CHAPTER 30

29.7K 282 74
                                    

Chapter 30:Stay

"ART..." muling tawag ko sa kanya pero nagpupumiglas na siya.

"S-Shin... Shin, ialis mo n-na siya. Ayaw, a-ayaw ko sa kanya. Shin, p-paalisin mo na siya," naiiyak niyang sabi. Tila naging bata siya at ayaw niya sa kalaro niya.

Kahit nagpupumiglas man siya ay kinulong ko na siya sa mga bisig ko. Paulit-ulit na pinapaalis ako pero hindi ako nakinig.

I hugged her, tight. Iyong klaseng yakap na ginawa niya sa akin noong iniwan ko siya.

Iyong klaseng yakap na para bang ayaw mo na siyang mawala. Ganito pala ang pakiramdam noong ginagawa niya 'to sa akin.

"I'm sorry, Art. I-I'm so s-sorry..."

Binaon ko sa buhok niya ang mukha ko at malaya nang umagos ang mga luha ko. Umiiyak na siya, umiiyak na siya sa dibdib ko at pilit pa rin akong pinapaalis.

I'm such a jerk.

"I'm sorry, Art. I-I'm so s-sorry..."

Yes, I'm such a jerk. Nabulag ako, nabulag ako sa katotohanan.

Hindi dapat ganito, hindi 'to dapat nangyari. Parang unti-unti ako pinapatay sa katotohanan.

Nang huli ko siyang nakita ay hindi siya ganito. Okay pa naman siya roon. Okay pa naman ang paglalakad niya.

G-Gusto kong suntukin din ang sarili ko. Doctor ako pero hindi ko man lang nalaman na may s-sakit pala siya? Doctor ako pero ni hindi ko man lang napansin na may karamdaman na pala siya.

Doctor ako pero bakit wala akong nagawa? Ni hindi ko talaga alam na naghihirap na pala siya.

"Please...leave. A-Ayaw na kitang makita, eh," naiiyak pa ring sabi niya.

Lumalakas 'yong paghikbi niya at marahan na hinampas pa niya ang dibdib ko.

"I'm sorry. S-Sorry baby..."

"No...umalis k-ka na please... Okay n-na ako, okay na a-ako, eh," naiiling na sabi niya at mahigpit na niyakap ko ang ulo niya para mas higpitan ko pa ang yakap niya.

Dapat ako, dapat ako ang unang nakakaalam nito. Dapat ako ang naunang nakaalam sa sakit niya.

Pero ano'ng ginawa ko? Patuloy ko pa rin siyang sinasaktan. Paulit-ulit at alam kong hindi ko na deserve na alagaan pa siya.

"AAHHH!" Mariin kong pinikit ang mga mata ko nang buong lakas siyang sumigaw.

"A-Art..."

"N-Nandito ka na naman, eh. Nandito ka n-naman, tapos iiwan mo naman a-ako. Okay n-na ako no'ng w-wala ka, eh. K-Kaya bakit bumalik ka pa?" nanghihinang sabi niya at napasinghot pa siya.

"Okay na ako! Okay n-na ako pero bakit bumalik ka pa rin?! I don't need you, anymore... Please, leave. Leave me alone..."

"No... I'll stay, I'll stay, Art. I'll stay..."

"Iiwan mo rin naman ulit ako, eh! Iiwan mo rin ako para kay Jillian!"

Tuloy pa rin ang pag-agos ng mga luha ko sa aking pisngi.

Inalala ko ang mga magagandang pangyayari na nagawa ko para sa kanya.

At ilang saglit lang ay bigla rin 'yong naglaho. Masaya na kami, napasaya ko na siya pero sinuklian ko lang ng sakit.

Walang kapatawaran ang ginawa ko pero ngayon, sigurado ako na hinding-hindi ko na siya iiwan pa.

Kahit lumalayo na ang loob niya sa akin. Kahit ipagtabuyan pa niya ako.

Gloom Series 1:Someday, I'll Be Gone (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon