Chapter 47:Death
"I'M Dr. Hirone Gabriel McLarren, in-charge doctor of patient de Cervantes," the man introduce his name.
My eyebrows knotted and confused visible in my eyes. I don't remember that he is one of our doctor.
Hindi nagkakalayo ang edad namin, base on my observation. I don't know how to describe his physical appearance but I can say, he looked like Cervin. Cervin and his aura are the same, the only difference ay palaging nakangiti ang isang ito.
Somehow, magaan ang bukas ng mukha niya. Dark hair.
"Confused? Me, too. Sa pagkakaalam ko rin ay matatalino at mahuhusay ang mga doctor niyo rito. But I don't know why my cousin--where's my cousin, by the way?" Sa halip na tapusin ang introduction niya ay ang pinsan pa niya ang hinahanap.
"I'm here." Biglang singit naman ni Cervin at inakbayan ang doctor sa harapan ko.
"He's my cousin, mother's side. Don't worry, dude. I trusted him when it comes to this, he's a genius doctor from Italy. Kararating niya lang a week ago at sinadya ko talaga na siya ang kunin as a doctor of your wife. Familiar na siya sa sakit na ito, right Hiro?" baling nito sa pinsan. Kaya pala may pagka-similarity ang dalawang ito dahil magpinsan pala.
"Alam kong bawal na kumuha ng doctor lalo pa na sa ibang bansa pa ito. But, he's a license doctor here. Nasa Italy lang talaga siya para bantayan ang babae niya roon," dagdag pa niya at siniko naman siya ng isa.
"Busy kasi tayo sa paghahanap ng lunas ng SCA. He can help us, too."
"Alright, I understand," sagot ko.
"You can just call me, Dr. Hiro," he said, while smiling.
Iyong presence niya ay pareho talaga ng kay Cervin kaya magaan ang loob ko sa kanya.
***
TAHIMIK na nagmamasid lang ako kay Dr. Hiro habang sinusuri niya ang asawa ko.
Kami na lang nina Jai ang nandito sa loob at ang iba ay may pinagka-abalahan na.
Pagkatapos no'n ay lumapit siya sa amin ni Jai. Nakasuksok ang magkabilang kamay niya sa doctor's coat niya.
"As you can see, comatose ang pasyente. She's the only one patient comatose that I have ever encountered. Sa mga pasyente ko dati ay umaabot lang sila ng isa o dalawang taon bago pumanaw. Your wife is a different situation. Kailanman ay hindi umabot ang pasyenteng may SCA na makakatulog nang ganitong kahaba-habang araw. Madalas silang bumibitaw and there is no survivor. Remember that."
"And as of now ay muli natin siyang o-obserbahan. She take a body CT scan and brain, again. Susuriin natin kung may iba pa bang pagbabago sa katawan niya lalo na ang utak niya."
Pagkatapos nang paliwanag ni Dr. Hiro ay kaagad na siyang nagpaalam at lumabas.
Nasa tabi na naman ako ni Art at hawak-hawak ko na naman ang kamay niya.
Naka-ilang ulit na rin akong nagdasal at humiling sa Diyos na sana bigyan pa kami ng second chance para mabuhay pa si Art at makakasama ko pa siya ng matagal.
When I realized that I really, really love her ay nakabuo na rin ako ng pangarap kasama siya.
I want a simple family with her. I wanna spend my life with her, forever. Bubuo pa kami ng pamilya at magkakaroon ng anak. Gusto ko pa siyang makasama nang matagal.
"Art?"
Nanlalamig ang katawan ko nang tumunog ang monitor niya at bumaba ang heartbeat no'n.
Napatayo ako sa takot at kahit hindi na ako nagtawag ng doctor ay awtomatikong naka-connect na 'yon sa kanila, sa oras na tumunog ang monitor ng pasyente.
BINABASA MO ANG
Gloom Series 1:Someday, I'll Be Gone (COMPLETED)
RomanceTRIGGER WARNING & SUICIDE. READ AT YOUR OWN RISK. Genre: Romance & Drama Arthea Primero is a happy-go-lucky, she just loved her husband who paid more attention to other woman than her. In their marriage, her husband did nothing good. But unfortunate...