Strict
HE TRUE to his words. Nag-stay nga siya sa bahay namin. Dito na siya umuuwi pero katulad ng mga nakagawian namin ay para kaming estranghero sa isa't-isa.
Hindi kami nagkikibuan. Madalas lang niya akong nilalampasan. Kahit nga ang sumulyap sa akin ay hindi niya magawa.
Hindi na rin kami nagtatabi sa pagtulog. Nasa kabilang room na siya at iyon ang ipinagpasalamat ko.
Gusto ko na ang ganitong routine namin para naman ito sa sarili ko. Matututo akong magmahal sa sarili ko na inubos ko lang sa kanya.
Matututo akong gigising nang umaga na wala na siya sa buhay ko. Para hindi ako mas mahulog pa.
Para huminto na ang katangahan ko. Para kalimutan siya. Para kalimutan ko na mahal ko siya. Kalimutan ang pesteng pagmamahal na ito.
Pero sa halip na kalimutan ko siya ay mas lalo lang lumalalim ang nararamdaman ko para sa kanya. Mas lalo lang ako nahulog. Lunod na lunod na ako at kinatakutan ko na hindi na ako makakaahon pa.
Mas lalo ko lang kasi siyang minahal. Hinahanap-hanap. Tanga mang sabihin pero palihim ko pa rin siya tinititigan.
Ganito ba talaga kung magmahal? Iyong okay lang sa 'yo kung masaktan ka niya. Pero ang mas nakakatawa? Nakokontento ka sa pagmamasid sa kanya sa malayo. Makokontento ka na, nasa piling mo siya. Iyong nasa sa 'yo siya. Sa 'yo siya umuuwi. Kahit alam mong ang isip at puso niya ay nasa iba.
___________________________________
"PANG-SAMPUNG buntong-hininga na 'yon," komento ni Shin.
Nasa waiting shed kami ngayon ng school at nagpapahinga. Break time na namin sa klase at parang lutang pa rin ang isip ko hanggang ngayon.
Kami na lang ni Shin ang tumatambay rito kasi graduate na ang kaibigan naming kambal. Bihira na rin kami magkita. Busy na kasi ang mga 'yon.
Si Crim ay busy na sa pagte-take over ng kompanya ng daddy niya. At si Drim ay busy rin sa pagre-review dahil sa examination nila sa Architecture.
Kahit hindi na siya mag-review ay alam kong makakapasa siya. Summa cum laude sila pareho sa graduation nila, eh.
Kahit mukhang bad boy si Drim ay hindi naman niya pinapabayaan ang pag-aaral niya.
Matalino silang dalawa kaya isa 'yan sa mga kinahangaan ng mga estudyante rito. Kahit na kaliwa't kanan ang girlfriend niya. Ngunit kahit abala man silang dalawa ay may pagkakataon pa rin silang tawagan kami at kamustahin. Lalo na si Drim. Siya ang pinaka-protective sa amin ni Shin. Parang kapatid na rin kasi ang turing niya sa amin. At kung pinagtataka niyo na kung minsan ba ay nagkagusto kami sa dalawang 'yon o sila mismo ang nagkagusto sa amin.
Si Crim alam kong kaibigan at kapatid lang talaga ang turing niya sa amin. Isa pa, wala siyang balak pumasok sa pakikipag-relasyon. Dahil na rin, na siya ang magpapatakbo ng negosyo ng mga magulang niya.
Si Drim? Gusto ko siya pero hindi bilang lalaki. Gusto ko lang siya bilang kaibigan at alam kong hindi siya ganoon. Minsan na siyang nagpaparamdam ng ligaw sa akin. Pero pinahinto ko na rin. Alam kong hindi naman siya magse-seryoso. At tanggap na niya na bilang kaibigan na niya lang ako. Hindi naman naging awkward 'yon sa amin. Bagkus naging mas close pa kami sa isa't-isa.
At nitong mga nakalipas na araw ay patuloy pa rin ang mga kababalaghang nangyayari sa katawan ko. Hindi ko na rin 'to sinabi kay Shin.
Naging malihim na ako pagdating sa buhay ko. Ni hindi ko na nga sinabi sa kanila ang pinag-usapan namin ni Lervin.
Oo, nasabi kong maghiwalay na kami ni Lervin. Pero alam niyo ba ang nakakatawa? Hiniling ko na sana hindi siya sasang-ayong sa akin. Ang totoo niyan ay hindi ko na kayang mawala pa siya sa akin. Mahal na mahal ko siya, eh.
BINABASA MO ANG
Gloom Series 1:Someday, I'll Be Gone (COMPLETED)
RomanceTRIGGER WARNING & SUICIDE. READ AT YOUR OWN RISK. Genre: Romance & Drama Arthea Primero is a happy-go-lucky, she just loved her husband who paid more attention to other woman than her. In their marriage, her husband did nothing good. But unfortunate...