CHAPTER 12

14.2K 179 17
                                    

Fight

WALANG kaemo-emosyong pinapanood ko sina Lervin at Jillian. Nasa dining room kami ngayon at kasalukuyang kumakain ng lunch namin. Ako ang nagluto, malamang. Wala na nga kaming katulong ngayon. Tinanong pa niya kung nasaan na ang mga kasambahay namin at sinagot ko na nagbakasyon silang lahat.

Nagdududa pa niya akong tiningnan pero inirapan ko na lang siya.

At ngayon sinusubuan pa niya si Jillian. Okay, aminado akong may injury nga siya pero hindi ba puwedeng gamitin naman niya ang kaliwang kamay niya?

Padabog na tumayo ako at napaigtad pa sila sa gulat. Lumapit ako kay Jillian at tinulak ang wheelchair niya.

"Arthea," mariing tawag sa akin ng asawa ko pero hindi ko siya pinansin.

"Tutal ako naman ang may kasalanan nito at hayaan mong pagsilbihan ko ang babae mo," malamig na sabi ko at napataas ang kilay niya dahil sa sinabi ko.

Inagaw ko pa sa kanya ang kutsara at ako na ang nagsubo kay Jillian. Sa mukha pa lang ng babaeng ito ay hindi siya sang-ayon.

Nailunok niya lahat ang pagkaing sinubo ko sa kanya.

"Arthea, mag-aral ka na lang. Ako na riyan," aniya at akmang aagawin niya rin sa akin ang kutsara.

"Tapos na ang klase namin at hindi ba dapat nasa trabaho ka ngayon? Ano'ng ginagawa mo rito?" tanong ko naman sa kanya ngayon at nakikipag-eye to eye na sa kanya.

"How I wish you would just be mute. So, in that case, you can't talk. Hindi ko nagugustuhan ang lumalabas sa bibig mo. Ang tabas ng dila mo, Primero."

That's it, natalo ako. Natalo ako sa mga sinabi niya. Tinawag pa niya ako sa surname ko na ginagamit ko pa noong dalaga pa ako.

At dahil sa sama ng loob ay tinapon ko sa pader ang kutsara at nagmamadaling umalis na roon.

"We are not yet done, Arthea! Come back here, bitch!"

My heart skipped a beat and my tears started to flow on my cheek, now.

I was about to enter our room when Lervin dragged my arm.

"Let me go!" naiiyak na sabi ko.

Hinila niya ako papasok sa silid at pabagsak na sinara niya ang pintuan. Hindi lang 'yon ang ginawa niya. Malakas na sinandal pa niya ako sa nakasarang pintuan at hinawakan niya ang panga ko. Masakit iyon dahil sobrang higpit nito.

"How many times do I have to tell you na huwag mong sagarin ang pasensiya ko, Arthea. You never like it kung paano ako magalit. Pinalampas ko ang ginawa mo kay Jillian pero huwag na huwag mo akong insultuhin."

Ang lapit ng mukha niya sa akin kaya naaamoy ko na rin ang mabango niyang hininga.

Mukhang naubos na nga ang pasensiya na sa akin. Dahil lumilitaw na ang ugat niya sa leeg dahil sa galit niya sa akin. Masyado ring malamig ang mga mata niya.

At dahil sa ginawa niya sa akin ay bigla akong natakot. Natatakot na ako sa kanya.

"Remember this bitch. Don't try to hurt her or else..." pambibitin niya pero ang hintuturong daliri niya ay nasa sentido ko na.

"Ako ang makakalaban mo," he added at marahas na binitawan pa ako.

"Umalis ka sa harapan ko ngayon," utos niya at nanginginig na umalis ako roon.

Pagkalabas niya ay saka ako napaluhod sa sahig at umiyak na naman.

Bakit ngayon? Okay naman kami sa mga nakalipas na araw na bagong sumulpot si Jillian.

Gloom Series 1:Someday, I'll Be Gone (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon