CHAPTER 50

20.4K 243 1
                                    

Chapter 50:Athena's new family

SUNUD-sunod na nag-sulputan ang mga kaibigan ko, tapos lalabas na kaagad. Tila sinisilip lamang nila ang asawa ko. Napapailing na lamang ako.

"Baby, maghihintay na naman ba kami nang bukas? Ubos na ang bukas namin pero maghihintay pa rin kami sa 'yo. Maghihintay pa rin ako sa 'yo. Wake up, soon, Art..." mahinang bulong ko malapit sa kanyang tainga at hinawakan nang mahigpit ang kanyang kamay.

Napangiti ako nang humigpit din ang pagkakahawak niya sa kamay ko.

Ayos na ako, kontento na ako kahit 'yong kamay niya lang ang gumagalaw. Kahit ganito lang ay mararamdaman kong buhay siya at patuloy na lumalaban.

***

"ATHENA, maging masaya ka sa bago mong pamilya. Simula ngayon ay sasama ka na sa kanya," sabi ni Mother Superior na nangangalaga sa mga batang wala ng mga magulang.

Tumingin sa akin si Athena at hindi ko alam kung ano ba ang tumatakbo ngayon sa utak niya.

But later on, ngumiti rin siya sa akin at yumakap.

"Ikaw na po bago ko papa?" inosenteng tanong niya sa akin at tinanguan siya.

"Puwede mo akong tawaging, daddy."

"D-Daddy... May mama yin po ba ako?"

"Yeah, makikita mo siya ngayon."

Isang linggo lang ang process ng adaptions paper ni Athena at naging legal parents niya kami ni Art. Pero hindi rin naman namin tinanggal ang surname ng parents niya. Ayoko namang tanggalan ng karapatan ang tunay na magulang ni Athena.
Nakadugtong pa rin ito.

Nag-desisyon akong ampunin si Athena dahil unang kita ko pa lang sa kanya ay pinaalala na niya sa akin ang asawa ko.

And I know, Art accepted this adorable child. Parang mini-version niya lang at kung hindi ko lang kilala ang asawa ko at si Athena ay baka pagkakamalan ko pa silang mag-ina.

Pagkatapos no'n ay nagpaalam na kami sa punong madre at pumunta na kami sa hospital.

***

"WHO is she?" salubong na tanong sa akin ni Crimson nang makapasok kami sa loob ng private room ni Art.

Nandito na naman lahat ang mga kaibigan ko, well, except Cervin. Maybe he's with his wife, not Shin.

Isa pa, hindi 'yon basta-basta makakapunta rito kung narito ang mag-kambal at si Hillarus.

Dahil hindi makakaalis ang kaibigan ko kung walang pasa sa mukha o putok ng labi.

Cervin is now on my foot, nga lang tapos na ang paghihirap ko sa kamay ng mga ito.

"Don't look at her like that," mariing sambit ko kay Crimson. Natakot kasi si Athena kaya nagtago ito sa likod ng binti ko. Mahigpit din ang pagkakahawak nito sa akin.

"Mukha ka kasing momo, kaya natakot ang bata," natatawang komento ni Jai sa kanya kaya naman ay ibinato niya lang ito ng popcorn na kinakain nila.

"Hi, baby girl. What's your name?" malambing na tanong naman ni Kierson pero mas sumiksik lang sa akin si Athena.

Nakakapagtaka. Malapit ang loob ni Athena sa mga estranghero. Pero sa kanila? Takot na takot.

Natawa sina Taki, Hiro at Hillarus. Si Crimson na poker face lang. Habang si Drimson ay busy sa phone niya pero nakaupo ito sa gilid ng kama ng asawa ko.

"Mukha ka ring momo," Dra. Even commented.

Siya naman ang lumapit kay Athena at hindi ito natakot na ikinatuwa naman ni Dra. Even.

Gloom Series 1:Someday, I'll Be Gone (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon