CHAPTER 34

24K 243 8
                                    

Change 34:Research failed & Suicide

"A-ART..." tawag sa akin ni Shin nang nasa loob na kami ng kotse nila.

"Ayokong mabigo, Shin. Ayoko. A-Alam mong walang survivor sa sakit na ito. Walang cure, wala." Nanginig ang boses ko nang sabihin ko 'yon.

Oo, sinabi kong tanggap ko na. Tanggap ko na ang kapalaran ko. But I admit that part of me wants to heal, a part of me wanted to heal my sick but how come?

Kung wala namang lunas at ayokong umasa na mayroon. Ayokong umasa at  mabibigo rin sila sa paghahanap ng lunas sa sakit kong ito.

Not because, I underestimate their skills when it comes to their field as a doctors. Pero masakit talaga ang umasa.

"P-Paano kung mag-successful naman sila?" untag na tanong ni Shin sa akin at napailing na lamang ako.

"Buo na ang desisyon ko," mariing saad ko at napabuntong-hininga na lamang ako.

Tahimik na ang buong biyahe namin ni Shin at ipinagpasalamat ko 'yon. Dahil tila bumibigat na ang pakiramdam ko.

Ang dami ng gumugulo sa utak ko. Ang dami ko nang problema, to be honest. Dumagdag pa si Lervin.

Paano niya nasasabi na mahal niya ako? Paano niya nasasabi na mag-stay sa tabi ko? Paano niya nasasabi 'yon lahat sa akin?

Mahal niya ako? Mahirap paniwalaan. Isang panlilinlang na naman ba 'yon? Pero bakit tila sincere naman siya no'ng sinabi niya 'yon sa akin?

Pero may pangamba rin ako. Simula nang masaktan niya ako ay nagkaroon na ako ng trust issue.

Ilang beses na niya akong pinaasa at ayoko nang mangyari pa 'yon sa akin.

Pagod na ako, eh. Pagod na pagod na ako sa kanya. Nakakapagod din kasing mahalin siya.

"Ingat ka," saad ko kay Shin nang makababa na ako mula sa sasakyan nila.

Wala na siyang sinabi sa halip ay tumango na lang siya sa akin pero hindi nakatakas sa mga mata ko ang namumula niyang mga mata at ilong.

Alam kong tahimik na umiiyak siya no'ng nasa biyahe pa kami. Alam kong desperada rin siyang magpagamot ako.

Pero hindi si Shin, hindi sina Drim at Crim, hindi si Hillarus, lalong-lalong hindi si Lervin ang makakapilit sa akin na magpagamot.

Dahil alam kong sarili ko lamang. Sarili ko lamang ang makakapayag sa nais nila. Pero sa ngayon, ayoko. Ayokong magpagamot.

"A-Apo..."

Natigilan ako nang makita ko si daddy-lo. Nakatayo lang siya sa tapat ng entrance ng condominium. Namumula ang mga mata ni daddy-lo at may mga luha rin sa kanyang pisngi.

Lumambot ang bukas ng mukha ko at tila nadudurog na naman ang puso ko. Natutunaw na naman ako.

"D-Daddy-lo..." nanginig ang boses ko nang sabihin ko 'yon at tinawid ko ang distansya namin ni daddy-lo.

He spread his arms and waiting for me to hug him and I did.

"D-Daddy-lo..."

Naiyak ako, naiiyak na naman ako. Kaya wala akong ginawa kundi ang umiyak sa dibdib ni daddy-lo.

I felt comfort, parang safe na ako sa mga bisig ni daddy-lo pero nandito pa rin ang takot. Ang takot ko sa sakit ko.

Humagulgol ako sa dibdib ni daddy-lo. Para akong bata kung umiyak. Para akong bata na may takot. Na may takot sa kung sino mang tao ang maaaring kumuha sa akin.

Para akong batang tinanggalan ng laruan kung umiyak.

"W-Why? B-Bakit ang apo ko pa? Bakit...ang a-apo ko pa ang nagkaroon ng sakit n-na 'to? D-Diyos ko...ako na lang s-sana...ako na lang sana," umiiyak ding saad ni daddy-lo.

Gloom Series 1:Someday, I'll Be Gone (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon