Chapter 49:Athena
ONE year later...
I PARKED my car as soon as I reached the flower shop and I stepped out from the car.
Naglalakad na ako papasok sa loob nang bigla rin akong napahinto nang makita ko ang batang babaeng umiiyak sa labas ng flower shop at nakaupo ito sa may hagdanan.
She's crying, parang pinipiga ang puso ko nang makita siyang ganito. Why the little girl is crying? Nasaan ba ang mga magulang nito at pinapabayaan ng mga ito?
Namalayan ko na lamang sa sarili ko na naglakad ako palapit sa batang babae. Nag-squat ako upang magpantay ang mukha namin.
She looked like losing her direction? May nakikita naman akong mga taong labas-pasok sa shop pero bakit hindi nila man lang nilapitan ang batang ito upang kausapin kung nawawala ba ito.
"Hey, little girl. Why are you crying?" I asked her. Inangat niya ang mukha niya and she looked straight into my eyes.
I'm a doctor kaya malapit din ang loob ko sa mga bata. Mugtung-mugto ang mga mata niya at namumula na rin ang ilong niya. Malakas din ang paghikbi ng bata kaya dahilan nito ang pagkirot sa dibdib ko.
Inilabas ko ang panyo ko at pinunasan ang mga luha niya na walang tigil sa pagbuhos nito.
I remember someone, ganitong-ganito siya kung umiyak. Namumula ang ilong at pisngi niya. Parang bata rin kung umiyak. Kaya siguro may nag-uudyok sa akin na lapitan ang batang babae dahil sa naalala ko siya.
"What's your name?" I asked her once again.
"A-Athena..." mahinang sambit niya sa kanyang pangalan.
Napangiti ako dahil pati pangalan nila ay tugma rin, "Bakit umiiyak ka rito? Nasaan ang mama mo o papa mo?" muli kong tanong sa kanya.
If I'm not mistaken ay nasa apat o limang taong gulang pa lang siya. May kahabaan ang kulot niyang buhok, maninipis 'yong mga kilay at matangos ang ilong niya.
Bago niya ako sagutin ay itinuro niya ang flower shop at humihikbi pa rin siya.
"B-Bili po ako ng flowey do'n, peyo kulang po peya ko," naiiyak niyang sagot at hayon na naman ang pakiramdam na tila sinasakal ako sa leeg.
"Para saan naman ang bulaklak na bibilhin mo?" malambing kong tanong sa kanya at dahil na naman sa sinabi ko ay mas lumakas ang paghikbi niya.
"P-Paya po sa mama ko," she said at ipinakita niya sa akin ang twenty five pesos niya.
"Hindi po 'ko bili flowey ni mama, 'di po tanggap peya ko kasi po kulang," tila pagsusumbong niyang sabi.
I chuckled. Nasa four years old pa nga siya at hindi pa diretso ang pananalita at bulol-bulol pa.
"Halika, bibilhan kita," nakangiting sabi ko at inalalayan ko siyang makatayo.
Napahinto na siya sa paghikbi at bumukas ang maaliwalas ng mukha niya. Bata pa lang siya ay kitang-kita na ang kagandahan niya.
***
"GOOD MORNING po, sir!" the saleslady greeted me when we entered inside the flower shop.
Binalingan ko ang batang babaeng kasama ko at hindi na ako nagtanong pa kung ano ang gusto niyang bibilhin na bulaklak. Sa tingin pa lang niya ay alam ko na.
Bumili ako ng isang bouquet ng roses para sana sa batang babae pero umayaw siya.
"Dayawa yang po," maliit ang boses na sabi niya at tinaas ang dalawang daliri niya sa akin.
BINABASA MO ANG
Gloom Series 1:Someday, I'll Be Gone (COMPLETED)
RomansaTRIGGER WARNING & SUICIDE. READ AT YOUR OWN RISK. Genre: Romance & Drama Arthea Primero is a happy-go-lucky, she just loved her husband who paid more attention to other woman than her. In their marriage, her husband did nothing good. But unfortunate...