CHAPTER 26

23.2K 237 25
                                    

Chapter 26:Spinocerebellar

HINDI KO na alam kung ano na ba ang nangyari sa akin after no'ng pag-iyak ko at nagmamakaawa kay Lervin na huwag niya akong iwan.

Nagising na lang kasi ako na nasa loob na ako ng kuwarto ko. Nakahiga sa kama.

Natuyo na ang mga luha ko sa aking pisngi pero nandito pa rin ang kirot sa puso ko.

"Ma'am, kumain na po kayo," ani ng katulong namin. Siya 'yong napagalitan ko dati.

May dala-dala siyang tray na may lamang kanin, ulam at tubig.

Binaba nito sa center table ko at tumayo sa gilid ko.

"Hindi ako gutom," malamig na sabi ko.

"Bilin po sa akin ni Sir na pakainin ka bago po matulog," aniya at malungkot pa ang boses niya.

Wala na akong pakialam sa Sir niya. Sa kung sino man ang nagbilin sa kanya.

"Dalhin mo 'yan kung lalabas ka na," utos ko sa kanya pero hindi niya ako pinakinggan. Sa halip ay tahimik na lumabas lang siya.

Nag-init kaagad ang bunbunan ko at marahas na napatayo pa ako at nilapitan ang tray saka ko ito ibinato sa pader.

Maririnig sa buong silid ang pagkabasag ng mga plato at baso. Malakas din kasi ang pagkakabato ko.

"M-Ma'am..."

Muling pumasok ang katulong namin at nangingilid na ang mga luha niya.

"Hindi ako gutom!" pagalit na sigaw ko sa kanya at bigla siyang lumuhod dahil sa takot.

"Ma'am..."

Pumasok ang iba naming kasambahay. At ang akala ko ay makiki-tsismis din sa nangyayari sa loob ng kuwarto ko pero hindi.

May bagong tray silang dala at hindi lang iisa.

Tatlo. Nagsalubong ang mga kilay ko at tila ready sila kung ibabato ko ulit ang dala nilang pagkain.

"P-Parang awa niyo na po ma'am. K-Kumain na po kayo," nauutal na sabi no'ng nakaluhod. Iyong boses niya ay nanginginig.

Ano ba ang pakialam nila kung hindi ako kumain? Wala silang pakialam.

"K-Kami po ang malalagot kapag hindi kayo kakain," sabi ng medyo may katandaan na.

"Ma'am, p-pakiusap. Kumain na po kayo. Hindi kami titigil sa pagdadala sa inyo ng pagkain hangga't hindi po kayo kakain."

"Sabi ng hindi ako gutom!"

Napahinto ako bigla nang sabay-sabay na lumuhod ang tatlong katulong na may dalang tray.

Napaatras ako at litong-lito na ako sa nangyayari sa kanila.

"Mawawalan po kami ng trabaho, kung hindi ka namin naaalagaan, ma'am. Parang awa niyo na po, kumain na kayo."

Umiling ako at pinukol ko sila ng masasamang tingin.

"Sino? Sino ang magtatanggal sa inyo ng trabaho?" tanong ko.

"S-Si Sir Lervin po, ma'am. Mina-monitor po niya kami kung naaalagaan ka po namin nang maayos. Araw-araw po niya kaming pinapagalitan nang hindi ka kumakain dito sa mansiyon niyo."

Padabog na tinungo ko ang banyo at pumasok sa loob. Binuksan ko ang shower at binasa ko ang katawan ko. Kasabay ng luha ko na umagos sa tubig.

What are you doing, Lervin? Ano ba ang tumatakbo sa utak mo Lervin, huh? Hindi ba't iniwan mo na ako? Hindi ba't nakipaghiwalay ka na sa akin?! Pero bakit mina-monitor mo pa ang mga kasamabahay natin?!

Gloom Series 1:Someday, I'll Be Gone (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon