CHAPTER 40

23.7K 204 6
                                    

Chapter 40:Death

I JUST shrugged my shoulder. I know he don't want to do it. First love niya si Jillian at malamang napakahalaga sa kanya ang mga bagay na pag-aari ng babaeng ahas na 'yon.

"You're doubting me," walang buhay niyang sambit.

I looked deep into his eyes and he did the same thing.

"You're doubting my feelings too, baby," nahihirapang saad niya.

"Sino ba ang hindi, Lervin? Minsan mo na akong pinaasa at madalas kang nagsisinungaling sa akin. Do you think I could trust you that fast? Hinayaan na nga kitang makasama ka sa bahay natin kasi alam kong ilang araw na lang ay susuko na ang katawan ko," sabi ko at umiling siya.

He walk towards me at lumuhod pa siya upang magpantay ang mukha naming dalawa.

"You will not die, never. You will live, Art. You will live, baby," aniya pero inilingan ko na siya.

"Doctor ka, Lervin at alam mong wala na talaga," mahinang saad ko.

Kinulong naman niya ang magkabilang pisngi ko sa malaking palad niya at tinitigan ako sa aking mga mata.

"I won't let that to happen, baby. Doctor lang ako, oo, pero alam kong mayroon pang pag-asa. Mabubuhay ka, please. Mabubuhay ka," aniya at nakita ko ang pagbuhos ng mga luha niya.

I thought, he still pretending? Puro panlilinlang pa ba ang nakikita ko sa kanya? Nagsisinungaling na naman ba siya?

Pero sinasabi ng puso ko na hindi na. Totoo na siya. Totoong Lervin na nagmamahal sa akin. Pero mayroon na akong trust issue at hindi ko na 'yon basta-basta lang ibibigay. Kahit na, kay Lervin na minamahal ko ngayon.

Natatakot na akong magtiwala sa kanya. Kaya sasabay na lang ako sa agos ng buhay namin.

Inabot ko ang pisngi niya at tinuyo ko iyon gamit ang nanghihina kong kamay. Mabilis na hinuli niya ito at hinalikan ang likod ng kamay ko.

"Nagsisisi na ako, Art. Pinagsisisihan ko na ang lahat ng ginawa ko sa 'yo two years ago. At habang buhay ko 'yon pagsisisihan. Mahal kita, mahal na mahal kita, baby. Huli man na nalaman ko ang tunay na nararamdaman ko at hindi ka man maniwala sa akin ay gagawin ko ang lahat para lang maniwala ka sa akin. Mahal kita," naiiyak niyang wika at mahigpit na tinapat niya ang kamay ko sa dibdib niya.

"Did you feel it, baby? Ikaw na, ikaw na ang tinitibok ng puso ko," dagdag pa niya.

Bumilis naman ang tibok ng puso ko dahil tama siya. Ramdam ko ang mabilis na pagtibok ng puso niya. Ramdam na ramdam ko.

Nginitian ko na lamang siya, "Gutom na ako. Kain na tayo?" nakangiting saad ko. He chuckled at mabilis na tumayo at tinungo ang likuran ko para maitulak na ako gamit ang wheelchair ko.

Fried rice, scramble egg, hotdog, may egg sandwich. May coffee at isang basong gatas. Naka-ready na lahat sa table.

Tinitigan ko si Lervin at nginitian naman niya ako nang nilingon ko siya.

"Ang sabi mo hindi ka marunong magluto?" naguguluhang tanong ko sa kanya.

"Si mommy lang ang nagsabi no'n, baby. And yeah, that's true. Hindi ako marunong magluto pero para sa 'yo, mag-aaral akong magluto. Basic lang ang mga 'yan at madali namang lutuin," tila magmamayabang pa niyang saad.

Pinagsandok niya ako ng pagkain at inabot ko ang kutsara. Pero natulala lang ako nang madulas ito sa aking kamay.

Tiningnan ko ang nanginginig kong kamay. Ramdam ko ang dalawang pares ng mga mata ni Lervin sa akin ngunit hindi ko 'yon pinansin.

Gloom Series 1:Someday, I'll Be Gone (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon