CHAPTER 31

27.7K 290 21
                                    

Chapter 31:Team Art's

I WOKE up one morning, I was on the white room. Sa amoy at hitsura pa lang ay alam kong nasa loob na ako ng hospital.

“Gising ka na pala.” It's Jai.

He walked towards me while his both hands are on his pocket. Sumunod na pumasok sa loob ng silid ko ay si Cervin and behind him, it was Kier.

“Man, kailangan mo na yatang humiram sa mukha ng aso,” natatawang sabi ni Cervin.

Imbis na maawa siya kalagayan ko ay kaligayahan naman pala niya ang hitsura ko ngayon. Gago talaga.

“Tamang-tama at may aso ako, bud.” Si Jai naman ang nagsalita.

Mahinang napapamura na lang ako at parang ngayon lang. Ngayon ko lang naramdaman ang sakit ng buong katawan ko.

Halos hindi ko na nga maimulat pa ang mga mata ko at ang hapdi ng pisngi ko at pati ang gilid ng labi ko.

“Mabuti at hindi ka nila pinatay.” Boses ‘yon ni Kier.

“Fvck, my fvcking eyes!” malutong na mura ko at dinig na rinig ko pa ang halakhak ng mga kaibigan kong gago.

“Pasalamat ka, bud ‘yan lang ang nakuha mo at hindi ka nabalian ng buto.”

“You deserved it, anyway,” ani Cervin at tinapik-tapik pa niya ang balikat ko. Mabilis na tinabig ko ang kamay niya at muli siyang tumawa na ikinainis ko lang lalo.

And speaking of, Art. Babangon na sana ako pero muli akong napamura nang kumirot ang kaliwang pala-pulsuhan ko. My IV, oh shit!

“Relax, man. Hindi ka puwedeng umalis. Kailangan mo pang magpahinga,” ani Jai.

Ngayon ay nasa gilid ko na silang nakatayo. Naka-doctor’s robe pa sila at nainis ako nang makita ko ang ngising nakapaskil sa mga labi nila.

Bumukas ang pintuan at pumasok doon ang panibagong doctor. “Oh, my patient is already awake, now.”

Dr. Taki O Cheng, isa sa mga mahuhusay na doctor namin. Hindi kami malapit sa isa’t isa at civil lang naman ang pakikitungo namin. Pero kaibigan siya ni Kier kaya naging kaibigan ko na rin ang isang ‘yan. Ang half Chinese.

“Seriously? Siya ang doctor ko na hindi ko naman gaano ka-close?” hindi makapaniwalang tanong ko sa tatlo kong kaibigan at nagkibit-balikat lang sila. Not that I complained.

“That hurts, dude. I’m one of your friend but you acted like I am nothing to you. Pasalamat ka na lang at nakita kitang nakahiga sa damuhan at walang malay,” madamdamin niyang saad.

“What? Nawalan ako nang malay? And where’s my wife,” sunud-sunod kong tanong sa kanya.

“Correction dude, ex-wife. Your ex-wife,” nakangising sabi niya at pinukulan ko siya nang masamang tingin.

“I haven’t sign the goddamn paper!” I shouted.

Oh, damn it! I already signed it!

“Where is she? She needs me...” I said at hayon na naman ang pagkirot sa puso ko.

“Eh?” sabay-sabay na sambit nilang apat at ngayon nasa tabi na nila si Taki.

Nasa bandang balikat kong nakatayo si Cervin. Tapos si Jai ang sumunod kay Cervin at si Kier na katabi na ni Taki. Nasa gilid lang silang apat at ang akala mo ay isa silang Diyos na nakatingin sa akin. Fvcking shit. Nakakairita ang mga pagmumukha nila.

“I need to see her, bud...” mahinang sabi ko at umiling-iling lang sila.

“Now you know the feeling nang iniiwan at pinagtatabuyan?” nakataas na kilay na tanong ni Kier sa akin.

Gloom Series 1:Someday, I'll Be Gone (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon