Chapter 36:Wheelchair
ARTHEA PRIMERO-DE CERVANTES' POV
"I WON'T give up on her. Iyan ang gustong iparating sa 'yo ni Lervin. Hindi ka raw niya susukuan," pagku-kuwento sa akin ni Shin.
Hindi ko alam kung ano ba ang ire-react ko sa ginagawa ngayon ni Lervin. Natutuwa ba ako dahil finally ako naman ang nakikita niya? Ako naman ngayon ang hinahabol niya?
Two weeks na rin naman kasi noong naisipan kong mag-suicide at hindi 'yon nakatulong sa problema ko.
Naisip ko na mas maganda ang mabuhay kahit na may taning na ito. Mas maganda kung i-enjoy mo naman ang buhay mo habang nandito ka pa sa mundo.
Kaya pinagsisisihan ko na ang ginawa ko. Isa 'yon sa napakalaking kasalanan sa Diyos.
Alam kong depressed lang ako no'n. Kaya kung may tao mang depressed at pagod na sa buhay o kaya naman ay nahihirapan na.
Huwag po niyong isipin ang pagpapakamatay ang siyang solusyon sa lahat ng problema.
May mga ways pa po tayo upang huwag tapusin ang ating buhay. Nandiyan ang ating kapamilya o kaibigan.
Kausapin mo ang taong alam mong naiintindihan ka. Kausapin mo ang tao na alam mong kaya kang i-comfort at bigyan ng advice.
O kung wala kang kaibigan ay umiyak ka na lang. Isigaw mo at pakawalan ang mga salitang nais mong sabihin sa mundo. Upang sa gayon ay mabawasan man lang ang bigat sa dibdib mo.
Two weeks na ring ganito si Lervin. Pumapasok pa naman ako sa school namin kahit na nitong nakaraang mga araw ay mas lalo lang nanghihina ang katawan ko.
Nanlalambot na rin ang mga tuhod ko kaya mas hindi na naging normal ang paglalakad ko.
Pero kakaiba ngayong umaga pagkagising ko.
Napaiyak ako sapagkat hindi ko na kayang igalaw pa ang mga paa ko.
Hindi na ako nakakatayo ng mag-isa lang and worst, I...can't walk anymore.
Heto na naman ang takot ko. Ang takot ko sa dibdib at nawawalan na naman ako ng pag-asa. Pag-asang mabuhay.
Una kong tinawagan ang number sa speed dial ko. Ang akala ko ay ang mga kaibigan ko ang natawagan ko. Pero hindi.
"Baby...what happened?" tanong niya sa akin at hindi ko alam kung paano niya nabuksan ang pintuan ng condo ko.
Pero hindi ko 'yon pinansin. Ang nais ko lang ay may taong yayakap sa akin at i-comfort ako.
Sa ngayon ay kinalimutan ko ang ginawa sa akin ni Lervin. Nakalimutan ko iyong sakit na binigay niya sa akin.
"L-Lervin..." Nanginig ang mga labi kong sinambit ang kanyang pangalan.
Mabilis na inalalayan niya ako. Nakaupo na kasi ako ngayon sa sahig na nasa gilid lang ng kama ko.
Dahil sa takot ko ay nahulog ako mula sa kama ko at impit na umiyak.
Pinaupo ako ni Lervin sa gilid ng kama at nag-aalalang tiningnan niya ako.
"W-What happened, Art? Bakit umiiyak ka?" Kitang-kita ko ang pag-aalala niya sa akin.
Napahawak ako sa manggas ng damit niya at para akong batang nagsusumbong sa kanyang ina.
"I...I c-can't move my legs. I can't walk... Do something, please!" naiiyak na sambit ko at hinawakan niya ang ulo ko.
Mahigpit na niyakap niya ako at nag-iiyak na ako sa dibdib niya.
"A-Art..."
"Iyong...paa ko! B-Bakit hindi na ako nakakalakad!"
BINABASA MO ANG
Gloom Series 1:Someday, I'll Be Gone (COMPLETED)
RomanceTRIGGER WARNING & SUICIDE. READ AT YOUR OWN RISK. Genre: Romance & Drama Arthea Primero is a happy-go-lucky, she just loved her husband who paid more attention to other woman than her. In their marriage, her husband did nothing good. But unfortunate...