CHAPTER 10

16.2K 191 6
                                    

Accident

SO, naiwan nga ako kasama ang Mommy niya. Kapag kami na lang ang naiwan ay lalabas na ang tunay niyang ugali.

Humakbang palapit sa akin ang mother-in-law ko at nanglilisik ang mga matang nakatingin sa akin.

"You have this guts to do that, eh?" malamig niyang tanong sa akin.

Napaigik ako sa sakit nang hawakan niya ang kaliwang braso ko. At dahil mahaba nga ang kuko niya ay bumaon pa ito sa balat ko.

If looks could kill...

Me, either mom. I don't know kung saan ko nakuha ang guts na iyon against your son. Basta iyon na lang ang nasabi ko.

Iyon sana ang sasabihin ko pero huwag na dahil baka mas lalo pa siyang magalit.

"You looks good in your beautiful red gown, Mommy," I said and fake my smile again.

Umismid siya sa papuri ko pero hindi naman niya tinatanggal ang pagkakahawak sa akin.

"I don't need your compliment. So, kamusta ang buhay asawa?" tanong niya na punung-puno ng insulto.

Ngayon ay binitawan na niya ako at napahawak ako sa braso ko. Ang sakit no'n, ha.

"Ayos naman po, Mommy," I answered and she smirked.

"How old are you, darling? 20 or 21? Two years na rin kayong kasal pero hanggang ngayon ba ay hindi mo pa binibigyan ng tagapagmana ang anak ko?" Honestly, I was insulted from what she said to me.

"You are in a hurry, Mom?" nakangising tanong ko. I thought magagalit na naman siya sa akin pero hindi. Nakapaskil pa rin sa mapupula niyang labi ang nakaka-insulto niyang ngisi.

"Hindi naman masyado, darling. But you know this family. My son is our only son at inaasahan namin ng iyong daddy na mabibigyan mo ang asawa mo ng tagapagmana. Oh, don't tell me, darling. Until now, hindi pa rin kayo nagkakamabutihan? Hindi pa nag-wo-work out ang relationship niyo ng anak ko?" I hate her, really.

That's bullseye, at that words napahinto ako at hindi makapagsalita. Alam na alam niya talaga kung paano ako pahihintuin.

"Oh, my bad. Baka maunahan ka pa, darling."

Hindi naman lingid sa kaalaman niya na hindi nga maganda ang relasyon namin ng kanyang anak. Siya naman kasi ang isa sa humahadlang sa kasalang ito pero ano rin ba ang magagawa niya?

Ito ang pinagkasundo ng father-in-law ko at ni Daddy-lo. Siya pa kaya ang may magagawang paraan? Eh, ang kanyang anak ay wala rin naman.

"Alam ko ang tumatakbo sa buhay niyo, darling. I have a lots of sources to watch your life and to my son, also."

Nakakuyom na ang mga kamao ko. Gusto ko talaga siyang sampalin sa mga oras na ito. Ang bilis-bilis na ng tibok ng puso ko. At ramdam ko ang mga ugat sa leeg at ulo ko. Tila mapuputok na ito sa galit.

Noon, hindi ko talaga siya kinakalaban. Hinahayaan ko lang siyang magsalita ng hindi maganda sa akin.

Dahil ina siya ng asawa ko. I respect her kahit sagad na sagad na sa buto ko ang galit ko sa kanya. Magpasalamat pa siya na mahaba-haba ang pasensiya ko sa kanya at nagtitimpi lang ako sa kanya. Kung hindi, God knows makakalimutan ko na siya ang babaeng nagluwal sa asawa ko.

"Ano sa pakiramdam ang niloloko ka lang ng asawa mo, darling? Na malalaman mo na bumili pala siya ng condo para sa ibang babae?" aniya at nilapit pa niya ang bibig niya sa tainga ko.

"At ang masaklap pa, bumili rin siya ng mansyon at katabing bahay pa ninyo. Baka roon niya rin binabahay ang babae niya." Pagkatapos na pagkatapos niyang sabihin iyon ay tumatawa siya nang tumawa.

Gloom Series 1:Someday, I'll Be Gone (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon