Chapter 21:Unexpected vacation
HINDI KO namalayan na naka-idlip na pala ako at nagising na lamang ako kinabukasan ay nasa loob na ako ng isang hindi pamilyar na kuwarto.
I roamed my eyes around the room. Puting kisame, ang pintuan ay kulay pula. Hindi masyadong malaki ang room pero malinis ito at maganda kahit simple lang.
May bintana na natatakpan ng dirty white na curtain. May black na malaking cabinet na malapit sa bintana.
At sa gilid no'n ay may bedside table pero nakadikit ito sa wall. May bulaklak din na nasa vase. Tapos mula sa ulunan ko ay kulay asul ang wall. May limang painting at mas malaki roon ang painting na may love.
Simple lang talaga siya pero ang ganda-ganda ng kuwarto.
Bumukas ang pintuan at iniluwa roon ang mala-adonis kong asawa. Nakasuot lang siya ng asul na pajama at puting hoodie.
Magulo pa ang buhok niya at parang bagong gising pa siya. Mapupungay ang mga mata at nakaawang pa ang mga labi niya.
Naglakad siya palapit sa akin at umupo siya sa gilid ng kama.
Tinitigan niya ako ng matagal bago siya ngumiti.
"Good morning, baby. How's your sleep?" malambing niyang tanong sa akin at inayos niya ang nagulo kong buhok.
Umayos ako nang upo at nabahala ako sa ayos ko. Wala akong bad breath sa umaga kaya siguro okay lang.
Hindi ko siya nasagot sa tanong niya dahil nakuha ang atensyon ko sa suot-suot kong damit.
Naka-asul pajama na ko na may bulaklak ang desinyo nito at nakasuot na rin ako ng puting hoodie.
At nang tiningnan ko muli ang suot-suot niya ay napagtanto ko na couple pala ang suot naming hoodie.
Nasa Baguio na nga kami. Kahit nasa loob pa lang kami ay ramdam ko na ang lamig.
Teka...
"Ikaw ba ang nagsuot nito sa akin?" tanong ko at tumaas ang sulok ng mga labi niya.
"Sino ba ang aasahan mo na magsusuot niyan sa 'yo, misis? Eh, 'di sino pa? Ang asawa mo lang naman," nakangising sabi niya at nainis ako sa tonong 'yon. Sasapakin ko na sana siya pero mabilis na hinuli niya ang pala-pulsuhan ko.
"Huwag 'yong sapak ang ibigay mo sa akin, misis. Dapat good morning kiss, 'yon," may panunuya niyang sabi at napatili ako nang bigla siyang sumampa sa akin.
"Shit, Lervin!" pagmumura ko sa kanya at ngumiti lang ang gago.
Hinaplos niya ang pisngi ko at malamlam ang mga matang tinitigan ako.
"Ang ganda-ganda mo talaga. Wala ka ng make-up kasi pinunasan kita kagabi. Tapos ang ganda mo pa rin," namamangha niyang sabi habang hinahaplos ang pisngi ko.
Napalunok ako sa lapit ng mukha niya sa akin. Hindi naman siya mabigat kasi nakatukod ang isang kamay niya sa kama at may balanse siya roon.
Bumaba ang mga mata niya sa labi ko at nakita ko pa ang paglunok niya. Nagtaas-baba ang adams apple niya at pinatakan na niya ako ng mainit na halik sa mga labi ko.
Napapikit ako ng maramdaman ko ang pagdampi ng malambot niyang mga labi sa noo ko.
"Good morning, again, baby."
Umalis na siya sa ibabaw ko at maingat na hinila para makabangon na ako.
"The breakfast is ready," aniya.
Magkahawak kamay na lumabas kami sa loob ng silid at dinala niya ako sa balcony.
Napaawang ang mga labi ko nang makita ko ang paligid.
BINABASA MO ANG
Gloom Series 1:Someday, I'll Be Gone (COMPLETED)
RomanceTRIGGER WARNING & SUICIDE. READ AT YOUR OWN RISK. Genre: Romance & Drama Arthea Primero is a happy-go-lucky, she just loved her husband who paid more attention to other woman than her. In their marriage, her husband did nothing good. But unfortunate...