CHAPTER 32

27.6K 248 36
                                    

Chapter 32:Just You

ARTHEA PRIMERO-DE CERVANTES' POV

"EH, Drim?" tawag ko kay Drim nang bigla niya akong binuhat at maingat na pinasakay sa loob ng sasakyan niya.

"Kaya ko naman, eh," sabi ko at umiling lang siya.

"I insist. Simula ngayon ay hatid sundo na kita. Lalo pa na alam na ng gagong iyon ang tungkol sa sakit mo," he said in a tone of cold.

Naalala ko naman ang nangyari sa amin ni Lervin. Hindi ko alam kung ano ba ang mararamdaman ko sa mga oras na 'yon.

Galak? Pero bakit imbis na matutuwa pa ako dahil umiyak siya mismo sa harapan ko pero hindi ko ramdam ang kasiyahan na 'yon?

He wanted to stay with me, but I pushed him away. Baka kasi naaawa lang siya sa akin. Baka guilty lang siya dahil may sakit ako?

Hindi naman ako umasa na ako na ang pinili niya. Dahil alam kong hindi. Mahal na mahal niya ang ahas na 'yon kaya bakit nagmamaakawa pa siya sa akin?

Inaamin ko na muntik na, muntik ko na siyang mapatawad. Muntik na ako madala, muntik na akong mahulog ulit sa patibong niya.

Pero naalala ko ang sarili ko. I want to love myself first before him. Dahil nga ubos na ubos na ako kay Lervin.

Second chance? Alam kong deserve iyon lahat ng mga taong nagkasala. Pero kami? Tayong nasaktan na? Ay takot ng mag-risk pa ng second chance.

Takot na tayong masaktan pa. Takot na tayong umiyak ng dahil lang sa isang tao.

Ang mga taong minsan nang nasaktan ay natatakot ng magtiwala pa ulit. Magtiwala sa mga taong minahal mo pero sa huli ay nasaktan ka lang niya.

Kaya sa ngayon, sarili ko muna ang uunahin ko. Sarili ko lamang ang aalalahanin ko.

Dahil balang araw ay mawawala rin naman ako. Balang araw ay maglalaho rin ako sa mundong ito.

Kaya habang buhay pa ako ay gusto kong pagtuunan muna ang sarili ko. Gusto kong maging masaya kahit hindi ko na kasama pa si Lervin.

Tanggap ko na nga 'di ba? Tanggap ko na ang kapalaran ko. At kami ni Lervin ay tapos na.

Saka sa kalagayan ko, kung sakali man na mabigyan ko siya ng second chance ay alam kong wala nang oras.

I will die... not now but soon.

"But I still hate you," sabi ko sa kanya.

Naalala ko na naman kasi ang pangbubugbog nila kay Lervin.

Kahit na galit ako kay Lervin ay ayaw ko naman siyang masaktan ng physically. Kahit na galit na galit ako sa kanya ay nangingibabaw pa rin ang pagmamahal ko sa kanya.

Ang pag-ibig na napakasakit pala talaga.

"He deserve it," aniya at umismid pa siya.

Binuhay na niya ang makina ng kotse niya at nag-drive na siya.

"Wala ka bang work ngayon, Drim?" untag na tanong ko sa kanya.

Gloom Series 1:Someday, I'll Be Gone (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon