Hi, pansin ko lang po ang mga hinaing niyo sa story na ito. Sa pagkakaroon ng second chance nina Art at Lervin. Na naka-survive si Art sa sakit niya at endgame pa rin niya si Lervin.
Unang-una po, nagpapasalamat ako na may nagbabasa at nagsusuporta pa sa kanila hanggang ngayon kahit ilang beses na po silang nakatanggap ng criticism na hindi ko masyadong binigyan ng pansin kasi sanay na ako. Wala pong problema sa akin, pero sana bago po ninyo huhusgahan ang kuwento nila ay sana po nabasa ninyo ng maayos ang SIBG.
Hindi po ninyo ako kukuwestiyunan tungkol diyan kung mas naintindihan niyo ang daloy ng kuwento. Opo, inaamin ko, nagkamali ako sa part na may 'cheating' pero wala naman pong naganap na 'sex' sa mansion nina Art at Lervin, ici-clear ko lang po sa inyo. Sinabi lang po iyon ni Jillian para magalit at magselos si Art sa kanya at sa labas lang po nangyari ang mga iyon.
Mali ako sa part na binigyan ko ng POV si Lervin dahil nalaman niyo kung ano ang pinaggagawa niya behind his wife.
Bakit po tinanggap agad ni Art si Lervin? Kahit nasaktan siya nito ng sobra-sobra? Napagtanto po ni Arthea na 'life is short,' at sumuko na po siya sa buhay niyo noon, 'di ba?
Kaya naisip niya rin na bago siya lumisan sa mundo ay wala na siyang hinanakit sa asawa niya at gusto niya lang maramdaman at maranasan ang pagmamahal at pag-aalaga sa kanya ng asawa niya. Death wish na po iyon ni Art.
Sa part naman po ni Lervin, na isang 'sorry' niya lang ay natanggap na siya agad ng asawa niya at napatawad na siya agad. Nakuha nga ba sa isang sorry lang si Art? Hindi po yata sa pagkakaalam ko dahil naghanap pa rin po ng ways si Lervin para mapatawad siya ng asawa niya. Nag-effort pa rin po siya at ipinakita kay Arthea ang pagmamahal niya at kung deserving po ba siya.
Sa tingin po ninyo, kung hindi sila eg... Si Arthea po ay malabong maka-survive at doon lang po na hindi sila mabibigyan ng second chance.
Kung hindi po nalaman ni Lervin ang tungkol sa sakit niya ay wala pong Team Art. Wala pong gamot na imbento ni Cervin. Wala pong mag-e-effort na maghanap ng gamot at paano nila matutulungan ang pasyente nila.
Hindi po mapipilit ni Lervin si Art na magpagamot. Nabasa naman po ninyo, 'di ba? Ang ilang ulit na pagmakaawa ni Lervin pumayag lang na magpagamot ang asawa niya.
May mga hinaing po ba kayo maliban sa ending nito? Puwede po ninyo ako i-direct message dito sa Watty o kaya naman sa Facebook account ko. S Lyn Hadjiri WP
https://www.facebook.com/profile.php?id=100085448635388Huwag po sa message board, hindi dahil nahihiya ako kasi may mga ganito palang hinaing ang reader ng GS#1.
Wala pong problema sa akin ang mga hinaing ninyo dahil ako na writer ay wala ng magagawa at wala ring gagawin para diyan. Dahil kung may babaguhin po ako. Magugulo po pati ang GS#2, GS#3 at saka GS#4.
Sana po, maintindihan ninyo ha? Nasabi ko noong una kung nagustuhan niyo ang story ay magbasa po kayo at kung hindi naman, wala pong nag-uutos sa inyo na magbasa.
Iyong masaklap po sa parte ng hinaing niyo? Hinusgahan na po ninyo ang buong kuwento at idinamay pati ang writer. Pasensiya na, hindi rin naman ako perpekto, eh.
Maraming story na mas maganda po na puwede niyong basahin, hindi ko rin naman po na sinabi na maganda ang mga akda ko.
Nasaktan po ako sa part na ito, "I expected Kasi 100K na ung reads and inexpect ko maganda siya."
Wala po akong inaano, ha? Parang ang kapal po kasi ng mukha ko para i-celebrate ang achievements nila. Sobrang kapal po ng pagmumukha ko na umabot sila ng 139K reads, eh hindi naman po maganda ang story. Wala naman po kasi akong sinabi na maganda siya.
Pasensiya na kung hindi ko na-reach ang standard niyo, pasensiya na kung masyado kayong nag-expect sa ending nito. Saka po pakibasa nga ito, wala po akong sinabi ha, kung perpekto kayo ay huwag niyong basahin.
IMPORTANT NOTICE
All authors have a unique plot. So, being a reader has a standard when it comes to reading a story. If I didn't reach your expectation, I'm sorry. But support, vote and comment are highly appreciated. If you want to read my stories, well then, welcome to Gloom Series.
Iyong sinasabi ko lang po ay expectation and standard, wala akong sinabing perfect!
I-clear ko lang po, hindi 2023 ang story na ito. Umabot lang siya, hindi niyo ba nakita ang date?
Date started: August 19, 2021
Date finished: October 20, 2021Malay ko po ba na mami-meet ko si 2023 reader na ayaw na sa mga ganitong kuwento?
Direct message po niyo ako kung may gusto pa kayong i-share sa akin. Ayoko po talagang magkaroon ng basher at sa mga komento niyo? Na-realize ko na ang bobo ko palang writer at nagsulat ng mga ganito.
Pero ang hindi ko po maintindihan, bakit umabot kayo sa ending kahit hindi naman ninyo nagustuhan ang kuwento?
Lyn Hadjiri
BINABASA MO ANG
Gloom Series 1:Someday, I'll Be Gone (COMPLETED)
RomanceTRIGGER WARNING & SUICIDE. READ AT YOUR OWN RISK. Genre: Romance & Drama Arthea Primero is a happy-go-lucky, she just loved her husband who paid more attention to other woman than her. In their marriage, her husband did nothing good. But unfortunate...