Chapter 44:Again, research failed
KUNG LALABAN ba ako, Lervin ay hindi mo na ba isusuko pa ang buhay mo sa akin?
Kung lalaban ba ako ay hindi mo na gagawin ang masamang ideyang pumasok sa utak mo?
Kung lalaban ba ako ay may masayang wakas ba kami? Dahil kung meron man ay lalaban ako.
Lalaban ako hangga't kaya ko. Lalaban ako na hindi lang para sa sarili ko. Kundi para sa mga mahal ko sa buhay.
Pero mahirap kalabanin ang tadhana. Kung ano ang nakasulat, kung ano ang nakatakda ay iyon ang masusunod.
Simula nang isilang tayo sa mundong ito ay roon na rin nagsimulang isulat ang nakatakda sa 'yo sa hinaharap.
Sa ating mga palad nakaukit. Kaya ano'ng magagawa natin? wala, sa huli wala tayong magagawa.
Ang mga katagang binigkas ng asawa ko ay tila paulit-ulit ko itong naririnig sa buong sistema ko.
Ano'ng mayroon sa 'yo, Lervin? Bakit ganoon na lamang ang pagsuko mo sa 'yong buhay para lang makasama mo ako sa huli?
Bakit ganito ka magmahal? Hindi ka naman katulad noon, hindi ikaw iyong Lervin na nakilala kong nagmahal kay Jillian.
Kung kay Jillian ay nagmakaawa ka para lamang magpagamot siya ay sa ibang paraan mo naman ginawa sa akin.
Labis-labis pa nga ang ginawa mo at handa ka pang mamamatay para sa akin. At iyon ang hindi ko hahayaang mangyari.
***
LERVIN DE CERVANTES' POV
"GOOD morning," bati ko team ko nang makapasok ako sa laboratory kung saan ginaganap namin ang research.
They are completed. Nakaupo na sila sa seats nila pero iyong mukha nila ay parang pinagbagsakan ng langit at lupa.
Base on their reactions and faces, I know we failed again. For the second time around. Pero bakit pa namin tinuloy ang meeting na ito?
I sat beside Jai at ilang segundo pa kaming napatahimik bago tumikhim si Cervin.
"You know, Team Art that there is no possible that we can have the cure for SCA. Because, we know better that, it's hard to find the cure," pagsisimula ni Cervin.
Iyong mukha niya ay napaka-seryoso at nababasa rin sa kanyang mga mata ang pagkabigo.
Sino ba naman ang hindi mabibigo? Pinagsama-sama na ang mga matatalino at mahuhusay na doctor para lang sa research team na ito ay sa pangalawang pagkakataon ay nabigo rin kami.
Kahit ako ay nawawalan ng pag-asa. Dahil wala naman kaming mahanap na lunas.
Ilang buwan na bang pinag-aralan namin ang sakit na 'yon? Ilang buwan na kaming naghahanap ng lunas.
And I think nauubusan na kami ng oras.
"I observe this for many times, pero wala pa rin naman. Lumalabas lang sa research ko na physical therapy lang ang magagawa sa SCA. Walang kahit ano'ng gamot ang puwedeng i-take ng pasyente," Kierson explain his own research.
"Yeah, physical therapy. Pero alam nating maliit lang ang percent na puwedeng gawin 'yon. Tingnan niyo naman ang katawan ng asawa ni Dr. Lervin ay unti-unti na siyang nanghihina. At alam nating lahat na hindi na normal ang mga nangyari sa kanya kahapon. And there is a possible na hindi na siya magigising pa," Dra. Even.
Naikuyom ko ang kamao ko dahil tila nadudurog na naman ang puso ko. Bakit hindi ko matanggap? Bakit?
God, ilang ulit mo pa ba kaming pahihirapan? Hindi ka ba naaawa sa amin? Ang daming mga taong nais pang mabuhay pero hindi na nila magagawa pa.
BINABASA MO ANG
Gloom Series 1:Someday, I'll Be Gone (COMPLETED)
RomanceTRIGGER WARNING & SUICIDE. READ AT YOUR OWN RISK. Genre: Romance & Drama Arthea Primero is a happy-go-lucky, she just loved her husband who paid more attention to other woman than her. In their marriage, her husband did nothing good. But unfortunate...