Art's Intro
Arthea Primero-de Cervantes' POV
"AYOKONG matulad kay Reolla," walang emosyong saad ni Shin at nagtatakang napatingin ako sa kanya.
"Ha? Ano'ng pinagsasabi mo riyan, Shin? Sinong Reolla?" naguguluhang tanong ko sa kanya.
Nandito kami ngayon sa SM at nagliwaliw lang kami ng kaibigan kong si Marshin V. Escalante.
Best friend ko siya since second year college. Maganda siya pero napakatahimik niya rin. Morena ang kutis niya. Matangkad siya, at pang-Miss Universe nga ang looks ni ate at minsan na rin siyang nanalong Miss University namin.
Model type kasi siya, eh. Marami na nga ang may balak na alukin siyang mag-model. But she rejected it, hindi rin dahil ayaw niya at wala rin siyang talent sa pagrarampa. Kundi, she's already married at napaka-strict ng sugar Daddy--este asawa niya.
"Si Poirier na may asawa na at may ibang pamilya pa," sagot niya at inabot niya sa akin ang kinuha niyang libro.
"Basahin mo. Para sa katulad kong the proxy wife at ikaw na parang the unwanted wife ay dapat may alam tayo sa mga ganyan. Si Reolla Moon, siya 'yong unwanted wife na unwanted family rin ni Poirier," wala sa sariling sambit niya at may hinablot na isang libro mula sa bookshelves.
"Who is Poirier?" I asked, confused.
Mahilig talaga siya sa mga nobela basta romance ang genre. Ewan ko ba sa babaeng ito, kung bakit ayaw niyang matulad sa mga bidang babaeng na binabalewala lang ng kanilang mga asawa.
Pero sa bagay, ayaw natin ang matulad sa kanila. Ayaw natin na hindi tayo pinapansin ng mga taong mahal natin.
"Ayoko, mas gusto ko ang fantasy," nakangusong sabi ko at ako naman ang humablot sa librong may titulong, Uncrown Princess, Lazaro's Princess
See? Ganyan 'yong bet ko. Title pa lang ay curious na curious ka na, kung bakit uncrown ang prinsesa sa kanilang kaharian. Tinanggalan ba ito ng korona? Tinanggalan ng karapatan na maging prinsesa ang bida?
Ngayon pa nga lang ay curious na ako. Kay sa naman sa mga romance na title pa lang ay tiyak na iiyak ka na.
Hindi ko rin naman kasi feel ang romance, dahil tiyak na drama. Bakit ayaw ko sa mga kuwentong may drama? Kasi ayokong maging malungkot sa pagbabasa.
Shin and I were the same situations. Siya kasi ay proxy wife lang ng kanyang asawa. So, it means, hindi niya rin totoong asawa ang kanyang kinakasama ngayon. Nawala kasi ang asawa ng lalaki at hanggang ngayon ay hinahanap pa.
Pasalamat na lang ang lalaki dahil kamukha ni Shin ang asawa niya. Kung hindi, aba ewan ko na lang sa kanya. Bahala siya sa problema niya at dinamay pa niya si Shin.
Pero kung hindi naman dahil sa kanya ay baka hindi ko rin makilala ang kaibigan ko ngayon.
About Shin pala. Ginagamit niya ngayon ang name ng legal wife na kanyang asawa. Cashren Jhed Vesalius, name pa lang ay pang-rich na at sosyal. But I preferred to call her, Shin, it's her real name after all.
Totoo naman siya sa akin. Best friend ko at hindi naman siya plastic na tao or fake.
At ako naman ay kinasal two years ago, pero parang wala pa rin akong asawa. Kasi madalas na hindi umuuwi si Lervin sa bahay namin. Lervin de Cervantes, neurologist doctor. Kaya naman ay relate na relate talaga kami sa isa't isa ni Shin.
BINABASA MO ANG
Gloom Series 1:Someday, I'll Be Gone (COMPLETED)
RomanceTRIGGER WARNING & SUICIDE. READ AT YOUR OWN RISK. Genre: Romance & Drama Arthea Primero is a happy-go-lucky, she just loved her husband who paid more attention to other woman than her. In their marriage, her husband did nothing good. But unfortunate...