SPECIAL CHAPTER 1

18.9K 178 4
                                    

Special Chapter 1:Pregnant

ARTHEA PRIMERO-DE CERVANTES' POV

NAKANGITING tiningnan ko ang Lervin & Art's Café, five years na rin since pinapatakbo ito ni Lervin.

Kahit hindi naman niya ito trabaho at hindi niya kabisado ang ganitong paraan nang pagta-trabaho ay nagagawa na naman niya ng tama. And I am so proud of my husband.

Who would have thought na magbabago pala ang isang Dr. Lervin de Cervantes, eh? Naalala ko tuloy iyong mga panahon na naging bulag-bulagan siya sa Jillian na ahas na 'yon.

Oh, I wonder kung nasaan na pala ang babaeng 'yon. Hindi pa kasi ako nakaka-ganti sa ginawa niya sa akin five years ago. Remember 'yong bigla siyang pumunta sa bahay namin at nag-cat fight doon?

Tapos talo ako kasi wala akong laban sa kanya sa mga panahon na iyon. Excited din akong makita siya ulit. Alam niyo na, revenge time ko lang.

Okay, masama ang maghigante, guys. Kung nagkasala sa 'yo ang isang tao at gusto mong maghigante ay huwag mo nang ituloy. Kasi bakit? Hindi naman tayo masa-satisfy sa revenge na 'yan. Mas uusbong lang ang galit mo sa isang tao.

Imbis na mag-revenge ka ay hayaan mo na lang ang taong iyon na habulin siya mismo ng karma niya.

O kung malambot ang puso mo ay patawarin mo na lang siya. Iyon ay kung humihingi na ba siya ng kapatawaran mula sa 'yo.

Pero maaari rin na bigyan mo siya ng lessons with a slight cat fight. Para matuto sa mga kasalanan niya.

Wala naman kasing perpektong tao sa mundo. Lahat nagkakamali, lahat nagkakasala. Pero hinay-hinay lang po sa pagkakasala, huh? Mas masakit maningil ang karma, eh.

Hindi naman ako papasok sa café namin ni Lervin at may trusted manager na kami rito. Kung wala akong work sa hotel ni daddy-lo ay ito ang pinagkaka-abalahan ko.

Saka 'yong asawa ko? Balik work na po siya. Uh, two years na rin ang nakalipas at gumaling na ako sa sakit ko. Isang himala 'yon para sa akin.

Dahil 'yong sakit ko ay wala naman talagang lunas not until the Team Art came. Napaka-talino at mahusay na doctors na nakilala ko. Kaya malaki ang pasasalamat ko sa kanila.

After ng recovery ko ay umuwi na rin kami sa mansion namin ni Lervin. Kung saan ang lugar na una akong nagmahal, nasaktan at lahat-lahat na.

Ang weird ko, 'di ba? Mas pinili ko ang manatili sa lugar na nagbigay sa akin ng sakit sa puso.

Pero ganoon talaga, mas pipiliin mong bumalik sa lugar na nagbigay na rin sa 'yo ng memorable sa buhay.

"Baby?" tawag sa akin ng asawa ko.

Nakalimutan ko na kasama ko pala siya ngayon.

Hatid sundo niya ako sa trabaho ko at ako na rin ang nag-take over sa position ni daddy-lo.

Ako lang naman talaga ang hinihintay niya before siya mag-retiro sa position niya. Kaya pala maaga akong pinag-settle down ni daddy-lo ay para kung magpapaalam na raw siya sa mundo ay may katuwang na ako sa buhay. Pinili niya raw ang responsableng lalaki para sa akin para raw hindi na siya mag-aalala pa sa akin.

Hay naku, daddy-lo. Kung alam mo lang kung ano'ng klaseng tao noon si Lervin. Ewan ko na lang sa 'yo.

"What's that smell?" takang tanong ko at lumapit pa ako sa kanya para amuyin ang naamoy kong...mabaho.

"Yuck!" nandidiring sabi ko at lumayo ako kay Lervin.

Nasa loob kami ng kotse niya habang ako ay nagmo-monologue at nakatingin sa café namin.

Gloom Series 1:Someday, I'll Be Gone (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon