabihin nila sa akin. Wala na akong pakialam. G-Gusto ko lang 'to ilabas, gusto kong ilabas ang sama ng loob ko.
"Mayroon ka ba talaga? Totoo ka ba?" tanong ko sa kawalan at humina na ang boses ko. Pero pinilit ko pa rin na huwag kumawala ang hikbi ko.
Iyong maaliwalas na kalangitan ay biglang dumilim. Natakpan na ito ng itim na ulap at ilang segundo na lang ay bubuhos na ang ulan.
Hanggang sa umambon na 'to. Maraming tumakbo upang sumilong. Natataranta pa sila sa paghahanap ng masisilungan. Pero hindi ako, hindi ako sumilong. Sa halip ay sumalampak ako sa gilid ng kalsada.
Hanggang sa lumakas 'yong ulan. Hindi ako nagpatinag. At hindi ko na tinago pa iyong hikbi ko. Umiyak na lang ako nang umiyak. Wala na akong pakialam kung sabihan nila akong baliw.
Kung sana maging baliw na lang ako ay okay lang. Ayos lang, para naman makalimutan ko na ang sarili ko. M-Makalimutan ko na ang sakit na 'to. Lahat, sana makalimutan ko na lang.
Hapon na kaya medyo malamig na talaga, lalo pa na umuulan. Pero para akong manhid na hindi nagpapatinag sa ulan. Sa mga haka-haka ng mga taong nakakakita sa akin.
BINABASA MO ANG
Gloom Series 1:Someday, I'll Be Gone (COMPLETED)
RomanceTRIGGER WARNING & SUICIDE. READ AT YOUR OWN RISK. Genre: Romance & Drama Arthea Primero is a happy-go-lucky, she just loved her husband who paid more attention to other woman than her. In their marriage, her husband did nothing good. But unfortunate...