Chapter 51:Lervin's tears
"OH, G-God...my baby..."
"Lervin..."
Nagulat ako nang bigla akong yakapin ni Lervin. Sa sobrang higpit nito ay parang ayaw na niya akong pakawalan pa.
Yumugyog ang balikat niya at sinubsob pa ang mukha niya sa leeg ko.
Natatawang niyakap ko na lang siya sa pabalik at tinapik-tapik ang likod niya.
Akala ko simpleng iyak lang ang gagawin niya pero maya-maya lang ay nangibabaw na ang boses niya sa buong silid.
Humagulgol siya na parang bata. Iyong parang iniwan siya ng mama niya at ngayon nahanap na niya ay saka siya umiyak nang malakas.
Napatingin ako sa ibang kasamahan namin dito at hindi ko mapigilan ang mapangiti.
Nandito sina...Dr. Kier, Dr. Taki, Dr. Cervin, Dr. Jaiciel, at si Dra. Even. Hindi ko kilala ang isa pang doctor pero kamukha ito ni Dr. Cervin.
Nandito rin ang kaibigan ko na sina Crimson, Drimson, Hillarus at...nasaan si Shin?
Nababasa sa mukha nila ang labis na kasiyahan at nangingilid na rin ang mga luha nila.
Iyong mga kaibigan ko ay gustung-gusto nang lumapit sa akin. Pero hindi sila makalapit dahil nakayap pa sa akin si Lervin.
Halatang-halatang namiss nila ako! Nakakatuwa.
"Baby..."
"T-Tahan na...bakit ka ba umiiyak?" natatawang tanong ko sa kanya pero hindi naman siya sumasagot dahil patuloy pa rin siya sa pag-iyak.
"I-I thought..." Hindi niya matapus-tapos ang sasabihin niya sana kasi hindi na maawat ang pag-iyak niya.
"Haya po, iyak Daddy," the little girl said at nakatakip pa ang maliliit niyang kamay sa bibig niya. Napatawa ako.
"Y-You're awake, now baby..."
"Tahan na..." pag-aalo ko sa kanya pero hindi pa rin siya tumitigil sa kakaiyak.
Ramdam ko 'yong pamamasa ng damit ko sa balikat ko dahil sa mga luha niya. Halos hindi na nga ako makahinga dahil sa higpit nang yakap niya sa akin.
"I m-miss you baby...I really, really miss y-you..."
"Oo na, namiss din kita. Stop crying na, big baby..." sabi ko at narinig ko na ang pagtawa ng kasama namin.
"Siya talaga iyong nangulilala sa 'yo, Art," natatawang sabi ni Dr. Taki.
"Tinakot mo siya, tinakot mo kaming lahat," naiiyak na sabi ni Dra. Even, bagamat nakangiti.
"B-Baby..."
Hindi ko alam kung umabot ba ng isang oras ang pag-iyak ni Lervin bago siya nahimasmasan.
Pero hindi naman siya humiwalay sa akin. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at gamit iyong namumula niyang mga mata at may luha pa ay tiningnan niya ako nang diretso.
Punung-puno ng emosyon ang mababasa sa mukha niya.
"I c-can't believe... that you're awake now, Art. G-Gising ka na..." aniya at hinaplos pa ang pisngi ko.
Gamit ang mga daliri ko ay pinunasan ko iyong mga luha niya. Kitang-kita ng masaya na siya pero umiiyak pa rin siya.
"Lervin, kailangan pa natin siyang i-check-up. Bitawan mo muna ang misis mo," naiiling na wika ni Cervin at nagtaka ako sa mukha niya. May pasa at putok 'yong labi niya.
"Just a minute please..." tila nagmamakaawa pa niyang saad at muli akong niyakap na ikinatawa naman ang iba.
"Oo na, pagbigyan ang bata. Nasasabik na sa nanay, eh," pagbibiro naman ni Dr. Jaickel.
BINABASA MO ANG
Gloom Series 1:Someday, I'll Be Gone (COMPLETED)
RomanceTRIGGER WARNING & SUICIDE. READ AT YOUR OWN RISK. Genre: Romance & Drama Arthea Primero is a happy-go-lucky, she just loved her husband who paid more attention to other woman than her. In their marriage, her husband did nothing good. But unfortunate...